19.

15 2 0
                                    

PRIM

❝Prim! Help!❞ napatingin ako kay Kate. Gumagawa siya ng assignment. ❝Paano nakuha 'yon? Hindi ko talaga gets,❞ nakangusong sambit niya.

❝Here, kopyahin mo na lang. Explain ko na lang sa 'yo mamayang lunch,❞ sambit ko at inabot sa kaniya ang assignment ko.

❝Thank you,❞

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon, only to see Kayavine holding a rose. Agad siyang lumapit sa akin at inabot iyon.

❝Lumabas ako ng school kanina ta's pilit na binebenta sa 'kin 'yan nung bata, naawa ako kaya binili ko na,❞ hinihingal na sambit niya, halatang tumakbo. ❝That's your favorite flower, sa 'yo na.❞

❝Thank you?❞ hindi sure na sambit ko. Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko kaya agad kong tinapik ang kamay niya. ❝So epal,❞ agad kong inayos ang buhok ko.

Agad na siyang umupo sa pwesto niya which is sa likod ko, bandang kaliwa nang pumasok ang prof. Nakinig na lang ako habang nagte-take down notes, magrereview pa 'ko mamayang pag-uwi dahil may quiz kami bukas.

❝Anong kakainin natin? Gutom na 'ko,❞ tanong ni Kay pagkalabas namin ng room. Nakasandal ako sa tabi ng pinto habang nasa harap ko siya.

❝Hindi ko alam, ano bang gusto mo?❞ tanong ko.

❝Bakit, libre mo?❞ tanong niya gamit ang nakakalokong ngisi.

❝Hindi ako kakain, may gagawin pa 'ko,❞ sagot ko.

Iniintay kong lumabas si Seungyoun, gusto ko nang pag-usapan 'yong tungkol sa project, gusto ko nang matapos hangga't maaga pa.

❝Prim,❞ napatingin ako sa tumawag sa 'kin, si Seungyoun.

❝Let's go,❞ aya ko sa kaniya. Humarap muna ako kay Kay na kasalukuyang nakakunot ang noo. ❝Pag-uusapan namin 'yong tungkol sa project, you can eat without me, 'kila Kate ka muna sumama.❞

Hindi niya 'ko sinagot at nanatiling nakatayo doon. Agad kong sinenyasan si Seungyoun na sumunod sa akin.

❝Sasama 'ko,❞ seryosong saad ni Kay.

❝Kumain ka na, sabi mo gutom ka?❞

❝Wala akong sinabi, tara na,❞ saad niya at pinauna na 'kong maglakad. Dumiretso kami sa area kung saan ka pwedeng tumambay, maraming tables kaya marami ding tumatambay.

❝So, anong gagawin natin?❞ tanong ko nang maupo. Katapat ko si Cho habang katabi ko si Kay.

❝Hatiin muna natin 'yong gagawin. Kung ano 'yong gagawin mo at kung anong gagawin ko,❞

Nagsimula na kaming gawin 'yong mga dapat naming gawin. Inexplain ko pa sa kaniya 'yong iba dahil hindi niya daw gets.

Nahagip naman ng mata ko si Kay sa tabi ko, nakapatong na ang ulo sa mga braso niya na nakaharap sa akin, tulog na.

Kinuha ko 'yong portable fan sa bag ko at binuksan 'yon bago itapat sa mukha niya. Inayos ko pa 'yong iilang hibla ng buhok na natatakpan ang bandang mata niya.

❝Prim,❞ naagaw ni Seungyoun ang atensyon ko. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa laptop. ❝Mauna na 'ko, sa bahay ko na lang tatapusin 'to.❞ malamig na saad niya.

❝Akala ko ba aalis tayo?❞ kunot-noong tanong ko.

❝You're busy,❞ hindi siya nakatingin sa akin.

❝Busy? With what?❞

❝With your boyfriend,❞ pinasadahan niya ng tingin si Kay na natutulog pa din. Muntikan na 'kong matawa.

I bit my lower lip, pinipigilang mapangiti.

❝It's okay, PM me na lang if gusto mong tumuloy ng alis,❞ I gave him a sweet smile. Pero mukha siyang nainis.

❝Huwag na, salamat na lang.❞ huling sambit niya bago naglakad palayo. Doon ako mahinang natawa.

Boyfriend, huh?

Ba't ba halos lahat sila ay inaakalang mag-jowa kami ni Kay? Gosh.

Tinapik ko ang pisngi ni Kay para gumising siya, agad naman niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin.

Tinignan niya ang relo niya bago magsalita. ❝Oh? 2 hours na tayong nandito? Nag-skip tayo ng klase?❞

❝No, may biglaang meeting daw ang teachers, uwian na.❞

❝Let's have a date, then,❞ nakangiting sabi niya.

❝Hmm, lets go.❞

√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛Where stories live. Discover now