43.

14 1 2
                                    

PRIM

❝Good afternoon, Ma'am. I'm sorry I'm late,❞ pilit ang ngiti ko sa prof ko. Nginitian niya lang ako at pinapasok.

Umupo na ako sa seat ko at nakinig nang mabuti dahil Math 'to, ito ang subject na pinaka-tinututukan ko, same with Chem.

Nang mag-bell, agad ko nang inayos ang mga gamit ko sa bag at sa ilalim ng desk ko. Pupunta pa 'ko sa locker hall dahil baka puno na naman iyon, hindi naman sa naga-assume ako pero parang ganoon na nga.

❝Prim, may pupuntahan ako.❞ sambit ni Kay. Tinanguan ko lang siya 'tsaka ngumiti. Nauna na siyang umalis.

❝Prim, hindi ako makakasabay sa pag-uwi,❞ saad ni Seungyoun pagkalapit niya sa akin. Napatingin ako sa likod niya, nag-iintay si Hyeseo.

❝Okay lang, ano ka ba? Hindi mo 'ko kailangang sabayan,❞ natatawang sambit ko at nauna nang lumabas ng room.

Mabilis akong naglakad paakyat ng rooftop, hapon pa lang naman. Marami pang oras, kung pwede lang e gusto kong abutin ng gabi dito.

Nang makaakyat, agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Napangiti ako.

Umupo ako sa bench at inilagay sa gilid ang bag ko 'tsaka inayos bago mahiga.

Parang kailan lang ang saya namin ni Seungyoun, pero sa sobrang bilis, hindi ko namamalayang nawawala ulit siya sa akin.

Ang sa akin lang, okay lang naman, e. Pero sana hindi siya nagbigay ng motibo.

Naalala ko, everytime na inoopen ko ang about sa label, natatahimik siya. Siguro hindi siya handa, o siguro.. wala lang talaga 'ko sa kaniya. Baka landian lang ang lahat.

Sa bagay, kahit kailan naman, hindi niya sinabing mahal niya 'ko. Gusto, siguro? Pero hindi malinaw 'yon.

Naramdaman ko ang pag-tulo ng luha ko at ang paninikip ng dibdib ko. Hindi pwede 'to. Pero mas hindi ko pwedeng layuan si Seungyoun. Hindi ko din alam kung kaya ko.

First love never dies, totoo naman. Pero kapag ba bumalik 'yong first love ko, ganoon rin ang gagawin ko kay Seungyoun? Aaktong walang 'something' sa aming dalawa? Parang hindi ko kaya. Mahal ko 'yon, e.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa pag-iyak, nagising lang ako nang makaramdam ng sobrang lamig na hangin. Gabi na.

Mukhang uulan pa 'ata. Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang makitang 9:55PM na.

10:00 ang sara ng school.

Mabilis akong bumaba mula sa rooftop, at bawat floor na nadadaanan ko ay nakakakilabot, sinong hindi matatakot dito? Sobrang dilim.

❝Wait lang po!❞ sigaw ko sa guard nang makitang ila-lock na niya ang gate. Inintay naman niya 'kong makalabas atsaka ako sinermunan. Nag-sorry na lang ako.

Wala nang dumadaang bus nang ganitong oras. Magtataxi na lang ako.

Nang makarating sa condo, agad na 'kong pumasok sa elevator paakyat sa floor namin.

I checked my phone, 67 missed calls from Kayavine. 43 messages from Kayavine. Karamihan rin ay 'kila Athena. Walang kay Seungyoun.

Nang bumukas ang elevator, agad na akong tumakbo papunta sa unit dahil siguradong nag-aalala na si Kay.

Pagkapasok ko, agad ko siyang hinanap. Nakita ko siya sa living room na may tinatawagan, nag-ring ang phone ko.

❝Kay,❞ tawag ko sa kaniya. Agad siyang lumapit sa akin para yakapin ako. ❝I'm sorry,❞

❝Saan ka galing?!❞ nag-aalalang tanong niya.

❝N-nakatulog ako sa rooftop ng school, hehe,❞ sagot ko. Niyakap niya 'ko ulit.

❝Huwag mo nang uulitin,❞ sambit niya. Tumango na lang ako at nag-sorry ulit. ❝Akala ko may date kayo ni Seungyoun?❞

Oo nga pala, nasabi ko nga pala sa kaniya 'yong tungkol doon.

❝A-ah oo nga, diba nag-uwian na tapos nag-punta 'kong rooftop ta's pinuntahan ako ni Seungyoun doon 'tsaka kami nag-date,❞ nakangiting saad ko.

I'm sorry for lying, Kay.

❝Alam mo ang pinaka-ayaw ko sa lahat, hindi ba? Akala ko hindi mo na uulitin?❞ tanong niya, nakatingin ng seryoso sa akin. ❝Tinanong ko si Seungyoun, hindi naman raw kayo magkasama.❞

Tumulo ang luha ko, agad kong pinunasan 'yon. Pero parang pinagtatraydoran ako ng mga mata ko dahil tuloy-tuloy sila sa pag-agos.

❝Hindi ko na alam, Kay,❞ pinilit kong tumawa kahit pa tumutulo ang luha ko. ❝Sa tingin mo, mahal rin kaya ako ni Seungyoun?❞ nabasag ang boses ko.

Niyakap niya lang ako dahil hindi niya alam ang sasabihin niya. Ilang minuto bago ako tumahan. Pinainom niya ako ng tubig 'tsaka pinaupo sa couch.

❝Please, huwag mong sasabihin kay Seungyoun 'to,❞ sambit ko. Labag man sa kalooban niya ay tumango siya. ❝Thank you,❞

❝After this sem, we'll go back to Thailand.❞ seryosong sambit niya.

√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛Where stories live. Discover now