45.

12 1 6
                                    

PRIM

❝Huy akin 'yaaan!❞ reklamo ni Hyeseo kay Seungyoun.

❝Ako kumuha, akin 'to,❞ sambit naman ni Cho.

❝Anong iyo, edi akin 'to!❞ inagaw ni Hyeseo 'yong paborito ni Cho.

❝Hoy anong iyo 'yan? Akin 'yan, paborito ko 'yan,❞ reklamo namn ni Seungyoun.

Mag-palit na lang kaya kayo ng pagkain? Nahiya pa amputa.

Nakatingin lang ako sa plato ko habang pinaglalaruan ang pagkain. Alam kong masama 'to pero nakakawala talaga ng gana kung ganito 'yong nasa harap mo.

'Yong totoo, Seungyoun, sinama mo lang ba 'ko dito para makita kaharutan niyo ni Hyeseo?

Pasimple akong tumingin sa kaniya. Hindi niya suot 'yong kwintas, at wala ding singsing sa daliri niya. Umiwas ako ng tingin at pasiktretong tinago sa loob ng uniform ko ang singsing ng kwintas.

❝Prim, maganda ba sa Thailand?❞ napatingin ako kay Seungwoo.

❝Oo naman, madami kang pwedeng puntahan doon,❞ nakangiting sagot ko.

❝Naisip ko kasi kung babalik kayo doon ni Kayavine or mag-stay kayo dito for good.❞ nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Pero agad akong nagpilit ng ngiti.

Hindi ko siya sinagot at pinilit na kumain. Sayang naman kasi kung hindi ko kakainin.

❝Ano 'yan, comeback? Hahaha.❞ pang-aasar ni Jinhyuk 'kila Hyeseo.

❝Pwede naman, hahahaha!❞ natatawang sagot ni Hyeseo.

Kinantyawan naman sila agad nila Hangyul. Napatingin ako kay Seungyoun, halatang masaya siya. Nagpilit ako ng tawa at umaktong nakikisabay sa pang-aasar sa kanila.

❝Prim?❞ umangat ang tingin ko sa tumawag sa akin.

Umawang ang labi ko nang makilala kung sino siya.

❝Y-Yugyeom,❞ napakagat ako sa ibabang labi ko. Agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.

Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko para lumapit sa kaniya. Niyakap niya 'ko nang mahigpit.

❝Oops, 'yong first love, nag-balik!❞ rinig kong sigaw ni Seungwoo. Siya lang nakakakilala sa first love ko, gago talaga!

Napatingin ako kay Seungyoun, umaasang makakita ng kahit kaunting pagseselos sa kaniya pero nakikipag-usap lang siya kay Hyeseo.

Narinig ko naman ang pang-aasar nila Yohan sa amin ni Yugyeom, dahilan para mabalik kay Yugyeom ang tingin ko.

❝Kumusta, tagal nating 'di nag-kita, ah?❞ nakangiting tanong niya.

❝Okay naman. Ikaw ba? Bakit ka nandito?❞ tanong ko sa kaniya.

❝Tinignan ko lang 'tong school. Baka kasi mag-transfer ako dito next year or next sem.❞ sagot niya. Napa-'Ah' na lang ako. ❝See you soon, I guess?❞ nakangiting sambit niya. Nginitian ko na lang siya at tumango.

Sa tingin ko, hindi na. Sayang naman. Nagpaalam na siya agad 'tsaka na umalis. Bumalik na din ako sa inuupuan ko.

❝Ex mo pala 'yon Prim?❞ gulat na tanong ni Woong. Tinanguan ko lang siya.

❝Grabe, pogi ng first love mo ah?❞ si Jinhyuk.

❝Oo nga, e,❞ pag-sangayon ko.

❝Bakit kayo nag-break?❞ tanong naman ni Yohan.

❝Nag-cheat siya,❞ nakangiting sagot ko. Natahimik naman silang lahat, kahit si Seungyoun.

Ma-guilty ka naman, hayop ka.

❝Tangina. Bakit naman?❞ gulat na gulat na tanong ni Seonho.

❝Sabihin na lang nating.. hindi ako sapat? Siguro nag-kulang ako. Hindi ko naman siya masisisi.❞ natatawang saad ko. ❝Hindi ako worth it mahalin, e.❞ nakangiting dagdag ko.

❝Huwag mo ngang sabihin 'yan! Minahal ka naman ni-- Yunseong, hehe,❞ pandadamay ni Wooseok kay Yunseong na tahimik kumakain.

Napailing na lang ako bago tumayo. Inayos ko na 'yong pinagkainan ko sa isang tray.

❝Una na 'ko, guys. Kailangan ko nang umuwi, may aasikasuhin ako, e,❞ sambit ko at nag-lakad na paalis.

Absent 'yong prof namin next class at ayon na din ang huli kong klase ngayong araw.

Dumiretso ako sa dean's office habang tinetext si Kayavine. Nandoon na pala siya. Kailangan na naming ayusin 'yong mga kailangan naming ayusin para makaalis na kami dito next sem.

√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛Where stories live. Discover now