30.

17 1 0
                                    

PRIM

It's sunday.

Maaga akong nagising dahil maaga din akong nakatulog kagabi dahil sa pagod.

Agad na 'kong pumasok sa CR para mag-hilamos. Iniisip ang mga gagawin ko sa araw na 'to. Nang mapatingin ako sa salamin, agad na naagaw ng kwintas na suot ko ang atensyon ko.

Napahawak ako do'n, isusuot ko ba 'to kapag pumasok? Maybe, yes. Nakakahiya naman kay Seungyoun kung hindi, 'diba? Siya ang bumili. Pero hindi ko alam kung itatago ko ba sa loob ng uniform ko o hahayaan kong makita ng iba. Hindi naman nila mapapansin, e.

I ended up studying hanggang 12PM. Kumain muna ako ng lunch bago napag-pasyahang maligo. Sobrang init, nakakairita.

Tulog pa 'ata si Kay dahil hanggang ngayon hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya.

Nang matapos akong mag-bihis, agad na din akong bumaba sa living room pero napahinto ako sa paglalakad sa hagdan. I saw Kayavine playing with his dog.

❝Kain na,❞ bungad ko sa kaniya.

❝Good afternoon rin sa 'yo, Chayaprim,❞ sarcastic na sambit niya. Napairap na lang ako, hindi makababa dahil nga ayoko sa aso. ❝'Di ka bababa?❞ tanong niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at tinignan ang aso niya bago ibalik ang tingin ko sa kaniya.

❝Ay, hehe. Mabait 'to, 'di ka kakagatin, promise. Kapag kinagat ka, kagatin mo din ako,❞ pang-gagong sambit niya.

Bumaba na ako ng hagdan papunta sa living area pero agad akong sinalubong ng aso niya. Kumunot ang noo ko nang maramdamang dinilaan ako no'n sa bandang paa.

Umupo ako sa sahig para mapantayan siya 'tsaka tinapik ang ulo nito. Ba't ang amo naman nito?

Umupo na ako sa sofa at kinuha 'yong librong binabasa ko kanina pa, while Kay is watching netflix.

❝Hinaan mo nga 'yong volume! Can't you see? Nagrereview ako!❞ suway ko kay Kayavine.

Kinuha niya 'yong remote, inaasahang hihinaan niya 'yong volume pero mas nilakasan niya lang.

❝Fuck you,❞ inis na saad ko.

❝Bata pa tayo, Prim,❞ nakakatanginang sambit niya.

Agad ko siyang sinabunutan dahil doon.

❝ARAY KO GAGO JOKE LANG, BITAAAAW!❞ sigaw niya. Mas hinigpitan ko ang pag-sabunot sa kaniya. ❝Prim masakiiit.❞ binitawan ko siya.

Natatawa siyang inayos ang buhok niya habang nakatingin sa akin pero agad na sumeryoso ang mukha.

❝Ano 'yan?❞ he asked, tinuturo ang kwintas sa leeg ko.

❝A necklace,❞ simpleng sagot ko.

❝With a ring.❞ dagdag niya. ❝Binili mo?❞ tanong niya pa.

❝No,❞ napahawak ako sa singsing. ❝Someone gave this to me.❞

❝Who?❞

❝Bakit ang dami mong tanong?❞

❝Who gave you the ring?❞ pamimilit niya.

❝Seungyoun.❞ sagot ko.

❝Nagkakamabutihan 'ata ulit kayo, ah?❞ natatawang sambit niya.

❝Not really,❞ sagot ko na lang at itinuon ang sarili sa pag-babasa.

√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛Where stories live. Discover now