34.

13 1 0
                                    

PRIM

Guys nahimatay si Kayavine!❞ sigaw ni Soohyun pagkapasok na pagkapasok sa loob ng room.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng room.

❝Prim!❞ rinig ko pang tawag sa akin nila Rajin pero dire-diretso lang akong tumakbo.

Putangina, Kay.

Nang makarating ako sa infirmary, nakita ko siyang nakahiga sa isa sa mga kama. Inaalagaan ng nurse.

Agad akong lumapit sa pwesto niya 'tsaka naupo sa tapat ng nurse bago ko hawakan ang kanang kamay niya.

❝Fuck, sabi sa 'yo mag-pahinga ka sa bahay.❞ mahinang bulong ko.

❝Prim, I'm okay,❞ mahinang saad ni Kay nang makitang nasa tabi niya na 'ko.

❝No you're not, sinabi ko na sa 'yong magpahinga ka lang, hindi ba? 'Tsaka mo 'ko tawagan kapag iba na ang nararamdaman mo!❞ sermon ko.

❝May sakit na nga 'ko ta's pinapagalitan mo pa 'ko,❞ reklamo niya.

❝Oh shut up, malamang pagagalitan kita dahil hindi mo inaalagaan ang sarili mo!❞ inis na sambit ko.

❝Oh, magagalit pa 'yan,❞ natatawang saad niya.

Nagsalubong ang kilay ko, siya lang 'yong nakita kong may lagnat na, nagagawa pang mang-asar.

Ang ayoko sa lahat ay ang nagkakasakit siya, inaalagaan ko din ang sarili ko para iwas magkasakit. Ayokong mahirapan siya kapag nagkasakit ako.

Pagkauwi namin kagabi sa condo, sinuka na niya lahat ng alak na nainom niya. Maayos na din 'yong pakiramdam niya pagkatapos noon.

Pero kaninang umaga naman, sobrang sakit raw ng ulo niya, iniisip ko ay hangover. Pero nag-suka ulit siya sa cr. Tinignan ko 'yong temperature niya, may sinat na.

❝Boyfriend mo?❞ napatingin ako sa nurse. Nakangiti lang siya.

❝A-ah, hindi po. Bestfriend ko lang siya,❞ sagot ko. Pero mukhang hindi siya naniwala.

❝May susundo ba sa kaniya? Mas mabuti kasi kung sa bahay siya magpapahinga,❞ saad ng nurse.

❝Nasa Thailand po ang parents namin, e. Kaming dalawa lang ang nakatira sa bahay,❞ sagot ko.

❝O-oh! Kung ganoon ipapasundo ko kayo sa guard para makauwi na kayo, magboo-book ako ng grab.❞ sambit niya at binigay 'yong phone niya sa akin para itype ang address doon.

❝Thank you po,❞ nakangiting sambit ko.

Dumating na 'yong guard ng school 'tsaka niya tinulungang maka-tayo si Kayavine.

Nang makarating sa condo, inalalayan rin kami nung grab driver paakyat sa unit namin.

❝Thank you, kuya,❞ pasasalamat ko.

❝Walang anuman, alagaan mong mabuti ang boyfriend mo, hija,❞ nakangiting sagot niya.

❝A-ah, hehe,❞ awkward akong ngumiti.

Bumalik na 'ko sa kwarto ni Kay, tinignan ko siyang mabuti, sobra siyang naghihina.

Nagluto ako ng soup sa kusina, 'tsaka naglagay ng maligamgam na tubig sa maliit na planggana.

Pumasok ako sa kwarto ni Kay bitbit 'yong planggana 'tsaka kumuha ng towel sa cabinet niya.

❝Hubad,❞ sambit ko nang makitang nakatingin siya sa akin. Kumunot naman ang noo niya.

❝P-Prim..❞ mahinang saad niya.

❝What the fuck?! Hubad, pupunasan kita!❞ sigaw ko nang ma-gets ang iniisip niya.

Mabagal siyang tumayo kaya't nilapitan ko na at tinulungang tanggaling 'yong uniform at t-shirt niya. Pinabalik ko na din siya sa pag-higa.

Pinunasan ko muna ang kamay niya hanggang sa braso, ganoon rin sa kabila. 'Tsaka ko pinunasan ang buong katawan niya bago siya binihisan ng panibagong shirt.

Kumuha na ako ng isang bowl ng soup at ng tubig 'tsaka ko kinuha sa isang cabinet 'yong mga gamot na ipapainom ko sa kaniya.

❝Prim.. bumalik ka na sa school,❞ mahinang sambit niya habang sinusubuan ko ng soup.

❝Gusto mong mamatay dito? Anong sasabihin ko 'kila Tita? Ginagago mo ba 'ko?❞ pagtataray ko naman.

Tinignan niya lang ako. Hindi alam ang sasabihin. I sighed.

❝Hindi ako papasok hangga't hindi ka gumagaling.❞ saad ko.

√ ฉันรักคุณ | 𝑐ℎ𝑜 𝑠𝑒𝑢𝑛𝑔𝑦𝑜𝑢𝑛Where stories live. Discover now