Busy ako kakatype ngayong tanghali dahil biglang nagpaulan ng infos ang mga kagrupo ko para sa research sa gc namin pero mas masaya dahil medyo organized ang pagsusuggest nila. Di na ako mahihirapan.
Natapos ko naman na agad at nagstretch pa. Makakakain din sa wakas. Simula kasi 9am to 2pm, nagttype lang ako. Walang almusal o lunch. Naligo muna ako dahil feeling ko napakadugyot kong tao, nagsuot lang ako ng shorts at hoodie, fleng rets kase, may aircon sa sala kaya malamig paglabas. Aircon is life daw kasi.
Nagluto ako ng sinigang at fried rice. Fave! Saktong pang dalawang tao to kaya makakakain din yung kasama ko dito. Nakarinig naman ako ng pagbukas at sara ng pinto! Shemay! Sa wakas mami-meet ko na ang makakasama ko!
Dahan-dahan akong lumingon at para akong binuhusan ng malamig na tubig na puno ng yelo. Nalaglag din ang hawak kong sandok na pinanghahalo ko sa sinigang. Kingina, paano nangyari to...
"K-klaine." Nausal ko ng wala sa oras ang pangalan niya. Kitang-kita ko na naguguluhan siya at ang gulat sa mukha niya. "What the hell." Dagdag ko pa.
"H-how..." Di niya matuloy ang sasabihin niya. Same, dude. Same!
Natapos naman ang sinigang at hinain ko na. Dapat ipakita kong di ako affected sa kaniya, sa presensya niya. Shet!
"Kain, pre." Casual kong sabi na parang tropa lang. Buti mabilis kong napakalma ang sarili ko, kundi, I'm fuckin' doomed.
Nilagyan ko ng plato at mga kubyertos ang pwesto niya, ganon din ako. Mas uunahin ko ang gutom ko kesa sa kaba. May tatapusin pa akong report sa calculus.
"Kumain ka na, wag kang tumanga diyan." Sabi ko pa at sumubo. Nakaaircon kami pero I'm definitely sweating here.
Umupo na siya at nagsimula na ring kumain.
"Mom didn't tell me about this." Pambabasag niya sa katahimikan. Napainom ako ng tubig.
"I wasn't aware na ikaw yung anak ni tita Kat, and I can't remember either, kaya napilit ako nila mama. Ngayon ko lang naalala na Lopez ka din pala." Malamig kong pahayag. Para di halata na tensyonado ako dito.
"Oh. Haha. Let's settle now, then." Sabi niya at sumubo bago magsalita ulit, "You don't have to worry dahil madalang akong nandito kasi I'm always at my friend's house. Kaya you can stay and be comfortable here." Paliwanag niya. I don't need his explanation, dahil di naman siya nagexplain sakin noon. Hehe.
"Ah, same. I have work and trainings." Sabi ko lang at tumayo na saka ko nilagay sa sink ang pinagkainan ko, bahala siyang maghugas diyan. He knows me naman. Kapag ako nagluto, di ako maghuhugas. Kaya matic na. Nagpaalam na ako sa kaniyang may tatapusin ako kaya hinayaan niya ako.
Humilata agad ako sa kama at hindi maprocess sa utak ko kung bakit ganon. Mama knows na ayoko ng makita si Klaine, pero ito pa gagawin niya! My mother is a traitor.
Tinawagan ko naman agad si mama at wala pang tatlong ring, sinagot na niya ito.
[Yes, my dAwtAh?] Maarte niyang sagot kaya napa-eww face ako. The hell is happening to my mother?
"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin na ang anak pala ni tita Kat at makakasama ko dito sa condo ay yung ex ko. Yung first ex ko, na ayaw niyo pa noon. Jusko." Angal ko sa kaniya.
[That's okay already. 20 ka na. At least, let yourself be happy, once again duh.]
"Mama, makapagsalita parang feeling teen. Tsaka mas sasaya ako kung sa ibang condo or dorm mo ko ipatapon kesa sa makasama ko to. You're aware naman po na ayaw ko sa kaniya, di ba?" Nakakunot na ang noo ko. Tae, hapon palang, stressed out na ko.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...