Dahlia's POV
Balak kong yayain ngayong Linggo si Huenisse magmall. Bakit? Kasi wala lang, bored ako dito. Kaso ilang tawag ang ginagawa ko, hindi siya sumasagot.
So, nagdecide na kong ako nalang magisa ang maggagagala. Nagbihis lang ako ng white jeans at yellow tees, tinernuhan ko yun ng nude garterized sandals, at sling bag na puti. Motto namin ni Huenisse ay, OOTD is a must. Hehe.
Pagbaba ko, nakita ko ang magaling kong kapatid na nagp-ps4 sa sala. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Kung saan wala ka."
"Susumbong kita kay mama, winala mo hikaw niya."
"Magmamall ako, hayop ka." Pagtapos kong sabihin yun, umalis na ako gamit ang kotse ko.
Pagdating ko sa mall, siyempre kumain muna ako dahil pasado ala una palang ng tanghali. Gutom na ako, no.
Pagkaorder ko, naghanap ako ng uupuan. Nang makahanap ako, nagulat ako ng may umupo sa tapat ko.
"Uy, Mico! What's up?" Bati ko sa lalaki sa harap ko.
"Si Huenisse?" Agad na tanong niya. Kung panget si Mico, maiisip ko na obsessed siya sa bestfriend ko, err.
"Di ko rin macontact, e." Sabi ko, at sakto namang dumating ang pagkain ko. "Gusto mo? Orderan din kit--"
"Hindi na. Kasama ba niya si Klaine?" Tanong niya pa. Aba, papaltukin ko to ng kutsara sa ulo, e.
Aasarin ko siya, mwehehe. "Oo, lagi naman, e. Actually, they're living together." Nanlaki ang mata niya, "Pero don't worry, nothing's going on between them. Kaya kalma mo puso mo." Aniya ko at umalis siya agad.
Natawa ako sa kagagahan ko.
*****
KINABUKASAN, maaga akong pumasok dahil ikekwento ko kay Huenisse ang araw ko kahapon, na dapat araw naming dalawa.
8:30 palang ng umaga nung pumasok ako, may ngingilan-ngilan nang studyante ang pumapasok. Pumunta naman ako sa building nila para magtanong tanong kung pumasok na siya. Kasi kahit kaninang ala-sais, e, hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Weird nga, e. Kasi ayaw non ang maraming missed call. Pag hindi niya nasagot, siya ang tatawag para tanungin kung bakit.
Sakto naman, naiihi ako, malamang nagcr ako, alangan naman pigilin ko, edi nagkasakit ako sa bato. Pagpasok ko sa cr, walang tao.
Pagtapos kong jumingle, nagsalamin ako nang may tumatawag sakin.
Mico
Calling...
Ano na namang kailangan nito?
"Hey?"
[Nasaan ka?]
"Univ. Bakit?"
[Exact loc.]
"Huh?" Hindi siya nagsalita. "Nasa cr ako ng building nila Huenisse. Bakit? May bomba ba rito?" Pagbibiro ko pa.
[Okay, usap tayo. Malapit na ko.]
At binaba na niya ang tawag. Nawiewierdohan na ko ah.
Palabas na sana ako ng may pumasok.
"Huy, gago ka, Mico! Lumabas ka!" Sigaw ko nang ilock niya ang pinto.
"Kung hindi ko makukuha si Huenisse, baka ikaw pwede pa, Dahlia. Maganda ka rin nama--"
Napatigil siya sa lakas ng sampal ko.
"Pahard to get ka?"
"G-gusto mo bang m-mamatay?!" Matapang kong sigaw sa kaniya.
Unti unti siyang lumapit sa akin at pinipilit akong halikan. Pero mas malakas siya kaya marahas niya akong hiniga sa sahig. Pota, madumi!!
"T-tulong!" Umiiyak na sigaw ko dahil tinanggal na niya ang butones ng blouse ko.
Shit, Mike. I love you, if something happens to me.
Hinawakan ni Mico ang hita ko paakyat sa maselang bahagi ng katawan ko. Pinipilit ko namang isara ang mga hita ko pero malakas talaga siya. Hilong hilo na rin ako dahil patuloy akong umiiwas sa mga halik niya, sabay pa ng pagiyak ko.
"H-help me, p-please!" Ubos pagasa ko pang sigaw. Hindi ko alam kung may nakakarinig sakin, e.
Isa malakas na tunog ang narinig ko at, "HOLYSH-- DAHLIA!!!" Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ko ang boses ng bestfriend ko. "Gago!!" Sigaw niya at pwersahan na inalis sa ibabaw ko si Mico.
Nang makita niya na ng malinaw, "O-oh my gosh, M-mico..." Sa isang iglap, ang pagkagulat sa mata niya ay napalitan ng galit at sakit.
Hiniga naman niya si Mico at walang habas na pinagsasampal. Wala naman akong magawa kundi ang umiyak dahil kung hindi dumating si Huenisse, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nang mapansin kong konti na lang ang itatagal ni Mico sa kamay ni Huenisse, pinigilan ko na ang kaibigan ko, dahil marami na rin ang nakikinood sa labas.
Bago niya lubayan si Mico, isang malakas na sapak ang ginawad niya rito.
Pagalis ng karamihan ay siya namang pagdating ni Tristan. Gulat ang tingin ni Tristan kay Mico na walang malay at nalipat naman sakin ang atensyon niya. Iyak pa rin ako ng iyak.
Tinanong niya pa ako kung anong ginawa sakin pero sinabi kong dalhin muna si Mico sa office ng Dean.
Pagdating namin don, agad na pinaalis ng dean ang dalawa at kami lang ni Mico ang nandon. Tulala pa din ako, at malayo ako kay Mico sa takot ko.
Kwinento ko sa Dean ang nangyari at di ko inaasahan na tatanggalin nila si Huenisse sa team kaya sobrang guilty ko.
Dahil daw muntik na niyang mapatay si Mico.
Isang araw ang lumipas pero hindi ko na nakita pa si Huenisse, ni hindi ko ma-contact. Nalaman ko rin kay Tristan na namatay si lola, lola ni Huenisse, nung isang araw. Kaya sobrang naguilty talaga ako, kasi dumagdag pa ko sa problema niya.
Nabalitaan ko din na pinyansahan agad ng ama ni Mico ang anak niya bago pa ito magising. Halos dalawang araw ring walang malay si Mico.
Batay pa sa ama ni Mico, naiintindihan niya si Huenisse, kaya sinabi niya sa Dean na pabalikin na si Huenisse sa team. Pero wala na, dahil tapos na ang Play-off.
*****
Lumipas ang halos tatlong buwan ng therapy ko dahil sa traumang idinulot ni Mico, e, naging okay na ako. At nalaman ko rin kay Tristan na nagpapagaling rin si Huenisse, emotional rin. Tumulong na din ako.
Lalo na sa pagmmove on kay Klaine. Pero halatang mahal niya pa, tsktsk.
Laging tulala si Huenisse, at hindi makausap ng matino. Nagdaan din ang apat na buwan at medyo nakakangiti na ang kaibigan ko.
At mas naging masaya ako nang nagtuloy tuloy ang recovery niya.
I'll never leave her, through her ups and down, I'll stay. She's my bestfriend and my sister, I love her so much.
----------
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Fiksi RemajaRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...