I arrived at Alyssa's place, exactly 5:50pm. Pero pansin na agad ang dami ng tao dito. Well, famous si Aly, kaya magtaka ka kung kaunti ang tao.
Marami akong nakitang pamilyar na mukha, kabilang na doon yung iba kong tropa nung junior high.
Nilibot ko naman ang mata ko para hanapin si Dahlia, kaso di ko siya makita. Dumiretso naman ako sa garden nila Aly para macontact ko yung babaitang nagpapunta sakin dito.
I dialed her number pero di naman siya sumasagot, baka nasa byahe na siya. So, I decided to look for Aly. Di ko naman na kasi gaanong kaclose na yung mga kabatch namin.
Pero meron naman akong nakakabatian.
"Hi, Huenisse!" Napaigtad ako nung may sumulpot sa harap ko.
"Oh, ikaw pala yan Sandy! Long time no see! Kamusta?" Nakipagbeso naman ako. Siya yung kachika ko lagi e, kasi seatmates kami, lol.
"Cute pa din! Hahaha! Sige, magiikot pa ako! See you around, muah!" Nagpaalam na rin siya agad after non.
May mga kinakawayan akong higher level saamin noon, na naging barkada ko din nung highschool.
Sa di kalayuan, natanaw ko naman si Aly na may kausap na mga babae, obviously her friends. Nilapitan ko naman si Aly, at nung napansin niya ako, nagpaalam naman siya sa mga kausap niya.
"Omygosh, Huenisse?! Is that you na talaga?! You're so stunning to night!" Papuri sakin ni Alyssa. Lol, I wasn't expecting that. Pero nakakaoverwhelm talaga paggaling sa isang maganda, girl. Hehe.
"Nako, hindi naman. Ikaw nga tong mukhang walang stress e!"
"Yes, gurl! Being stressed makes me haggard kaya. By the way, did you eat na ba? And where's Dahli-- Oh, speaking of the Dengel." Napalingon naman ako sa tinitignan ni Aly.
Naalala niya pa yung inimbento naming word nung highschool. Dengel, pinagcombine na Devil and Angel, para di daw harsh pag devil, tapos para di daw masyadong mabait pang Angel.
"Sorry, masyadong traffic e! Hi mga babes!" Bati ni Dahlia samin. Binatukan ko naman siya, dahil parang bar ang pupuntahan niya. "What?!" Singhal niya sa akin.
"Duh, you're wearing a spaghetti-strapped black fitted dress, no! Hindi kaya to bar!" Sabi ko sa kaniya ng nakakunot ang noo.
Nagtaka naman ako dahil tawa ng tawa si Aly, "You didn't tell her ba?" She asked Dahlia, between her laughs.
"O-oo, hehe. Di kasi sasama yan pag sinabi ko e." Alanganin na sagot ni Dahlia kay Aly, jusko. Mukhang may hindi ako alam ah. May mga scammer dito!
"Magbabar tayo mamaya after natin dito."
"Putangina?!" I almost shouted. Tawa naman ng tawa yung dalawa. "Bakit di mo sinabi?!" Hinila ko naman ang nakalugay na buhok ni Dahlia.
"A-aray. Sorry na nga e." Binitawan ko naman siya at napairap. Magsisimula na din yung kainan, kaya nagsitayuan na yung mga kaibigan ni Aly.
Pumunta na din kami sa table na sinabi samin ni Aly. Napansin kong semi-formal yung despedida ni Aly, kasi nakita kong nakadress yung mommy ni Aly, and yung daddy niya, nakawhite polo, with matching slacks. Tas andito din yung ibang tito't tita niya.
Natapos ang kainan at nagkaroon ng pagbibigay ng konting message kay Aly sa pagalis niya. Nagmukha ngang debut to e.
Di kalauna'y natapos na ang semi-formal party at nagsialisan na ang ibang mga bisita, karamihan ay yung mga kamag-anak nila. Pero natira yung mga invited sa after party. Wala pa yatang bente ang natira. Halos mga kilala ko pa.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Ficção AdolescenteRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...