"By the way anak, ikaw na bahala sa mga bills mo dito. Ilaw, kuryente, and pinagbigyan na kita sa wifi. Ako na bahala sa monthly non." Ani mama pagkatungtong pa lang namin sa loob ng condo.
Napairap naman ako, magagamit ko pa ang iniipon ko sa pagsisideline sa pagiging photographer. Buti may allowance ang mga scholar kaya hindi mahirap sakin at pinapabaunan pa ko nila papa ng pera dahil malayo din ang university sa amin, kaya sa isang buwan nakaka-6k akong ipon. Kasali na ang pagsisideline ko don.
"Anak, di ako nagsisi sa binayad ko kay tita Kat mo." Sabi ni mama ng nakangiti habang inaayos ang mga pagkain ko sa mga divider sa kusina.
"Yeah, whatever." Sabi ko at umirap sa hangin, papa is roaming around hanggang sa dalawang kwarto, while me?
Pinagmamasadan ko ang napakagandang condo na di ko alam kung anong pumasok sa isip ni mama para ipatapon ako dahil feel ko ang mahal dito. Tsk.
And honestly speaking, ang ganda ng pagkakadesign dito sa house. I'm also good at designing nung junior highschool, but I'm into med talaga, so... Yeah.
"Anak, aalis na kami. Ikaw na ang bahala dito. Maglinis linis ka muna diyan, dahil bukas o sa makalawa, eh, dumating yung anak ni Kat." Nanlaki naman ang mata ko. What?!
Di na ko nakapagreact dahil agad silang umalis ni papa. Pesteng yawa! Tinignan ko parehas ang kwarto. Namimili kung ano ang sakin, dahil talagang maganda ang interior design. Ang nagmistulang master bedroom ay merong theme na pa-woods yung style. Brown, cream, and white ang kulay. Unisex ang design nito.
While the other bedroom has the theme of ocean. Yung colors ay dark blue, baby blue, and white for the ceiling. I like this one.
Pumasok na ko dala ang mga gamit, inayos ko sa cabinet ang mga damit ko at nilagay ko sa study table ang mga libro na gagamitin ko para sa research na pinapagawa sa amin ng prof. Sinet up ko na din yung laptop sa lamesa para makapagsimula na ng trabaho. Thank God, dahil di ako pinagdamutan ni mama ng wifi. Talagang babagsak ako, shit.
Nagsimula na akong magresearch sa libro at pag mayroon akong di maintindihan, isesearch ko sa google. Simple as that.
"Pusangkinalbo, ano nga ulit yung Neuroblastoma?" Kausap ko sa sarili ko dahil sumasakit na ang ulo ko. Ilang beses ko kasi itong binasa sa libro pero ito pa ang nakalimutan ko.
Wala kasing mga kwenta kagrupo ko sa research, mga dumbbell. Nung makita ko na kung ano yon, hinighlight ko na agad saka ko tinype sa laptop.
Unti-unti naman akong nakaramdam ng antok, at gutom. Siyempre, bago matulog kumain muna ako. Alas-nuwebe na pala ng gabi. Buti't friday ngayon at wala rin kaming pasok bukas. Ewan ko lang kung magpaklase yung isa sa mga prof namin. Minsan kasi may mga saltik sila. Joke lang.
Habang kumakain ako nung niluto kong noodles may kumatok naman sa pintuan, hala? Gabing-gabi na ah.
"Package po!" Nagtaka naman ako. Di naman ako nagpapackage ah?
Baka sila mama na naman ang may pakana nito. Hay, kahit kailan talaga. Tumayo naman ako at pinagbuksan ng pinto yung delivery man.
"Ito po ba ang address ni Mrs. Katreiah Lopez?" Tumango-tango naman ako. Akala ko para sa akin. Jusmeyo. Pinirmahan ko naman ang papel na binigay niya bilang tanda na narecieve na ang package, di rin nagtagal ay umalis na si kuya.
Niligpit ko muna ang pinagkainan ko bago ipasok sa loob nung kabilang kwarto yung package. Baka pagchineck ko pa, sabihan akong chismosa ni tita. Hayaan ko na lang ang anak niya.
To be honest, di ko matandaan kung sino yung anak ni tita Kat. Ang dami kasing kaibigan ni mama. Sobrang friendly, jusko. Eh ako, lumaki ako sa lolo at lola ko talaga. Kinuha lang ako ni mama at papa nung tumuntong ako ng sixteen years old. So sanay akong small circle of friends lang. Basta yun na yon.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...