Hmm. Ano ba yon?! Ang ingay!
*Drugs by UPSAHL*
Pinipilit kong hanapin ang cellphone ko dahil kanina pa alarm ng alarm, mga alas-singko pa lang! Nakakainis! Ang sarap sarap ng tulog ko, e.
Pagkapatay ko, yumakap ulit ako sa unan ko. Ang comfortable nga, e. Kasi ang init sa katawan, parang buhay. Tapos parang naging human size yung unan ko-- Ha... Ano? Teka, h-human size?
Unti unti kong minulat ang mata ko at tumambad sa akin ang isang Klaine Lopez na mahimbing na natutulog, na nakayakap sa bewang ko.
"Tangina?!" Sigaw ko at naitulak ko siya. Yun naman ang nagpagising sa kaniya. Chineck ko naman ang katawan ko, walang masakit at wala rin namang nabawas sa damit ko. Hoo, safe.
"Argh, shit. Ang sakit ng ulo ko. Gago, bakit ba?!" Wala sa sariling bulyaw ni Klaine. He's half asleep pa pala. Wow, sana lahat.
Papungay-pungay pa siya at kinukusot pa ang mata niya. Mukha siyang bata. Ang gwap-- Po??? Potlong. Nang nasa ulirat na siya, nanlaki naman ang mata niya nung nakita akong masama ang tingin sa kaniya. "What?!" Sigaw niya. Moody ka, Ex?! Char.
"Anong what-what?! Malelate na tayo parehas, lumabas ka na!" Bumaba naman ako ng kama at tinulak siya palabas ng kuwarto. Pagkasara ko pa lang, napasandal ako sa pinto at sapo-sapo ang dibdib ko, parang lalabas ang puso ko!
What was that?! B-bakit ganon?! Bakit kinikilig ako?!
Habang pinapakalma ko ang sarili ko, naisip ko, may pasok pa pala ako! 8:30 na din ng umaga, at isang oras na lang ang preparation ko!
Agad akong kumilos. Halos taranta akong naligo, at simpleng pantalon at tshirt na puti lang ang OOTD ko ngayon, na tinernuhan ng puting sneakers. My everyday outfit is a must, sorry.
Umalis na ako agad at hindi na nagatubiling magpaalam kay Klaine, parehas naman kaming nagmamadali, kaya understood na yon. Lakad-takbo ang ginawa ko pagsakay, at pagbaba ng jeep sa R.U.
Ilang studyante na lang ang nakakasabay ko papasok, dahil 9:25 na. Shit, wala pa namang grace period dito! Tumakbo na ako papunta sa building namin, at tagaktak ang pawis ko.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa last row. Favorite spot ko, dahil tabing bintana at nasa ilalim ako ng aircon, mwehehe. Bahala na.
Lumipas ang ilang sandali at dumating na ang professor namin sa morning period namin.
***
Lunch time namin ngayon at nasa bench ako ngayon na nagiintay kay Dahlia at Tristan. Every Tuesday kasi, pare-parehas kami ng oras ng tanghalian.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na sila na nagbabangayan. Hay, kahit kailan talaga tong dalawang to.
"Tanga ka ba?! Mali ka nga dun sa number 85 eh!" Binatukan pa ni Dahlia si Tristan. Kawawa naman. Naaalog ang utak hays.
"Hindi kasi! Pagexplainin mo kaya ak--"
"Hep! Hep! Tama na yan!" Awat ko sa kanila at tumayo mula sa pagkakaupo, sabay pinagitnaan ko sila, mahirap na, baka magkaworld war 3 ng di oras.
Tumungo na agad kami sa malapit karinderya sa labas ng university. Nagpresinta naman si Tristan na siya ang manlilibre kaya hindi na kami umangal ni Dahls. Pagkaorder namin, humanap na kami ng lamesa at umupo roon. "May celebration bukas sa bahay, pupunta ba kayo?" Aniya ni Dahlia.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Novela JuvenilRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...