"Uwi na ba tayo?" Tanong niya sa akin pagkalabas namin ng restaurant.
"Bahala ka." Sabi ko at naunang naglakad.
"Arcade tayo!" Nagulat naman ako sa pagsigaw niya sa may bandang kanan ko. Akala ko, nagpahuli siya.
Tumango nalang ako, dahil kung di ako papayag, magpupumilit pa yan.
Hinila na niya ako at ayon nga, pumasok kami sa TimeZone. Pumunta naman siya sa machine ng car racing.
Hanggang ngayon, mahilig pa rin pala siya dito. Napalingon naman siya sa akin.
"Bakit?" Taas kilay kong tanong.
May kinuha siya sa wallet niya.
"Paloadan mo, hehe. Nakalimutan ko e. Please!" Habang winawasiwas niya sa mukha ko yung TimeZone card niya. Wow, gagawin niya lang pala akong yaya, ngani.
Umirap na lang ako at pabalang kong kinuha sa kamay niya yon. "Pera." Habang nakalahad ang kaliwang kamay ko sa harap niya.
Aba, wag niyang sabihin na ako pa magbabayad.
Mabuti na lang at parang may dinukot siya sa bulsa niya. Hay, salamat.
Nanlumo naman ako nung nilabas niya ang kamay niya at nakafinger heart na naman siya. Anak ng tinapa ka, Klaine Czean!
"Peste." Bulong ko.
Una sa lahat, bakit ba ako pumayag na sumama sa kaniya? Pangalawa, pwede naman akong tumakas, pero sayang din sa pamasahe. Putspa.
Dumiretso ako sa counter at ini-swipe ko ang card nung mokong sa may parang scanner, lumabas naman ang remaining balance niya doon. 20 pesos, huh?
"Ate, 200 po." Sabi ko dun babaeng nasa harap ng computer, at kinuha niya ang card sakin, saka nagpipipindot sa screen.
Kumuha naman ako ng five hundred, dahil yun lang din ang pera kong dala. Pagkaabot ko non, nagintay ako ng halos dalawang minuto at inabot na muli niya sa akin ang card, kasabay ng sukli ko.
Pumunta naman na ako kay Klaine, at nakita kong may ka-dm siya sa IG. Hala, sabi na may kabit. Charot. Gusto kong basahin. Hehe. Di naman sa chismosa ako, pero parang ganon na nga.
itsme_kleaczekinah
Kuya? U sure? Si ate Huenisse kasama mo?
Kung oo, papahatid ako kay mommy jan,!!
I miss her na! Huhu :<
kclxpxz
Oo nga.
Wag ka ng magpahatid.
Uuwi na rin kami mamaya.
Bye.
itsme_kleaczekinah
kuya naman e!
Hmp!!!!!
"Are you invading someone's privacy, miss?" Napalayo naman ako sa biglang pagsasalita nitong isa.
"N-no! I'm not. Oh! Ito na yung card mo!" Padabog ko namang binigay sa kaniya yon. "200 niload ko dyan!" Dagdag ko pa.
"Oh? Bakit ka nagagalit? Hahaha!" Di ko nalang siya pinansin at umupo sa katabing machine. Wala namang waiting area dito.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Fiksi RemajaRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...