"Okay, last shot na po!" Sabi ko doon sa babae. After non, nagpose na siya at sheren! Tapos na.
"Thank you, Huenisse. Thank you, guys. Buti talaga, Sabado ang kinuha kong sched ng shoot. Hahaha! Salamat ulit sa inyo! Magandang feedback makukuha niyo mula sa akin." Pasasalamat niya and obviously, she bid her goodbye, at di nagtagal binayaran niya din kami. Another work from Xy, as usual. Pero okay na yun, dahil napagastos rin ako nung nakaraang mga araw. Kailangan ko rin ng pagkakakitaan.
One week na ang lumipas, mula nung nagkasagutan kami. Parang sirang plaka na paulit ulit sa utak ko ang mga sinabi niya sakin. Pero hindi ko na lang yun binibigyan ng sobrang pansin. Lalo na't nalalapit na yung final exam namin para sa 2nd sem.
Sabado ngayon, at pauwi ako ngayon ng condo para magreview nang maisipan ko munang bumili ng iced coffee sa isang maliit na coffee shop, reward ko lang sana sa sarili ko, diba? Pagpasok ko sa loob, para naman akong nasa langit dahil sa sumalubong na amoy ng kape, at freshly baked pastries. Pwede bang dito na lang tumira? Chz.
Agad naman akong nagorder at sakto namang paglingon ko, nakita ko si Mico na kakapasok lang din. Shit, shit, shit! Mabilisan ko namang pinuntahan ang isang pwesto na kung saan, medyo hindi napapansin. Ewan ko ba, ever since that night, naging mailap ako kay Mico. Lalo na, 3 beses ko na rin siyang tinanggihan sa dinner na inaalok niya. Nakikita ko pa nga siya minsan sa labas ng gate ng University, e. Ihahatid na daw niya ko.
Pota lang, kasi hindi ko alam kung paano niya nalaman ang schedule ko sa linggong it--
"Oy, Rox! Andito ka pala!"
Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig! Tangenang-- Ito na nga ba sinasabi ko, e!
"Ahh, ehh. Oo, nandito nga. Mukha ba akong hologram sayo? Hehe." Sabi ko pa. Natawa naman siya dahil don. Okay? Mukha bang nagpapatawa ako?
"Can I share the same table with you?" Tumango na lang ako, pero gusto ko sana siyang paalisin, kaso di naman ako ganon kasamang tao. "So, why are you avoiding me these past few days?"
Bakit nga ba-- Ewan ko! Tanong niyo kay Kla-- Mareng Charo!
"There's no reason to give you my attention. Besides, I'm busy." Diretsahang sabi ko. I may be too harsh, pero sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin.
"Ouch, crushie." Umakto pa siyang sumasakit ang dibdib. "Why are you hurting me like this? Ouch!" Aba't?! Kung wala lang kami sa coffee shop, binigwasan ko na to.
"Tch. Crazy asshole." Aniya ko at umirap. Ang tagal naman kasi dumating nung iced coffee ko! Ang dali lang gumawa non, e!
Magsasalita na sana si Mico nang tawagin na nung babae ang pangalan ko. Okay, favorite ako ni Lord ngayon, ah?
Walang pakundangan naman akong umalis sa harap ni Mico, at kinuha na ang binili ko. Iniwan kong nakatanga yung isa dahil, naaalibadbaran ako sa presensiya niya. Narinig ko rin ang ilang beses na pagtawag niya sa akin.
Nagantay naman ako ng taxi sa tapat ng shop at, di pa nagtagal, e, nakasakay na ako at nakauwi na rin. Pagdating ko sa condo, nakaramdam naman ako ng hilo. Matagal na kong nagkakaganto, minsan nga'y umiikot ang paningin ko, ngunit isinasawalang bahala ko ito. Pero sa lagay ko ngayon, napahiyaw na ako sa sakit.
"Argh!!! M-mama!!!" Napaupo naman ako at hinigpitan ang pagkakasabunot sa sarili ko. "A-ang sakit!!! Sob-sobra!!! Argh!!! " Oh, Lord, remove this pain, please! Dasal ko sa isip isip ko. Dahil konti nalang mawawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...