UIY: 18

10 2 0
                                    

Natulala na lang ako sa kwento ni Klaine sa akin.




"Bab-- Huenisse, we're here." Hindi na ako nagpaalam at agad akong bumaba. Hindi yata kayang iabsorb ng utak ko ang mga nalaman ko.




Pinilit kong alisin yun sa utak ko at tumuloy sa cafeteria. Buti at medyo maaga pa kaya makakapagkape muna ako.



Umorder ako ng isang espresso at tinapay at umupo sa isang bakanteng table. Chinat ko naman si Dahlia at Tristan na puntahan ako.  At hindi nga nagtagal ay dumating na sila.



"Watsap, ketsup bespren kow?" Bungad ni Dahlia at parang gusto kong magtakip ng tenga dahil nakakairita ang boses niyang mapangasar. "Ansabe ni Klaine? Nagusap ba kayo?" Sunod sunod na tanong niya.



"Hindi kami nagusap. Siya lang ang kumausap sakin." Ani ko at kinain ang natitirang tinapay.



"So, alam mo na ang side niya?" Tumango ako. "Okay ka na?" Tumango ako ulit. "Magaan na loob mo?" Tango ulit, tonginoh. "Mahal mo pa?" Tumang--



"Buhusan kaya kita ng kumukulong kape, Tristan?" Tanong ko at humagalpak ng tawa ang dalawa. Piste, kahit kailan talaga!



"Arat, nomnom mamaya." Pagaaya ni Dahlia at parehas kaming nagtaka ni Tristan. Dahil minsan lang ito magaya. "Hindi na tanga si Huenisse, at magkakajowa na siya!" Napalakas pa ang pagkasabi niya kaya lumingon ang ibang mga studyante sa amin.



"May training ako mamaya." Sagot ko dahil hindi ko alam kung anong oras kami matatapos. Nagpuppy eyes naman si Dahlia at inaalog alog ni Tristan ang braso ko. "Sige na nga. Basta wala akong iaambag, mga gago." Napairap ako.



Di rin nagtagal ay nagpaalam na kami sa isa't isa.



Unang subject namin ngayong araw ay Biochemistry. Pagpasok ko ng room ay kasunod ko na pala ang prof kaya umupo na agad ako.



Nagbatian muna at nagumpisa na siyang magdiscuss. Di kalauna'y nagtawag siyabat buena mano pa ko, focc.



"Ms. Puentavilla. What is Biochemistry?"



"Ah, sir... Base on what I've readed before, Biochemistry is/are the chemical characteristics and reactions of a particular living organism or biological substance, sir." Proud kong sagot at pinaupo niya na ako agad. Woot, graduating na kamiii! Running ako sa Latin honors, e. Hihi.



Dalawang oras ang lumipas at dinismiss niya na kami. Nagintay naman kami sa second.subject na Physics. Saet na ng ulo ko agad, lods. Err.



At sa hindi ko malamang kadahilan ay nakinig ako sa prof namin. Pero okay na yon dahil may long quiz kami bukas.


*****


"Waaah! Dahlia, mamaya na sabi, e!" Sigaw ko sa kaniya at binaba ang cellphone ko. Ngayon ay papunta na ako ng gym para maghanda para sa last game namin bilang mga seniors.



Pangatlong Play-off ko na to imbis na apat dahil nga hindi ako nakasali noong 2nd year.



Nagpalit na ako ng panlaro at pagdating ko ng gym, nilapag ko kaagad sa gilid ang duffel bag ko. Nakita ko naman ang mga bago at mga kasabayan ko dito.



"Erica, entertain mo na sila. Magsestretching na ko."



"Yes, cap!" Sumaludo pa siya at pinuntahan ang mga bata. Ngayon ay ako na ang captain ng team, at huling ensayo ko na rin ito dahil sa makalawa na ang Play-off. Pagkatapos non, ay final exam na.



Unless, It's You ('You and I' Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon