Nagising naman ako sa kalabog sa pinto ko. Parang may sa-demonyong kumakatok. Panggulo. Napatingin naman ako sa digital watch ko, 6am pa lang, what the hell.
"What?!" Sigaw ko.
"You left your things here sa couch! And your phone is ringing too!" Sigaw niya, inis ko namang binuksan ang pinto. "Oh! Kung mauuna ka din naman umuwi, sana nagayos ka muna!" Halatang badtrip siya ah.
Kinuha ko nalang yun sa kaniya at binagsak lang ang pinto. Chineck ko naman ang cellphone ko at nakita kong tumawag ng anim na beses si Tristan. Kailangan neto?
Tinawagan ko naman siya, at wala pa yatang tatlong ring, sinagot niya ito. Early bird amp.
"Kailangan mo?" Bungad ko agad.
[Wala lang. Papalibre sana akong breakfast.] Makapal ang mukha ng demonyong to. Napasabunot naman ako sa sarili ko. Di nga kasi ako pwedeng gumastos ng gumastos e!
"Pota, para saan ba?! Di ka ba pinapakain diyan ng kuya mo, ha?!" Inis kong singhal.
[Hindi. Di ako mahal ni kuya Theo, e.] As usual yan isasagot niya.
"Tanga, may kagaguhan ka na naman, no?" Banat ko pa.
[Eh, basta! Pakainin mo ko ngayon umaga! Huhu.] Pagdadrama niya pa dahil may narinig akong kunwaring pagsinghot ng sipon.
"Okay, text ko sayo address nung condo ko."
[Hala?! Lumipat ka na?! Puta ang yaman ah?! Dapat masarap pagkai--]
"Bonak! Wag ka ng maraming sinasabe!" Sigaw ko at pinatay yung tawag. Tinext ko naman sa kaniya ang address at sabi niyang after 30 minutes makakarating na siya.
Lumabas ako ng kwarto at nilamig bigla dahil nga exposed masyado balat ko. Nakita ko naman si Klaine na nanonood ng TV. Parang walang pangarap sa buhay, panood nood nalang.
Naligo naman ako ng mabilisan at bumalik sa kwarto para magbihis. Wala lang, nasanay kasi akong nakatwalya lang pag lalabas ng banyo. Buti yung isa, busy sa tv. Nagsuot lang ako ng oversized tshirt na brown at shorts na isang dangkal ang taas sa tuhod kaya parang wala din akong suot na pambaba. Pero yaan mo na, basta may damit.
Pumunta naman ako sa kusina para uminom ng tubig at may naalala ako.
"Klaine." Tawag ko pero di siya lumingon. "Hoy, Klaine." Wa epek pa din! "Czean!" Sinigawan ko na't lahat, di pa rin ako pinapansin. May ubo yata to sa utak. "Klaine Czean!" Naiinis na ko, pero wala pa rin. Punyeta! "Klaine Czean D. Lopez!" Sinigawan ko na siya ng bongga tsaka siya lumingon ng may malaking ngiti sa labi.
He's pissing me off. "Yes, Roxane Huenisse T. Puentavilla?" Malambing niya pang banat. Kinuha ko naman yung plastik na sandok na nakasabit tsaka ko binato sa kaniya. Sinalag naman niya yun ng throw pillow at tumawa ng malakas ang deputa.
Inirapan ko naman siya. "Damn you." Sabi ko, at naisip kong wag nalang magpaalam sa kaniya na may pupunta dito. Bahala siya, nabbwiset ako sa kaniya!
Kumuha naman na ako ng dalawang delatang corned beef, at ginisa ito sa sibuyas. Nung matapos ako, nagsaing naman ako ng dalawang takal.
Sakto din namang may nagdoorbell. Alam kong si Tristan yon dahil nakakadama ako ng presensya ng isang ulol.
Tumayo naman si Klaine at bubuksan dapat ang pinto. "Ako na." Inunahan ko siya at nagpunas sa damit ko. Pagbukas ko nakangiti ng malaking-malaki si Tristan at may pasa sa mukha. "Bobo, umagang-umaga nakipagsuntukan ka?" Pinapasok ko siya pagkasabi ko non. Nagulat naman si Klaine dahil doon.
"Eh si kuya kase-- What the fuck?! May asawa ka na, Huenisse?!" Nagexaggerate na siya. Sabi ko na e, duda ako sa pukenginang to.
"Tanga mo. A-ano..." Teka, ano bang sasabihin ko? Na ex ko yan? Na magkasama kame? Taena. "Tropa ko yan nung elem. Galing abroad, napabisita lan--" Pinutol ni Tristan ang sinasabi ko saka ako binatukan.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...