Kinabukasan, mabilis lumipas ang magdamag, mula sa pagpasok hanggang sa matapos ang lahat ng klase ko ngayong araw. At training na namin ngayon.
Wala pa rin ako sa huwisyo, dala na rin ng pagiisip at pagod sa mga ginawa namin kanina, kahit na nagttraining, kaya medyo napapagalitan ako. Medyo lang naman talaga. Medyo lang.
"Rox! Ano ba naman yang galaw mo?! Para kang may sakit!"
"Sorry po, coach." Paumanhin ko at bumalik ulit sa puwesto ko.
"Hindi ka na nga umattend kahapon, ganyan pa ang performance mo ngayon dito! Tandaan niyo ito, ha?!" Huminto siya at isa isa kaming tinignan.
"Kahit na sa training, kailangan niyong ibigay ang best niyo! Kung sasanayin niyong lalamya lamya kayo dito, ano na lang din ang ipapakita niyo sa totoong laban?! Jusko, girls! Sumasakit ang ulo ko sa inyo!" Umalis na siya sa harap namin.
Bumalik na ulit kami sa kaniya kaniya namin. Nagtuloy muli ang practice play namin. At mas masasabi mo itong laro na nga. Katulad ng sinabi ni coach, binigay namin ang best namin hanggang sa matapos kami. Lahat kami ay pagod.
"Guys, sorry nga pala. Pati tuloy kayo nadamay. Sorry, cap." Nakayuko kong ani sa kanila.
"Nako, okay lang yun, Rox. Basta kung may bumabagabag sayo or may masakit, pwede mo naman kaming sabihan. Sige mauuna na kami ni ate." Paalam ni Veron sa amin at hinila na palabas si ate Venice. Isa sa mga spiker namin, at graduating na siya.
"Kami din, kay Julia lang kami sasabay, e. Babye, mga sizt!" Umalis naman na sila Kaye at Urica. Ang naiwan na lang ay ako at si ate Eya, siya ang captain ball namin. Kabatch niya si ate Venice.
"We're here, girl. Kung ano man yang iniisip mo kaya ka nasspace out kanina, sana malutas mo din yan. Byeee!" Umalis na rin siya, ganon din ako.
Lumabas na ako ng gym at nagabang ng jeep sa may waiting shed. Napatingin naman ako sa oras at, 9:30 na pala ng gabi. Pumara naman na ako agad nung may dumaan na jeep. Hindi na siya gaanong puno, at ang ilan pa ay kapwa ko studyante.
"Grabe, pre, no? Ang chix pala nung ex ni Klaine? Tangina, kung ako yon si Klaine, hindi ko hiniwalayan yon! Hahaha! Kaso mukhang mahirap kunin yung ex niy--" Hindi ko na pinakinggan ang usapan nung dalawang lalaki sa harap ko. Mukhang mga schoolmate ni Klaine. So, that freakin' rumor just spreaded like a wild fire.
Sinuot ko na lang ang earphones ko at sinaklob sa ulo ko ang hood ng jacket ko na may tatak ng Regnant. Alam kong nakatingin na sa akin ngayon ang dalawa dahil sa ginawa ko. Buti na lang at malapit na yung daan papunta sa condo kaya hinila ko na yung tali.
Sa pagbaba ko, mabilis kong tinanggal ang hood ko at tinignan ko yung dalawa. Nanlaki naman ang mata nila nung nakita nila kung sino ako. Wow, feeling ko ang famous ko na. Kilala na nila agad ako. Chz.
Naglakad na ko papunta sa condo, nadaanan ko pa nga ang bar na pinuntahan ni ate Annie-- Ay jusko! Bakit ba inaalala ko pa yon!
Papanik na sana ako nung naalala ko na naman ang kanina pa na bumabagabag sa isipan ko.
"Goodnight, my ex. Dream of me... Again."
AAAAH! Bwiset ka, Klaine! Ano ang ibig sabihin niya doon? Nagpapafall na naman ba siya? Pero hindi rin naman tama na magassume ako don, hindi ba? Tama! Baka nangaasar lang yon.
Pagtungtong ko sa loob ng unit, hindi naman na ako nagulat na makita ang isang Klaine Lopez na nakasalampak sa sahig, habang nanonood sa netflix, kumakain at nagttype sa laptop niya. So typical of him. Multi-tasker ka, ghOrL?
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...