UIY: 15

10 2 0
                                    

Nagising na lamang ako bigla nung may lumagabog sa ibaba.



Hay, sandali lang pala ako nakaiwas sa reyalidad. Lola, pwede po bang bumalik ka na po?



Bumangon ako at nagtungo nalang sa banyo. Pagkahilamos ko, tsaka ko lamang nakita ang itsura ko. Maga ang mga mata ko, namumula padin ang ilong ko. Mukha akong nakadrugs, tsk tsk.



Nagpalit lang ako ng isa sa luma kong damit, yung itim kong batch shirt nung grade 8, at dolphin shorts na puti. Napansin ko rin ang oras, ala-una na ng madaling araw. May pasok pa kami mamaya. Binuksan ko ang cellphone ko at ang daming missed calls sa akin ni Dahlia. Ano na naman kailangan nito?



Bumaba na ako para silipin kung ano na ang nangyayari.



Napaluha na lamang ulit ako nung nakita ko ang maraming ilaw at kabaong-- kung saan nakaratay ang malamig na katawan ni lola.



Nakita ko naman si Klaine na medyo nakapahiga malapit sa pwesto ni lola at may dugo siya sa labi. "Hoy! Anong nangyayari?!" Sigaw ko agad at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Klaine. "Tumayo ka diyan."



"Eh, yang nobyo mo, napakabastos ng bunganga!" Sigaw ni papa. Siya pala ang sumuntok kay Klaine, nakita ko kasi ang kamao niyang nakasarado ng madiin. Pero ano?! Nobyo?! You gotta be kiddin' me.



"Sorry po, sorry po." Paghingi ko nalang ng tawad sa mga kamag-anak namin. Hinatak ko naman paakyat ulit sa kwarto si Klaine.



"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko pagkatapos kong i-lock ang pinto. Kahit paos ako, at masakit ang lalamunan, pinilit ko pa rin siyang sigawan. Eh, nagagalit ako, bakit ba.



"Okay ka na ba? Sabi nila tita Pau, sa Saturday na ang libing ni lola." Paglilihis niya sa tanong ko. Aba? Multuhin sana to ni lola, charot. Labyu, Lola, pahinga ka na po diyan, tanggap ko na po ng slight, kahit masakit po, hehe.



"Wag mong sagutin ng tanong ang isang tanong, Klaine. At wag mong iibahin ang usapan." Madiin kong sabi sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.



Nilagay naman niya ang dalawang daliri sa gitna ng kilay ko at pinaghiwalay ito. "Umuwi na muna tayo sa condo. May pasok pa mamaya. Kinausap naman na ako nila tita Pau, sila na raw bahala dito, bumalik na lang daw tayo sa Sabado. Magbihis ka na ulit. Iintayin kita sa labas." Bago siya lumabas ng pinto, bumalik siya at hinalikan ako sa noo.



Napasinghap naman ako. Bago ako makareact, mabilis siyang nakalabas ng kwarto.



Jusko, Klaine, ano ba naman tong ginagawa mo sakin. Nagugulo na naman ang utak ko!


*****


"Babantayan ka ni nanay, Huenisse. Alam mo naman na mahal na mahal ka non, e. Sige na, kita na lang sa Sabado." Dumiretso na ako papasok sa sasakyan ni Klaine, sa may shotgun seat, as usual.



Pero bago ko pa maisara ang pinto, narinig ko ang sigaw naman ni tito Jerro. "Goodluck sa exams, pamangkin!" Napangiti na lang ako at kumaway sa kanila.



Sa gitna ng biyahe, naalala ko na naman ang sagutan namin ni mama. "Psh, walang kwentang ina." Mahina at wala sa sarili kong bulong, pero hindi ko akalain na maririnig pa iyon ni Klaine.



"She's still your mom." Pagsuway niya sa akin.



"But she never acted like one." Pagtanggol ko naman sa sinabi ko. Si lola lang naman kasi ang tinuring ko na ding ina.



Unless, It's You ('You and I' Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon