UIY: 6

36 4 0
                                    

Kanina pa pala ako nakatitig sa binabanlawan kong toothbrush. Parang biglang may nagquick flashback sa utak ko. Peste talagang Klaine yan!

Lumabas na ako ng banyo at bumalandra sa harap ko ang isang manloloko. Geez! Umagang umaga.

"I-I'm sorry about... What happened last night. And for the uncertain thing that I opened up." Nakayukong usal niya sa akin.

Kakatapos ko lang maligo, buti nalang naka tshirt at pajamas na ako nung lumabas.

"It's fine." Sabi ko at nilagpasan siya. Dumiretso akong kusina at uminom ng tubig. "Just tell me, na you're going back to ate Anni-- Oh, I mean, talk to her. Break up your ass. Don't do anything stupid, for the second time, please. So, I wouldn't bother thinking of that shit you told me."

"Alright, I'll talk to her if that's what you wanted." I gave him a nod tapos pumasok siya sa kwarto niya. Sana di siya umuwi mamaya.

Kumuha ako ng isang slice ng wheat bread tsaka ko tinoast yun. Nang matapos akong kumain, nagpalit na ulit ako para sa pagpasok ko. I think marami kaming gagawin today. Sana walang training!

Lumabas na ako agad dahil nakita kong pasado alas nuebe na ng umaga. Eh, 9:30 ang unang klase namin.

Patakbo akong pumunta sa abangan ng jeep at salamat talaga, dahil may sumasakay pa at hindi rin puno. Nagsprint na talaga ako para makahabol agad.

Pagsakay ko, nagbayad na ako agad at sinandal ang ulo ko. Sana absent si professor Levine, sakit sa ulo nun e. Di ko alam kung tungkol sa panggagamot pa ba tinuturo niya o sa lovelife, e. Tuwang tuwa naman ang mga kablockmates ko kaya, napapairap nalang ako.

At eto, sa reality na, nung nakarating ako sa school, saktong 9:20 na. Tumakbo na ako papunta sa unang klase ko. Wala pa yung prof kaya nagpahinga muna ako.

May recitation pala kami ngayon sa unang subject. Balak ko sanang magreview, kaso dumating na yung prof namin. Chill to mag turo e, kaso nakakatakot kapag may recitation. Sa 40 na index card na yon, pag napili ka, dapat ihanda mo na sarili mo sa mga tanong niya. Lol.

We greeted him in unison para sana chill lang yung recit na to. Woohoo. "Let's start. Nagadvanced reading naman siguro kayo." Nagshuffle na siya ng mga index kaya nagcross fingers ako.

Naunang natawag si Queenie, kaya kampante ako. May ilang tanong na nasasagot niya, pero karamihan ay wala.

"Puentavilla, Roxane Huenisse T."

Ano daw?

"Puentavilla. Absent ba siya?"

Ako yon, ah?

"Puenta--"

"A-ahh, sir." I raised my hand tapos tumayo ako.

"Next time, be attentive please." Napayuko naman ako don.

Di pa pala ako nakakapagbasa! Shit!

"Do you know what Cardiac Catheterization is?"

Sus, basic. "Yes, sir. Cardiac Catheterization is a medical procedure wherein a thin, flexible catheter is inserted through an artery or vein. And it's being passed into the heart for the diagnosis and treatment of the heart condition, sir." Gusto kong magpaparty, charot.

"Very good, Puentavilla. What is Endocrine Gland?" Hala. Sandali, inaalala ko pa. Random question pala to. Kala ko about lang sa cardio. Omg.

"Uh, sir. Uhm..." Isip, Huenisse. Isip! "Endocrine Gland is.... A gland, such as thyroid or the pituitary, that produces... An endocrine s-secretion, sir?" Di siguradong sagot ko.

Unless, It's You ('You and I' Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon