Vacant namin ngayon at nakaupo lang ako dito ngayon sa quadrangle. Iniintay ko si Dahlia na galing sa klase niya.
Naalala ko na naman ang paguusap namin ni Joyce kanina. Naaalibadbaran ako sa mga dahilan niya, nakakainis!
"Oh? Bakit nakabusangot ang mukha mo diyan? May ichichika ka ba?" Napalingon naman ako sa nagsasalita. Andito na si Dahlia. Sa wakas.
"Oo, pakshet. Maiirita ka din." Napairap na naman ako. Konting irap ko pa, baka di na bumalik sa dati ang mata ko. "Penge." Ani ko at kumuha ng chichirya sa bag niya. Hindi to nawawalan ng pagkain e. Kumuha naman ako don ng isang pillows na yellow.
"Spill the tea." Sabi pa niya at binuksan din niya ang piatos niya. May sari-sari store yata to sa bag e. Naglabas din ng C2 amp.
"Siguro naman nakita mo yung pesteng rumor don sa digital news board, ano?" Tumango-tango siya. "Si Joyce na naman ang may pakana non." I sighed.
"Ha? Weh? Seryoso? Kinginang babae yon. Walang kadala-dala! Sasabunutan ko yon, pagnakita ko siya! Tsk. Nakausap mo na ba?" Tanong na naman niya. Oh diba, highblood agad.
"Oo. Medyo nagkasagutan pa nga kami e. Hindi ko rin napigilan ang bibig ko, hehe. Kaya ayon, umiyak. Pero eto nga, sabi niya sakin, na palampasin na lang daw to, kasi di na daw mauulit--"
"Weh? Gasgas na yung linya niyang yon! Dapat don, sinasampal!" Pinutol ni Dahlia ang sasabihin ko.
"Di pa ko tapos." Nagpeace-sign naman siya. "Tapos sabi ko naman sa kaniya, na isa pang pananarantado niya sakin, hindi ako magdadalawang isip na isumbong siya sa lolo niya."
"Wew, tapang naman ng beshicakes ko. Sige nga, kaya mong makalapit sa mayor?" Pangaalaska niya pa sakin.
"Duh, malamang. Papatulong lang ako sa mama ko, no." Nagflip hair pa ko. "By the way, highway, subway. Ilang oras vacant niyo?"
"2 hours kami, kayo?" Siya naman ang nagtanong.
"Same. Tara, mall muna." Yaya ko sa kaniya, at mabilis pa sa kidlat na pumayag siya. Pagdating talaga sa galaan, G agad to e.
Naglakad kami patungo sa sakayan at nagintay ng kaunti, kalaunan ay nakasakay na rin kami.
Ilang sandali pa ay nakababa na kami. Pumasok na agad kami at nagsimulang magikot-ikot.
"Tara dun tayo sa bookstore!" Pagaaya naman niya sa akin. Isa sa pagkakaparehas namin nito ay ang hilig sa pagbabasa. Hindi rin naman ako nagatubiling tumanggi, kaya dumiretso na kami don.
Inikot ko naman ang tingin ko, "D-dahlia. Hoy, putek. D-dahlia!" Sinisiko ko siya at humigpit ang hawak ko sa librong napili ko.
"Oh?! Para kang nakakita ng multo? Ano ba yun?" Nakaharap na siya sakin.
"S-si ate Annie."
"Asan? Asan? Sugurin ko n-- Aray!" Kinurot ko siya sa tagiliran. "Bakit mo ko kinurot?!" Iritado niyang tanong. Sinenyasan ko naman siya na wag maingay at tinuro ko ang kinaroroonan nung isa. "Oh, holy mother of cow. Akala ko ba, sila ni Klaine? Nagchcheat ba siya sa ex mo?"
"Mamaya ko ikkwento sayo lahat. Pero sa ngayon, oo muna ang sagot ko sa tanong mo. Bayaran muna natin to." Sabi ko sa kaniya at cinompose kong muli ang sarili ko, ganun din si Dahlia.
"Taray niyan ni Annesthasia ah. HHWW pa talaga sila ni kuya." Pagpuna pa ni Dahlia nung makarating kami sa counter.
Binayaran na namin yung mga nakuha namin at agad umalis sa bookstore nang hindi nakikita ni ate Annie.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...