Naabutan ko naman si tita at Klaine na naguusap sa sala, "Oh, andiyan na pala si Huenisse. Nabili mo ba ang mga nasa listahan?" Tumango tango naman ako. Sinenyasan naman niya akong ilapag ang mga pinamili ko sa table, at siya na rin daw magaayos.
"Tingin tingin mo diyan?" Masungit kong tanong kay Klaine. Gawin ba naman akong essay, kakasatan ko to.
"Tropa ko yon." Sabi niya. Pinagshashabu nito? Pakielam ko ba?
"Oh? Anong gusto mong gawin ko?" Umupo naman ako sa pangisahan na couch, habang siya ay nasa malaki. "Magpaparty?"
"Eh, baka kasi nagseselos ka."
HA?!
Potangina, kung may kinakain ako ngayon, baka nabulunan ako, at pinaglalamayan.
"Mukha ba kong hilo? Sana okay ka pa." Inirapan ko siya at iniwan siya don. Dumiretso naman ako sa kuwarto at nakita ko si Klea na nagbbrowse sa mga libro ko.
"Hi, ate." Nginitian ko siya at nilapag ang pouch ko sa kama. "How are you?"
"Fine. Always. Ikaw? Kamusta studies?" Siya naman ang kinamusta ko.
"Err. Maganda ang grades ko, pero marami akong kaaway. Nakakainis." Tinanong ko naman siya kung bakit, at gigil naman siyang sumagot. "Kasi naman! Ang daming snitch! Tapos hobby yata nila ang pambabackstab." Pinaypayan niya pa ang sarili niya at tila nagpapakalma. Naalala ko tuloy nung highschool palang kami, jusmiyo.
Siyempre, bilang ate na rin niya, inadvice-an ko na lang siya, at di tumagal ay tinawag na kami ni tita para magmerienda.
"Banana cue, mom? Seriously?" Di makapaniwalang reklamo ni Klaine na galing sa cr at may bimpo pa sa batok na gamit niya pantuyo ng buhok. He looks hot--hotdog.
"Wag ka na ngang maarte diyan. Kung anong nakahain, kainin mo." Nilagpasan ko rin siya at pinuntahan si tita na nagaayos na ng gamit niya. "Aalis na po kayo?" Tanong ko.
Minsan, pang tanga talaga tanong ko e. Obvious diba, Huenisse?
"Oo, e. Tumawag na si ate Katherine. Iniwanan ko na kayo ng merienda at kung nagdidinner kayo, may marinated chicken, beef, and pork diyan sa freezer. Lutuin niyo nalang. Ciao!" At ayon, naiwan na naman kaming dalawa. Nampating.
Kumuha lang ng isang piraso si Klaine at sa akin ay tatlo. Walang nagsasalita samin nang magring ang phone ko, "Phone mo, nagriring."
Inirapan ko siya. "Duh, alam ko." Kinuha ko naman yun sa kwarto at lumabas ulit para kumain. Sinagot ko si mama at niloud speaker ko, saka ko nilapag sa lamesa habang ngumangata ng saging. "Hello? Bakit?"
[H-hue-Huenisse...]
Sa sagot niya palang, alam kong may hindi tama. "Ano yon? Anong nangyari?"
[Ang lola mo... S-sinugod sa osp-ospital...] Nagpanting naman ang tenga ko roon. Kahit si Klaine, napatigil sa pagkakalikot ng cellphone niya.
"HA?! Sabihin mo, ma. Anong nangyari? Saang ospital sinugod si lola?!" Binitawan ko ang kinakain ko at nagmadali akong kuhanin ang pouch kong nasa kama. Gayundin si Klaine, hinanda niya ang susi niya.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Babalik kami ng probinsya.
***
Habang nasa biyahe, hindi ako mapirmi sa inuupuan ko. "Shh, kumalma ka lang, Huenisse. Everything's gonna be okay." Malumanay na sabi sakin ni Klaine habang diretso ang tingin niya sa daan.
BINABASA MO ANG
Unless, It's You ('You and I' Series #1)
Teen FictionRoxane Huenisse Puentavilla is her name. A DL's med student, a varsity, and a photographer. Simple lang ang gusto niya, ang makapagtapos at makatulong sa nagpalaki sa kaniya, sa lolo at lola niya. Yun ang pangunahing nasa isip ng bawat kabataang may...