Ugh! Ang sakit ng Ulo ko parang sasabog parin sa sakit, teka? Bat ang puti! Ang puti lahat?? Nasa Heaven na ba ako?!
"Sunny..."
Muntik na akong mapatalon eh! Sino ba yun? Kinakabahan naman ako eh Buti na lang di pa ako Patay.
"Asan ako?"
"Nasa Hospital ka"
"Bat ako nandito?"
"Hinimatay ka kanina at.."
"At?"
"At sabi ng doctor may komplikasyon ka daw sa.."
"Sa?!"
"Sa puso"
Nanlulumo ako sa sinabi sakin ni Stephy, bat ngayon pa? Diba masigla naman ako? Bakit ako nagkaroon nun? Diba nga maayos lang ako! bakit ako pa?!
"Nagbibiro ka lang diba?"
"Sorry Sunny..."
"Bakit?, bakit ako pa?!"
Humagulgol ako ng iyak at niyakap lang ako ni Stephy..
"Shhh.. Tama na Sunny andito lang kami"
Lalo akong umiyak, bakit kasi ako pa? Tyaka teka! Kung sa Puso ang meron sakin na sakit bakit pati Ulo ko? Naguguluhan na ako...
May pumasok sa Pintuan at nagsalita Ito..
"Ayos na ba siya?"
Kilala ko yung Boses na yun ah!
"Oo eh, eto umiiyak nga ngayon..."
"Sige Stephy kumain ka muna tinawagan ko na sila Tito.."
Si Desiree lang pala, teka bat wala si Nina? Tumigil ako sa pagiyak at pinunasan ang akng mga Luha..
"Hi Sunny! Ayos kana ba?"
"Oo ayos lang ako.."
"Sige Sunny! Kumain ka muna Diyan."
Sinunod ko nalang si Desiree at kumain ako.Pagkatapos Kong kumain ay tinanong ko agad kung nasaan si Nina ang abi naman nila ay pumunta ng Bahay para sabihin lahat kela Papa at Mama..
Nagpapasalamat ako kasi may ganyan akong mga Kaibigan.. Laging nandiyaan kapag May problema ako..
Natulog na lang ulit ako at sakto naman ay ginising nanaman ako ng ingay sa Kwarto..
Minulat ko Unti Unti ang aking Mata at tyaka ako nagulat teka?! Bakit andito yung Floral Boys? -__- badtrip at halatang halata mo na nagaaway sila Stephy..
"Uy! Gising na pala si Sunny!" Sabi ng Pesteng si Mike!
"Oo nga! Kamusta kana Sunny?" Sumunod naman si Tonio,
"Hi Sunny! Kamusta kana?" Ay si... Gardon.. omo!!! Crush,Crush Alert!!
"Shuutt up!!!"
Nagulat ako sa sigaw ni Stephy..
"Guys, teka lang! Bakit ba an dito kayo?!" Tanong ko sa kanila na Napaka sarcastic ..
"Bakit masama ba?" Sabat ni Lester..
"Makita lang kita Lester natatae na ako!"
"Edi patanggal mo yang Mata mo tyaka teka? Ako ba dahilan ng pagtae mo?"
"Hindi Ikaw kasi dahilan kung bakit nagiging Tubol Tae ko kasi kasing tiga nito mukha mo!!!"
"Tama na!"
BINABASA MO ANG
A Mistake Turns To Perfect
Teen FictionSunny Sugar Smith po! :) hello ako po ay isang Nerd na Babae na may pagkalalaki sabi nila isa akong Weird at Loner na Babae pero pag nasa bahay ako isa akong normal at palatawa, mabilis akong matuto ng itinituro saakin,.. Mabait ako tyaka Black belt...