1

56 5 1
                                    

Beginning

'Krystal anak, bangon na may pasok ka pa' rinig kong pag gising ni daddy saken.

'Hmm' antok na sabi ko, hinihila pa ako ng kama.

'Hay nako ang prinsesa ko' rinig ko at ng hindi pa ako tumatayo ay naramdaman ko na ang kamay ni daddy sa pulsuan ko para hilahin ako naman nagpahila at sabay yapos sa kaniya dahil baka maout of balance ako at mabaldog

Sayang baby face ko!

'Hmm sige na maligo ka na at ako ang maghahatid sayo ngayon' pagkatapos kong marinig yun ay parang nabuhayan ako dali dali akong nagtungo sa banyo para maligo buti na lang nainit ni mommy ung tubig dahil kung hindi baka hindi na ako nakagalaw dito

15 minutes past.

Pagtapos kong maligo ay binalot ko na ang sarili ko ng tuwalya para makapagbihis na ako

'Nakakatamad mag lotion bukas na lang hehe' nakakatamad naman talaga ang baho pa naman nung lotion ni mommy hmmp.

Bihis.bihis.bihis.

'Krystal kakain na!' Sigaw ni mommy

'Opo matatapos na' after kong sabihin yun ay  binalot ko na ung buhok ko sa tuwalya para naman di tumulo

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta na ako sa dining area at nakita ko naman si daddy nakaupo sa sofa habang nagkakape at nanonood ng Unang Hirit, katabi lang naman kasi ng living room and dining room

Nakatira kami dito bunggalou type na bahay na nirerentahan ni mommy at daddy ok na simple atleast nakakasama ko sila masaya na ako dun.

'Ma anu ulam?' Tanong ko

'Hmm eto favorite mo' saad ni mommy sabay lagay ng sinangag at hot dog sa harap ko

Hmmm favorite ko nga malantakan na nga

'Hmm charap' i said while im eating

'Krystal don't talk when your mouth is full' ay galit na agad si daddy hehe sticto kase saken hehe

'Hehe sorry dad' ningitian na lang ako ni daddy baet talaga haha

'Dalian mo dyan may pasok pa ko' saad niya habang nakatingin sa tv

'Yes Dad, ubusin ko na lang po ung milk tapos alis na tayo' sabi ko bago isubo yung last bite ng hotdog

Tango na lang ang sinagot ni dad at bumaba na sa garahe.

Mabilis ko lang inubos ung gatas tapos ay nagpaalam na ko kay mommy pero eto ang sagot niya

'Hep magtoothbrush ka ulet!' Nanaman?! Kakatoothbrush ko lang ah

'Eh mommy naghihintay na si daddy' sabi ko with matching pout hahahaha baka effective

'Ay hindi! Diba kumain ka? Kaya kailangan mong nagtoothbrush' saad ni mommy sabay hila saken sa lababo

Seryoso?! Magagalit pa si daddy nito e

Mabilis lang din ako nagtoothbrush tapos tumakas na ko kay mommy baka hindi pa ako makapasok dahil sakaniya e hay nako

'Krystal kiss ni mommy asan?!' At dun ako napahinto ehehe sa bahay kasi na na ito hindi ka pwede umalis o gumora ng hindi nagkikiss o diba ang sweet lang hahaha

Lumapit ako para kumiss kay mommy at nag goodbye na talaga

Nakakapagod din ung pabalik balik ah hahaha

'Oh ang tagal mo naman 7:30 na' sabi ni dad na nakasandal sa gate habang naninigarilyo.

'Eh si mommy daming sermonyas e' sabi ko habang binubuksan ang pinto sa front seat at nilagay ang bag kong Jansport sa upuan

'Oh tara na tara na tinatawag na ko sa opisina' saad niya sabay tapon ng sigarilyo sabay sakay sa Van

Yup that's my dad wag kayong judgemental naninigarilyo at umiinom lang naman nga alak si daddy sa gabi pampatulog niya yun e
And taggap ko siya dun wala naman ding angal si mommy so its fine with her

Well, minsan sinasabihan namin siya pero ayaw niya talaga kasi si daddy kapag hindi nakakahawak at nakakatikim ng sigarilyo o alak sa isang araw nanginginig para bang nasanay na yung katawan niya sa sigarilyo at alak

In short ALCOHOLIC na ama ko!

Yes it's not fine with me kaso ano naman magagawa ng 16 years old sa tatay niyang matigas ang ulo at ayaw din makinig samin ni mommy

Hays ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng kakulitan

'Nak andito na tayo papasundo na lang kita mamaya kay kuya alvin mo anong oras dissmisal niyo?' Tanong ni dad habang kinukuha yung wallet sa bulsa niya at kumuha ng 50 pesos at inabot saken

'4 pm da' sabi ko sabay kuha ng 50 pesos

'Yiee tumaas ah kala ko sa palengke lang tumaas bilihin sa baon din pala hehe thank you da' sabi ko sabay kiss sa cheecks niya

'Cge na baka malate ka pa sa flag ceremony ingat ka darling' saad niya ng makalabas ako ng sasakyan

Hinintay ko na muna makaalis yung van bago ako pumasok

And yeah that's our weekdays routine o  family planning taray diba hahaha
tapos kapag weekends naman wala si daddy ewan ko kung baket? Sabi naman ni mommy trabaho daw pero ewan ko ba kung bakit hindi ako satisfied sa sagot niya kaya hinayaan ko na lang

Btw, Im Ahmia Krystal Cajucom 16 yrs old turning 17 this year at nagaaral sa I.C.A.M. stands for Immaculate Conception Academy Of Manila a Catholic School

Wait hindi kami mayaman ah sadyang may kaya lang sa buhay dahil na den sa trabaho ni daddy at sa mga naipon ni mommy noong nagtrabaho siya sa japan at iniwan ako sa pangangalaga ng tita niya which is ung mama 2 ko and her name is Precila Perez Malimban

'Hoy spiderman!' At heto nanaman po ang lalaking walang ibang ginawa kundi asarin ako araw araw

'Bakit Tonio?!' I ask with a liitle smirk in my face maasar ka please HAHAHA

Siya si Antonio Joaquin Villasanta A.k.a wacky, wacks, tonio bahala kayo kung ano gusto niyo ipangalan o itawag sakaniya tss

Bakit nga ba spiderman ang asar niya saken?

Hindi ko din alam

'Hindi Tonio pangalan ko! ANTONIO A-N-T-O-N-I-O' sabi niya tss ewan ko ba dito ang lapit lang kaya hay nako

'Oh bakit malapit naman sa Antonio ung Tonio ang arte mo!' sabi ko na lang habang naglalakad

'Penge bente spiderman' sabi niya sabay lahad ng palad saken

Konti na lang iisipin ko na naghihirap to.

'Sa bombay ka manghingi wala akong pera' sabi ko na lang sabay alis makapunta na nga sa room tss.

Hindi na ako magugulat kung pagbukas ko ng pinto e akala mong ginera ung loob sa kulit at kaligalig ba naman ng mga kaklase ko magtataka ka pa ba? Tss at tumitigil lang ung mga yan kapag may teacher na sa harap galeng no!

Naglalakad pa lang ako papunta sa upuan ko binato na agad ako papel mga bwiset talaga! Kararating ko lang diba?!

Inis kong tinignan yung bumato saken

Magagalit dapat ako kaso wag na haha crush ko yung bumato ok lang saken kahit ilang papel pa ibato niya hehe

'Hoy kararating mo lang?' Tanong ni Aston

'Obvious ba?' Taray no crush lang naman kasi hindi naman mahal tss

'Umagang umaga ang taray mo!' Sagot niya

'Init agad ng ulo? Libre mo na lang ako mamayang recess' sabay akbay oh diba magaleng na tao tsk tsk tsk

'Ma.' Ako

'Ma?' Aston

'MAnahimik at baka MAsampal kita' sabi ko sabay alis ng akbay niya sakin

Tsk mga lalaki talaga oo unahin niyo kaya pagaaral niyo bago kayo lumablyp dyan hays

*bell*

Ok flag ceremony na get ready aantukin nanaman ako hays

Unforgettable LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon