Party
Isang subject na lang at tapos na kami pero daig pa ang isang linggo sa tagal namin walangya!
Parang mas gusto ko pa maglecture na lang kesa tumunganga
Kalahating oras na akong tulala at promise wala akong naintindihan sa tinuturo ng teacher namin buong araw pa akong lutang
Ano ba nangyayari saakin!
And the bell rings
Sa wakas makakalaya na kami, parang ang tagal namin nagdiscuss hanep samantalang isang oras lang naman bawat subject
Naginat ako ng marinig ko yung bell and same as what I did ay naginat ang mga kaklase kong akala mong nilamukos ang mukha
Ganoon na ba talaga katagal?
'Mia sunduin ka namin mamaya o isasama mo si Mateo?' Napakunot ang noo ko sa tanong ni Cess
'Ahm ano ganap mamaya sis?' Pagtataka ko
Napahampas sa noo si cess sa tanong ko, oh bakit ano ginawa ko? Nagtatanong lang naman ako
'Ulyanin kang babaita ka kila Geraldine tayo mamaya!' Sigaw ni Lorraine saakin
Walangya oo nga pala nabanggit nga pala ni Cess kahapon ang tungkol duon
'Ahh sorry masyado lang ako na pre-occupied , oh siya sige sasabihan ko si Mateo, speaking of him where is he?' Tanong ko habang luminga-linga sa paligid
'May kausap ata kanina, babalik din yun' sabi ni cess habang may inaayos na hindi ko alam
Nag-kibit balikat na lamang ako
Inayos ko na yung mga gamit ko and as if on cue ay biglang lumitaw sa harapan namin si Mateo na hinihingal
'Hoy saan ka galing?' Tanong ko habang sinusukbit yung bag sa balikat ko
'Sa baba' simpling sagot niya
'Oh eh bat ka hinihingal?' Tanong naman ni lorraine, langya ako dapat nagtatanong nun e
'Ahhh hinabol ako ng aso' sabi ni mateo habang nagkakamot ng ulo
'Aso?' We said in chorus
I crossed my arms
'Iyong totoo Mateo?' Paghihinala kong tanong sakaniya
'Tara na nga at makapagready na tayo ang dami niyong tanong' pagiiwas niya sa tanong ko at agad na umalis sa harapan namin
Hindi na lang namin siya pinansin at agad na rin kaming sumunod
When we reach the gate we parted our ways para makapag-ready na
Nauna na akong mainhatid ni Mateo sa bahay at iyong buong oras na anduon kami sa sasakyan niya ay walang naglakas ng loob na kumibo kaya naman hinayaan ko na lang siya sa solent treatment niya saakin baka may iniisip lang siya kaya siya nanahimik
Hanggang sa maihatid niya ako sa bahay ay hindi pa rin siya nagsasalita
Ano ba problema nito? Mamaya ko nga tatanungin
BINABASA MO ANG
Unforgettable Lies
Fiksi RemajaA simple girl who is living a simple life A girl named Ahmia Krystal, Ahmia already had a not so perfect life not until she decided to lie for someone who is really close to her heart Kakayanin niya bang harapin ang mundong punong puno ng kasinungal...