Warning: Typos and Grammar!
Goodbyes
Ahmia's POV
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa alok ni Joaquin at Mateo na pumunta sa Korea para duon ituloy yung pagpapagamot ko, kahit meron naman dito sa pilipinas
Pero iisa lang natatandaan ko, pumayag ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin yung sakit
Mas okay na rin siguro yung ganito, baka sakali maayos ko yung sa pamilya ko
Baka sakali....
"Mia, ok na ba yung mga gamit mo?" my father ask
I just nodded, My dad agreed to Mateo and Joaquin at hindi ko alam kung bakit ganun na lamang yung tiwala ni daddy sakanilang dalawa
Ginayuma ba nila si Daddy?
"Ang passport mo?" he asked again
I just raised my right hand where I'm holding my passport
He just nodded and kiss my forehead
"Take care Mia, magpagaling ka para paguwi mo pagluluto kita ng dinuguan" he said
"I'm going to miss you dad," I said
"I'm going to miss you more my princess, Don't worry if I have time, pupuntahan kita, isang tawag lang naman ako kay Mateo at Joaquin" he said, seriously
Kumunot yung kilay ko sa sinabi niya
Pinagkakanuno na ba ako ng tatay ko? tanong lang.
"Dad, meron ba akong kailangan malaman? Ang wierd mo kasi" bigla kong sabi sakaniya
He chuckled "Para ka talagang mommy mo, mapaghinala. Sige na bumaba ka na at susunod na ako" Tumingin siya kay Joaquin na nasa likod ko lang " ido-double check ko lang yung kwarto"
Tumango na lang ako, dahil hindi ko na siya maintindihan at ayoko ng intidihin, sumasakit lang ulo ko
Mas okay na yung ganito atleast nakakagalaw ako ng maayos, nakakagalaw na kami ng maayos
Nakarating kami ng ground floor ng mapayapa, charot
Nauna si Joaquin sakin maglakad dahil sasakyan niya yung gagamitin namin papunta sa NAIA, at kanina ko pa napapansin yung isa na ito na iwas na iwas sakin
Sa pagkaka-alala ko hindi naman kami nag-away pangalawa wala naman kami pinagawayan at higit sa lahat okay naman kami kanina,
okay kami KANINA
"Hoy, langgam" tawag ko dito
Pero ang walangya hindi man lang ako tinapunan ng tingin
"Tonio" Tawag ko ulet
Wala pa din
"Wacks" Tawag ko, Ulet.
Ayaw pa din
I frowned, punyeta!
Tumingin ako sa paligid at sakto pagtalikod ko may kotse na dadaan, medyo malayo pa naman iyon
Ayaw mo kong kausapin ah
Lumakad ako papunta sa gitna at tumayo duon ng tuwid, medyo malapit na yung sasakyan
Inhale....exhale
Pag-ako namatay sa kagagahan ko na to, ikaw una kong mumultuhin Joaquin, letche ka.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Lies
Ficção AdolescenteA simple girl who is living a simple life A girl named Ahmia Krystal, Ahmia already had a not so perfect life not until she decided to lie for someone who is really close to her heart Kakayanin niya bang harapin ang mundong punong puno ng kasinungal...