WARNING: typos and grammars
I Still Need You, Mia
Antonio Joaquin's Pov
Naalipungatan ako ng may marinig akong nagsisigawan
"Luke Hindi sa lahat ng oras kaya kitang patawarin?!" babaeng to hindi ko alam kung saan pinaglihi, daig pa nakalunok ng microphone
"Kaya nga ako nag-sorry diba? I was wrong, nagkamali ako, nasaktan kita" mahinahon na sagot ni Luke
"Tangina! nasaktan?, do you hear yourself? huh Luke? Nasaktan? bullshit! sana yan lang naramdaman ko talaga , how I wish! pero hindi, since the day you choose to cheat palagi na lang tumatakbo sa utak ko yung mga tanong na, 'Tangina saan ako nagkulang?!', 'Ano ba yung kulang?', Tangina Luke binigay ko naman lahat ah!" Huminga ng malalim si Alia at pinahid ang luha na naglandas sa mukha niya
"Naging-selfish ako para sayo, sinuway ko magulang ko para sayo, Pinatawad kita, hindi lang isa o dalawa o tatlong beses, Luke, I forgive you countless times, everyone knows that. Wala akong tinira para sa sarili ko dahil natatakot ako na baka kapag-nagkulang ako hanapin mo sa iba, Tangina madamot na kung madamot, pero ganun kita kamahal, at yan yung hindi ko maramdaman sayo!" Saad ni Alia habang patulog na umiiyak
Wala akong narinig na imik pagtapos sabihin iyon ni Alia Bumangon na ako
"Ako na magdadrive." I said and look to Alia
She was shocked when I talk
"Dito ka na sa likod magpahinga ka"Luke stop the car and got out same as for me
Sabay kaming pumasok at ng makapasok na ako ay walang salita kong sinuot ang seat belt at nagmaneho
Ilang minuto ang nakalipas ng maramdaman ko na nakatulog na si Alia ay tsaka ako nagsalita
"Lalaki ako pre, minsan ko na rin ginawa ang manloko, kumbaga papunta ka pa lang pabalik na ako, at nakita mo lahat ng iyon dahil ikaw ang kasama ko simula sa umpisa hanggang sa umalis si Mia sa ICAM hanggang sa pagsunod natin sakaniya, lahat iyon alam mo, lahat iyon nakita mo, kung paano ako umiyak nagpakalunod sa alak at yosi, kung paano ko muntikang sirain ang buhay ko, dahil lang nagloko ako" huminto ako ng panandalian para kumuha ng konting hangin
"Oo pre, alam ko at nararansan ko iyan ngayon, paano na gagawin ko? ayokong mawala siya sakin ng tuluyan, naguumpisa pa lang ako pre." I sighed
"Give her space, but be faithful." simpleng saad ko
Napaisip ako sa sinabi ko
Sana ganyan ang ginawa ko noon pa man, sana hindi ko pinili yung pride ko. Tangina ang daming sana.
"Pre, parang di ko kaya, hindi ko lang siya makausap na-prapraning na ako." Bakas ang pagod sa boses ni Luke
"Gago ka eh, tiisin mo, sana naisip mo yan bago ka pumatong sa iba." saad ko sakaniya
"Pre, ang alam ko kaibigan kita" sarkisto niyang saad
"Oo, kaibigan mo ko, at hindi ako papayag na maulit sainyo ang nangyari samin ni Mia, di mo kakayanin" Saad ko at nanahimik na lang
Hindi na rin siya nakaimik at nanahimik na lang rin
Hanggang kelan ko ba pagsisihan lahat ng panloloko ko kay Mia?
I sighed
Ilang oras ang nakalipas at nakarating na kami ng Nueva Ecija
I sighed "Here goes nothing" I said and continue driving
Papalapit ng papalapit ay mas lalong kumakabog yung dibdib ko, ayokong paghinalaan ang Mommy ni Mia pero merong isang parte sa utak ko na kailangang malinawan
BINABASA MO ANG
Unforgettable Lies
Novela JuvenilA simple girl who is living a simple life A girl named Ahmia Krystal, Ahmia already had a not so perfect life not until she decided to lie for someone who is really close to her heart Kakayanin niya bang harapin ang mundong punong puno ng kasinungal...