22

7 0 0
                                    

Tagaytay

Simula ng maospital ako ay mas lalong tumindi ang bantay saken ni daddy, oras oras siyang tumatawag at okay naman ako dun dahil mas ramdam ko yung pagpapahalaga nila kaya hindi ako nagreklamo

And as usual ay tagahatid ko si Mateo si kuya Alvin naman ang minsang naghahatid sundo sakin dahil hindi naman ako pwede umasa kay Mateo

Pero heto ako ngayon naghihintay nanaman kay Mateo sa parking lot ng school

Walangyang Mateo na ito ilang araw pa lang akong pumapasok pinaghihintay nanaman ako siraulo talaga!

Abala ako sa pagtitipa ng mensahe sa lalaking yun

Ako: aba! Hou asan ka na! Mamaya na yang date mo hatid mo muna ako sa bahay hayup ka! Hehehe! Tara na!

Ayokong pinaghihintay ako gusto ko ako yung inaantay taray diba!

Napansin ko din naman na medyo namayat ako dahil nga sa hindi ko pagkain ng maganda habang nasa ospital ako buti buhay pa ako ngayon

Napakatagal ng lalaking yun. Makaupo ng muna

Ng makaupo ako ay tumunog ang cellphone ko

Text message si unggoy

Mateo: oo eto na malapit na traffic e! At wala akong kadate!

Ngumuso na lang ako edi wala ipokrito! Char!

Tumingin ako sa wrist watch ko

3:30 maaga pa naman makapaglibot kaya?

Maaga nagpauwi ang school ngayon dahil graduation practice lang naman at konti pagpapasa ng requirments

Finally makakagraduate na ako pero mamimiss ko yung mga kaklase ko dito kahit medyo gago yung mga yun mababait naman hays

Maya maya pa ay may mamahaling kotse na huminto sa gilid ko

'Babae halika na!' Sigaw niya

Ngumuso ako

'Bat ba ang tagal mo!' Saad ko at umikot na sa shot gun seat

'Paulet ulet ka? Diba sabi ko traffic sa crossing' saad niya ng makapasok ako sa kotse

'Oo na, tara makalibot maaga pa naman' saad ko

'Saan naman?' Tanong niya

'Hmmm tara tagaytay' pagbibiro ko

'Nagpaalam ka ba kay tita' saad niya

'Joke lang hehe pero mukhang okay din naman papayag kaya sila mommy?' Tanong ko

'Ako naman kasama mo e papayag naman siguro yun' sagot niya

Baka nga pero hindi pa pwede lumabas ng manila kapag siya nagdrive.

'Oo nga papayag nga pero ikaw magdadrive, baka mahuli tayp kuys! Under age ka pa' saad ko

'Sinabi ko ba kasing ako magdadrive?' Tanong niya saken

Eh sino magdadrive? Ako? Aba gusto ata pumunta neto sa langit

'Oh eh sino gusto mo magdrive?ako?' Tanong ko

'Hindi, wala pa akong balak pumunta ng langit' simpleng sagot niya

'Tss. Kala mo naman tatanggapin sa langit' bulong ko

'Ano? May sinasabi ka?' Tanong niya

'Ahh wala ang sabi ko sino magdadrive?' Tanong ko

Muntik ka ng mahuli Krystal!

Unforgettable LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon