Chapter 2

313 2 0
                                    

Noon

May halong pagdadabog na inabot sa akin ng student officer yung clearance na pinapirma ko sa kanya at pagkakuha ay lumabas na agad ako at naglakad papalayo dahil baka masira din ang araw ko, isa ito sa mga dahilan kung bakit ayokong pumunta sa office ng mga student org. dito sa loob ng campus, pangalawa laging mahaba ang pila tuwing mag eend ang semester dahil laging walang officer in-charge para pumirma buti na lang at ito na ang huling araw na magpapapirma ko sa loob ng apat na taon na pananatili ko sa campus na ito.

Napangiti ako ng makita ko si Ace na tumatakbo para salubungin at ng malapit na siya sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Kamusta ang love ko? tanong ko kay Ace ramdam ko ang paghahabol niya sa kanyang paghinga dahil sa kanyang pagtakbo.

"Na miss kita Lily" malungkot na sinabi ni Ace.

"Agad? Isang araw pa lang tayong hindi nagkikita miss mo na ko agad".  Nakangiti kong sagot sabay alis sa pagkakayap sa kanya.

"Oo, hindi mo ba ko na miss? tanong sa akin ni Ace.

"Syempre namiss niloloko lang kita, ikaw naman tampo agad, ang clingy mo talaga" natatawa kong sagot kay Ace.

Tara kain na tayo, alam kong nagugutom ka na. Pang aaya niya sa akin.

Pano mo nalaman? Pagtatakang tanong ko.

Kasi nawala yung bilbil mo sa tiyan, diyan ka na nga lang mataba mawawala pa. Pang aasar sakin ni Ace.

Nakakatawa yun? Sarcastic na tanong ko sa kanya.

Hindi po, joke lang. Natatawa niyang sagot sakin kasabay ng pagkindat ay hinawakan niya ang aking kamay at nagsimulang maglakad papunta sa aming kakainan.

Nakaupo ako sa may dulo sa tapat ng bintana dito kami madalas umupo dahil napaka ganda ng matatanaw mo mula rito makikita mo ang mga berdeng puno,  maririnig mo ang mga huni ng ibon at higit sa lahat dito mo makikita ang pinaka magandang view ng paglubog ng araw.

Ta-daa, ito na ang pagkain, kain na tayo. Pag aaya ni Ace.

Sandali lang pala. Pagpapahinto ni Ace Inabot niya yung bag niya at may nilabas na kahon at inabot sa akin.

Teka, para saan ito?

Regalo ko sayo, kasi ano nga ba? Wala lang gusto lang kitang bigyan, buksan mo na. Nahihiyang sagot niya sa akin

Namangha ako sa binigay niya sakin, hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang kwintas na may pendant na buwan. Pakiramdam ko tumatalon ang puso ko sa sobrang saya dahil alam niya kung paano ako pakiligin sa mga simpleng paraan kagaya nito.

Nagustuhan mo ba? Tanong niya.

Tumango ako bilang pagsagot at mahigpit na niyakap siya,  mabagal akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at doon ay hinalikan niya ko sa noo.

Mabuti naman at nagustuhan mo, tara na kumain lumalamig na yung binili natin. Sabi ni Ace.

Masaya naming naubos ang pagkain at napagdesisyonang umuwi.

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi habang magkahawak ang aming mga kamay.

"Masakit na ba paa mo? Tanong sakin ni Ace

Hindi. Maiksi kong sagot sa kanya.

Tumigil siya sa paglakakad at niyuko niya yung likod niya sa harapan ko.

Sakay ka sa likod ko ipapasan kita. Pagpipilit niya

Ok lang ako hindi naman masakit paa ko. Sagot ko

Sumakay ka na alam kong nasakit na paa mo, pag hindi ka sumakay sa likod ko bubuhatin kita gamit ang kamay ko.

Sumakay na lang ako sa likod niya dahil hindi siya titigil sa pangungulit. Nakita ko na ngumiti siya nang sumakay ako sa likuran niya.

Ibaba mo na lang ako pag nabibigatan ka at napapagod ka na. Pagbibilin ko sa kanya.

Malakas ako hindi ako mapapagod atsaka ang gaan mo lang kaya. Natatawang sagot niya.

Talaga ba? Pang aasar ko sa kanya.

Hindi ka naniniwala? Teka. At pumwesto siya na akmang tatakbo.

Itigil mo yan Ace baka mapahamak tayo. Patili kong sagot sa kanya. At bumalik siya sa paglalakad ng maayos.

Niloloko lang kita, di ka kasi naniniwala eh. Natatawang sabi niya.

Naniniwala na ko. Nakangiti kong sagot sa kanya.

---

Ngayon

Nagmamadali akong naglakad papunta sa classroom ko mag aalasais na ng umaga, late na ako. Nakadungaw ang mga estudyante ko sa may hallway habang inaantay ako.

Andyan na si teacher. Pag aanunsyo ng isa kong estudyante at lahat sila ay pumila ng maayos.

Good morning teacher.  Sabay sabay nilang bati habang binubuksan ko ang pinto ng classroom.

Teacher anong nangyari sa mata mo, kinagat ka ng ipis? Tanong sa akin ng estudyante ko.

Ngumiti ako sa kanya at sumagot na kinagat nga siguro ako ng ipis. Sakto naman na nabuksan ko rin ang pintuan.

Bad yung ipis teacher.

Natawa ako sa naging reaksyon ng estudyante ko. At sinabihan sila na pumasok na sa loob ng classroom.

Humarap ako sa salamin na nasa lamesa ko, tiningnan ko ang mata ko na mugtong mugto dahil sa pag-iyak kagabi. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pero dahil nandito na ko sa loob ng paaralan tumayo ako sa kinauupuan ako at pumunta sa unahan ng may malaking ngiti para batiin ang mga mag-aaral.

Goodbye teacher Lily.  Isa-isa silang lumabas ng classroom.

Alas dose na, kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang message ni Ace.

From:Ace
Kakain na ko.

Niligpit ko muna ang mga gamit ko bago ako kumain.

To: Ace
Tapos na kong kumain

Binilisan kong kumain para lang magkaroon pa kami ng 30minutes na pag uusap bago matapos ang lunch break.

From: Ace
Tapos na rin ako.

Nireplyan ko siya agad.

To: Ace
Mabuti naman, video call tayo?

From: Ace
Huwag na sabado na rin naman bukas. Bukas na tayo magkita.

To:Ace
Hmm, sige

12:35 na, inaantay ko pa rin ang message niya.
Pinagmamasdan ko ang cellphone ko nag aantay ng message ni Ace mag aala una na wala pa rin.

1:00pm na ng nakatanggap ulit ako ng message galing kay Ace.

From:Ace
Pabalik na ko sa office.

Yumuko ako sa lamesa ko dahil hindi ko na naman mapigilang mapaluha. Bakit pakiramdam ko naiwan akong mag-isa dito sa relasyon na ito?

Sa pagkakatanda ko hindi ganito ang pinangako mo sa akin.

Itutuloy...


You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon