Ngayon
Lily
I was staring at my phone waiting for him to reply pero lumipas na ang isang oras hindi pa rin niya ako mini-message.
To: Ace
Ito na nga lang yung oras na makakapag usap tayo ng maayos inuna mo pang makipaglaro sa officemates mo.Then I send it to him.
Sa sobrang frustrated ko I log-out my account in different social media and turn off my phone just in case na mag reply at tawagan ako ni Ace.
Ace R. Villanueva or Ace in short is my boyfriend for two years but we've known each other for almost five years, he is currently working in IT industry and since he started working halos wala na kaming oras sa isa't isa maliban na lang sa lunch break. Gumigising siya ng six ng umaga at umaalis sa kanila ng seven para makarating sa office nila which is located in Pasay and then he will spend his time in their office from nine in the morning until seven pm, tapos travel time is three hours depende sa traffic.
Ako naman manageable naman ang time ko since I am a teacher, I woke up at four am para maiready ko ang sarili ko at makapag breakfast and then I will leave the house at exactly five twenty in the morning just to make sure na hindi ako male-late papunta sa school since ang oras ng start ng klase ko ay six in the morning hanggang ma fullfill ko ang duty hours ko hanggang three ng hapon at makakarating ako ng bahay ng four pm.
Kaya naiinis ako kasi we barely had time for each other pagkagising niya nagtuturo na ko, tuwing gabi naman na oras ng uwi niya pagod na ko at nakakaramdam na ng antok pero inaantay ko pa din siya hanggang ten or eleven ng gabi just to make sure na safe siyang nakauwi sa kanila, kaya lunch break lang talaga ang maayos naming usap.
Bumalik ako sa pag check ng quiz ng mga students ko hanggang hindi ko na namalayan na oras na pala para ako ay umuwi. Kinuha ko ang phone ko at binuksan pero wala pa ring message na galing kay Ace.
----
Ace
Napatingin ako sa relo ko alas tres na pala, pauwi na si Lily galing sa trabaho binasa ko yung message niya sakin kaninang alas dose.
From: Lily
Ito na nga lang yung oras na makakapag usap tayo ng maayos inuna mo pang makipaglaro sa officemates mo.Galit na naman si Lily sakin, pwede naman kaming mag usap mamayang gabi pagka out ko, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang ipilit na mag usap tuwing lunch break.
To: Lily
Sorry. Ingat sa pag-uwi.Pagkatapos kong isend ay bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho ko. Saka ko na iisipin kung paano ko susuyuin si Lily, sa ngayon wala pa akong oras para gawaan ito ng paraan.
---
Lily
Nakahiga ako sa kama ko at tinitingnan ang orasan habang pinagmamasdan ang oras na lumilipas, saktong alas otso na ng gabi
ng makatanggap ulit ako ng mensahe na galing kay Ace.From: Ace
Nakasakay na ko ng van, biyahe na ko pauwi.Bumangon ako sa pagkakahiga at nireplyan ang message niya. Tinanong ko siya kung bakit inuna niya pang makipaglaro kaysa sa maki pag-usap sakin.
From: Ace
Sorry may problema kasi sila kaya sinamahan ko silang maglaro.I just rolled my eyes nung nabasa ko yung message niya.
To:Ace
Mas uunahin mo pang pagaanin yung loob nila kaysa sa akin? Bakit naman ganun Ace?Wala pang dalawang minuto nag reply na ulit si Ace.
From: Ace
Bawal ko bang pagaanin yung loob nila? naiinis sila sa HR dito kaya sumali ako sa paglalaro nila. Intindihin mo naman Lily.Ilang beses ko nang iniintidi yung ganitong sitwasyon.
To:Ace
Intindihin? Wow, big word. Ilang beses na itong naulit Ace, ilang beses na kitang iinintindi, sana intindihin mo rin naman yung nararamdaman ko.Then I hit the button send. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko, at inisip kung bakit kami naging ganito. Inalala ko yung dati kung anong meron kami.
Noon
Paano kung dumating yung araw na mawalan ka ng oras sakin kasi sobrang busy na natin? Tanong ko kay Ace.
Hindi mangyayari yan, kasi kahit gaano tayo ka busy sisiguraduhin ko na lagi kitang paglalaanan ng oras ko kahit gaano pa ko ka busy. Sagot naman sakin ni Ace.
Paano naman kung ipagpapalit mo ko sa paglalaro mo? Tanong ko ulit kay Ace.
Ano ka ba Lily, hindi mangyayari yan alam mo namang hindi kita kayang ipagpalit sa kahit anong bagay diba? kahit ano pa yan ikaw pa rin ang uunahin ko kasi ikaw ang love of my life ko. Naka ngiting sabi ni Ace.
Habang tinitingnan ko si Ace hindi ko maiwasan na isipin na sobrang swerte ko sa kanya dahil napakabait at napaka sweet niyang boyfriend sakin.
Wow may pag love of my life ka pa diyan, ang galing magsalita, kinilig ako. Panlolokong sagot ko kay Ace.
Oo, love of my life kita eh. Parehas kaming tumawa sa sinabi niya.
He never failed na iparamdam sa akin kung gaano niya ako ka mahal it's either sa pang-aasar niya sakin, sa pagsabi out of nowhere na mahal niya ko o kaya naman sa mga silly jokes niya.
Ngayon
Na gising ako sa pag vibrate ng phone ko. Tumingin ako sa oras it's already nine thirty pm, it took him one and half hour para lang mag reply sakin, binasa ko ang message ni Ace
From: Ace
Matulog ka na lang, pagod ako.I don't know pero pagkatapos kong mabasa yung message ni Ace pakiramdam ko may tumutusok sa dibdib ko at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko.
Kung ganito ang magmahal, parang ayoko na lang.
Itutuloy..

BINABASA MO ANG
You're still the one
Historia CortaHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...