To Lily,
Hi Lily, alam kong alam mo naman na hindi ako mahilig magsulat pero pakiramdam ko kailangan kong gawin ito dahil hindi na tayo madalas na kakapag-usap ng maayos, It's just that na sa tuwing nag-uusap tayo laging napupunta sa hindi pagkakaintindihan at nauuwi sa awayan, I know na napapadalas ang paglalaro ko at kadalasan nawawalan ng oras sayo pero hindi ibig sabihin noon na hindi na kita mahal, nag eenjoy lang ako masyado sa paglalaro, pano ba ang tamang term dito? siguro dahil unang beses ko lang magka trabaho at nadadala nang sobrang excitement? ang gusto ko lang sabihin ay sorry dahil nadadala ako ng excitement, pero tandaan mo na ikaw pa rin ang mahal ko. Baka sabihin mo ang corny ko pero hayaan mo na, sinimulan ko itong pagsusulat ko para kung sakali man na dumating ang araw na parang gusto mo na akong sukuan, well I'm hoping na huwag naman sana tayong dumating sa point na ganun, ibibigay ko ito sayo para ipaalala sayo na kahit madalas na tayong hindi magkaintindihan ikaw pa rin ang love of my life ko.
-Ace
Wala akong masabi sa sulat na ginawa ni Ace, binuksan ko ang iba pa niyang sulat.
To Lily,
I'm sorry Lil, alam ko na naging asshole ako at naksaktan kita kanina nang magkita tayo, sobrang pagod lang ako pero alam ko na hindi ko pa rin dapat ginawa iyon sa iyo, alam kong sobrang nasaktan kita at nagsisisi ako dahil sa nagawa ko, alam kong sobrang nasaktan kita sa nasabi ko dahil iniwas mo ang tingin mo sa akin at nagsimulang mamula ang buong mukha mo, at napansin ko din na pinunasan mo ang luha mo, katabi lang kita pero parang pakiramdam ko na naglalagay ka ng harang sa pagitan nating dalawa at nilalayo mo ang loob mo sa akin, hindi mo na ba ko mahal Lily? tanong lang, pero wag mong isipin na hindi na kita mahal dahil lang sa tinanong kita dito, gusto ko lang sabihin sa iyo na kahit nababawasan na yung pagmamahal mo sa akin, mahal na mahal pa rin kita.
-Ace
Lily,Heto na naman ako sinusulatan ka sana hindi mo mabasa itong mga sinusulat ko sayo dahil pag nabasa mo ito, iisa lang ang ibig sabihin noon at iyon ang kinakatakutan ko.
Gusto ko lang sa magkahiwalay na papel ito pero kadugtong lang ito ng una mong nabasa, masaya kasi tayo dito doon kasi sa una medyo malungkot, wala lang ayoko lang pagsamahin para isipin mo na masipag akong mag sulat hehe, pero kidding aside gusto kong malaman mo na masaya ako dahil pinagplanuhan natin ang future nating dalawa, na excite akong matupad natin ang pangarap nating dalawa, sana ikaw din. I love you.-Ace
I was crying the whole time na binabasa ko ang mga sulat ni Ace, I didn't know na parehas pala kaming nasasaktan. Kinuha ko ang iba pang sulat para mabasa ito.
Lily,
Hi Lil, uunahan na kita hindi ako galit, gusto ko lang sabihin sayo na nasaktan ako kanina. Na aalala mo pa ba noong pinagplanuhan natin yung future natin? Diba ang saya saya natin noong pinagplanuhan natin iyon, saksi pa nga ang langit at bituin kung pano natin pinlano iyon, pero kanina noong niloloko nila tayo tungkol sa kasal at sinabi sa iyo na darating din tayo diyan hindi ka nakasagot agad, Lil hindi na ba ko kasama sa mga plano mo? Kasi ikaw kasama pa rin kita sa mga plano ko. Sorry din kasi alam kong na disappoint ka kanina nung inaya kitang umuwi at humiwalay agad sa yakap mo, pakiramdam ko kasi na hindi ka na masaya at pinipilit na maging masaya sa tuwing kasama mo ako, sorry din kung hindi ko na inantay na makaalis ang cab na sinakyan mo, masyado lang masakit sa akin ang araw na ito at hindi ko kayang makita kang papalayo sa akin.
-Ace
To Lily,
Pakiramdam ko na, na le-let down at na pi-fail kita bilang boyfriend, nakakaramdam ako ng pressure na kailangan kong galingan at makapag ipon agad para matuloy ang mga plano nating dalawa, sorry kung nawawalan ako ng oras sayo dahil sa pag focus sa trabaho ko dahil ayoko na pati dito nafail kita, gusto ko lang ibigay ang lahat ng bagay na deserve mo bago tayo magpakasal. Sorry din kung imbis na nag uusap tayo mas inuuna ko pang makipaglaro sa mga katrabaho ko, sorry kasi pakiramdam ko na sa tuwing nag-uusap tayo mas lalo lang kitang nasasaktan, kasi sa tuwing nasasaktan ka nasasaktan din ako.
-Ace
Sino bang may sabi sa iyo na inaasa ko sayo lahat para sa future natin? Hindi rin naman kita pina pressure na pakasalan mo ko agad, hindi mo ba alam na mas lalo akong nasasaktan sa tuwing inuuna mo ang pakikipaglaro sa katrabaho mo kaysa sa pakikipag usap sa akin? Naiiyak kong sabi sa hawak kong sulat.
Nilagay ko ang lahat ng sulat ni Ace sa loob ng box.
Mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko nang matapos kong basahin ang mga sulat ni Ace.
One message received.
From: Ace
Naiintindihan ko kung ayaw mo na talaga.Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/225639180-288-k710379.jpg)
BINABASA MO ANG
You're still the one
Historia CortaHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...