Noon
Pwede ka ng matulog, sabi sa akin ni Ace sa kabilang linya
Ikaw? tanong ko sa kanya
Tapusin ko lang ito, sagot niya
Kasalukuyang gumagawa ng thesis si Ace ngayon, natapos niya na ang ojt niya at ngayon ay nasa huling semester na rin siya at ilang buwan na lang makakapagtapos na siya.
Sinisiguro ko na kahit sobrang busy ko sa work ay nabibigyan ko pa rin siya ng sapat na oras para kamustahin at suportahan siya sa mga oras na kailangan niya ng tulong ko gaya ng ginawa niyang pagsuporta sa akin.
Sige basta huwag ka masyadong mag puyat, pag papaalala ko sa kanya
Nga pala pag may tanong o kaya kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako para magising ako, dagdag ko
Sige goodnight Lily, pagkasabi niya ay binaba niya na ang tawag
Dahil hindi pa naman ako inaantok kinuha ko ang papel na binigay sa akin ni Ace at binasa iyon, wala akong alam sa programming dahil hindi naman ayun ang kurso ko.
Nakaramdam na ako ng antok sa pagbabasa kaya binaba ko ang papel na hawak ko matagal ko ng na realize ito pero uulitin ko lang, mahirap ang kursong computer science, wala namang madaling kurso.
Tumingin ako sa orasan mag aala-una na pala, kinuha ko ang cellphone ko at nag message kay Ace
To: Ace
Kaya mo yan, goodnight loveNag vibrate naman agad ang telepono ko dahil sa reply ni Ace
From: Ace
Bakit gising ka pa?To:Ace
Patulog na din, hindi ako makatulog kaya nagbasa ako, ikaw tapos ka ng gumawa?From: Ace
Kakatapos lang, ngayon inaantok ka na? Gusto mo tumawag ako?To:Ace
Inaantok na rin naman ako, bakit ka tatawag?From: Ace
Baka kasi hindi ka pa inaantok kakantahan kitaNiyakap ko ang unan ko para hindi marinig ang pagkilig ko
To:Ace
Huwag na inaantok na rin ako, tulog na tayo late na rin, may defense pa kayo bukasButi na lang at bakasyon na at wala na kaming pasok, sila naman hanggang second week na lang ng May ang ipapasok.
From: Ace
Sige, goodnight loveTo:Ace
Goodnight ulit loveNagpagulong-gulong ako sa hinihigaan ko dahil sa kilig, hindi naman ito ang unang beses na inantay ako ni Ace kahit pagod at antok na siya pero sa tuwing ginagawa niya iyon pakiramdam ko mahal na mahal niya ako. Alam ko naman na hindi lang iyon ang basehan kung mahal ka ng isang tao kung hindi sa paraan kung paano ka nito itrato at irespeto.
Nagising ako sa tunog ng telepono ko, alas otso pa lang ng umaga ay tinawagan na ako ni Ace.
Kinakabahan ako, ramdam ko ang mabilis na paghiga niya halatang kinakabahan nga.
Relax lang, pagkakalma ko sa kanya
Kinakabahan ako Lily, pag-uulit niya
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at umupo sa aking kama.
Kaya mo yan nakaya mo nga yung una at pangalawang defense niyo diba? ito pa kayang pang huli, sabi ko sa kanya para magkaroon siya ng lakas ng loob
![](https://img.wattpad.com/cover/225639180-288-k710379.jpg)
BINABASA MO ANG
You're still the one
Short StoryHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...