Chapter 5

195 3 0
                                    

Noon

From: Ace
Congratulations Lily, Sobrang proud ako sayo dati gusto mo lang makagraduate, pero ngayon graduate ka na cumlaude pa, Cumlodi na kita!

Napangiti ako sa mensahe sa akin ni Ace.

To:Ace
Thank you Ace

Kahit inaantok pa ko pinilit kong bumangon dahil ito ang unang araw ko sa trabaho ko, kakatapos lang ng graduation ko kahapon pero heto ako kulang sa pahinga na papasok, What a great way to start.

Naisip ko si Ace, buti pa siya walang pasok, buti pa sila bakasyon sana  tuwing August na lang din ang start ng klase sa elementary. Sana may pahinga ako.

Nagmadali akong pumasok dahil first time kong mamimeet ang advisory ko, which is mga grade one pupils.

Pagpasok ko sa loob ng classroom natahimik ang lahat, nilapag ko ang gamit ko at napatingin sa pader na kung saan may nakapaskil na larawan ko na nakasuot ng toga.

Para naman akong wanted nito, bulong ko sa sarili ko.

May isang batang babae ang lumapit sa akin.

Teacher Lily? Pagtatanong niya sa akin habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa larawan ko.

Yes, I am teacher Lily, ngiti kong sagot sa kanya, since private school ito ang medium of language na ginagamit ay English language.

Niyakap ako ng student ko ng makumpirma niya na ang nakatayo sa harap nila at ang nasa larawan ay iisa.

Naging maayos naman ang unang araw ng pagtuturo ko pero sobrang nakakapagod lang.

Nakahiga ako sa kama ko ng tumawag si Ace.

Kamusta ang first day? tanong niya

Ito pagod, sagot ko sa kanya.

Dapat kasi hindi ka muna pumasok, nagpahinga ka muna.

Nakakahiya dalawang araw na kong wala sa trabaho, dahil sa graduation ko.

Edi dapat kasi next week ka na lang pinagsimula

Sakto lang teachers dun eh, tsaka nahiya na din ako kanina kasi Wednesday na ko nakapag start.

Kaso kasi pagod ka, nung weekend nasa review center ka, tapos monday umattend ka ng baccalaureate mass, tapos kahapon graduation mo tapos ngayon first day mo,  kaya mo pa ba? concern na tanong ni Ace

Kaya ko yan,  ganun talaga kailangan ko lang mag adjust.

Sige basta nandito lang ako, sabi ni Ace

Anong ginawa mo kanina? Tanong ko sa kanya

Wala, naglaro lang at nanood.

Buti ka pa naka bakasyon, mahina kong sabi sa kanya.

Buti ka pa graduate na, sabi niya.

Ahead ako sa kanya ng isang taon, third year college ako ng makilala ko si Ace at siya naman ay second year college pero magkasing edad lang kami, nagkakilala kami dahil kaklase niya ang pinsan kong si Jane.

Pero hindi ko naman pinagsisisihan na tumigil ako ng isang taon, dagdag pa ni Ace

Bakit? tanong ko

Kasi kung hindi ako tumigil hindi ko magiging kaklase pinsan mo, hindi tayo magkakakilala.

Siguro kung hindi rin nag shift ng course si Jane, hindi rin tayo magkakakilala, sabi ko sa kanya.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon