Ngayon
Habang nakayuko ako bigla kong naalala kung ano ang naging takbo ng relasyon namin noong mga nakalipas na araw, siguro ito na yung tamang oras para linawin ang lahat.
Gaano mo ko ka mahal? ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng tanungin ko siya
Unti-unti namang nawala ang ngiti sa labi niya at naging seryoso ang mukha niya
Gaano kita ka mahal? pag uulit niya sa tanong ko
Kinakabahan ako sa isasagot niya, natatakot akong malaman kung ano pa ba talaga ang tunay na nararamdaman niya para sa akin.
Sa sobrang dami na naming hindi pagkakaunawaan siguro ito na yung oras para alamin kung meron pa ba siyang pagmamahal na nakalaan para sa akin dahil hindi ko na alam kung saan pa ba ko lulugar, ayoko na rin isipin na sa tuwing magkasama kami ang laging tumatakbo sa isipan ko ay kung hanggang kailan kami magiging masaya at mapunta sa hindi pag kakaunawaan.
Hmm? tiningnan ko siya sa kanyang mata
Tahimik lang siyang nakatingin sa aking mata.
Hmm? pag aantay ko ng sagot niya
Hindi ko alam pero may kakaibang nais na iparating ang mga mata niya, nakaguhit sa kanyang mata na mahal na mahal niya ako pero may halong lungkot ang mga ito, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at lungkot sa isasagot niya sa akin
Huwag mo na lang sagutin kung ayaw mo, sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin
Alam ko na rin naman kung anong isasagot mo, pinilit kong ngitian siya
Naramdaman ko ang mabilis na pag-ipon ng mga luha sa aking mata
Tara na? Punta na tayo doon sa hindi pa natin papupuntahan, tumayo agad ako at naunang maglakad
Kaya mo yan Lily huwag kang iiyak, sabi ko sa sarili ko habang naglalakad
Hindi ako sinabayan ni Ace sa paglalakad, pero alam ko na nasa likuran ko lang siya
Hindi ako iiyak, bulong ko ulit sa sarili ko para hindi ako tuluyang maiyak
Huwag mong sirain yung araw na to Lily, sabi ko ulit sa isipan ko
Natanaw ko na na malapit na kami sa aming huling pupuntahan sa Museum, bago pa kami tuluyang makarating doon ay huminga ako ng malalim at lumingon ng nakangiti kay Ace
Nakita ko na medyo naka tungo siyang naglakad
Tara? Naka ngiti kong pag-aya sa kanya
Inangat naman niya ang mukha niya at nginitian ng makita ako
Tara, nakangiti niyang sabi at pumasok sa loob ng magkahawak ang aming mga kamay.
Habang hinihila niya ko papasok hindi ko maalis ang mata ko sa magkahawak naming mga kamay, napakaraming tanong ang gumugulo sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ito, hindi ko alam pero imbis na matuwa, nagsimulang mangilid ang mga luha sa aking mata.
Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit na bumabalot sa aking dibdib.
Lily tingnan mo yung- teka anong problema? pag aalala niyang tanong
Tiningnan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata habang nangigilid ang mga luha sa aking mata.
Bakit? Mahina niyang tanong habang nilalapit niya ang kanyang kamay sa aking pisngi
Naramdaman ko ang init ng kanyang palad at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha sa aking mata
Mahigpit niya akong niyakap habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
You're still the one
Short StoryHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...