Chapter 10

113 2 0
                                    

Noon

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nagbago.
Hindi ako manhid para hindi ito maramdaman.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang mag umpisang mag trabaho si Ace kasabay din noon ay ang unti unti niyang pagbabago.

Hindi ko naman siya masisi dahil naisip ko na baka excited lang siyang magtrabaho o baka naman gusto niya lang talaga na mag focus sa pagtatrabaho, pero sapat ba na dahilan iyon para balewalain ako?

Alam ko naman na hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya, hindi ko naman hinihingi ang buong oras niya ang sa akin lang bakit kaya niya kong tiisin na pag antayin at hindi man lang kamustahin?

Inisip ko na lang din na baka nahihirapan pa siyang mag adjust dahil kakapagtapos niya pa lang sa pag aaral.

Tinabi ko ang examination paper ng mga estudyante ko, humiga ako sa higaan ko at tiningnan ang mga nakahilera na gawain, sa dami ng kailangang ipasa inuwi ko na ang iba sa aking bahay dahil dito ko lang din naman natatapos ang mga gawain ko.

Nakakapagod, bulong ko sa sarili ko at napabuntong hininga ng malalim

Tumingin ako sa aking orasan, alas nuebe na pala ng gabi malamang naka uwi na si Ace.

Kinuha ko ang aking telepono at nag message ako sa kanya.

To: Ace
Nakauwi ka na?

Lumipas ang limang minuto bago siya nakapag reply.

From: Ace
Kanina pa.

Nalungkot ako, kanina pa pala pero hindi man lang niya ako inupdate.

To:Ace
Kumain ka na?

From: Ace
Tapos na

To:Ace
Usap tayo?

From:Ace
Nag-uusap na tayo

To:Ace
I mean sa tawag

From:Ace
Pagod na ko eh

To:Ace
Saglit lang naman

From:Ace
Hindi ka pa ba pagod?

To:Ace
Medyo pero gusto ko lang marinig yung boses mo kahit sandali lang bago tayo matulog.

From:Ace
Sige

Inantay ko siyang tumawag pero lumipas ang dalawang minuto hindi siya tumawag kaya ako na lang ang tumawag sa kanya.

Tulog ka na? bungad kong tanong sa kanya pagkasagot niya sa tawag ko

Hindi pa, tipid niyang sagot

Bakit hindi ka tumawag sa akin?, tanong ko

Hindi ba ikaw yung mas gustong tumawag, irita niyang sabi

Medyo nainis ako sa tono ng boses niya.

Bakit ka nagagalit? tanong ko sa kanya

Hindi ako galit, inis niyang sabi

Hindi ka galit pero inis yung boses mo, sabi ko sa kanya

Hindi nga ko galit ang kulit naman, irita niyang sabi

Sige hindi ka galit sabi mo eh,  pero bakit pagalit yung tono ng boses mo, medyo inis ko na ding sagot sa kanya

Huminga ko ng malalim para mawala yung inis ko

Pwede mo namang sabihin ng maayos diba kung hindi ka galit, mahinanon kong sabi

Ano bang sasabihin mo? inis pa rin niyang sabi

Medyo nakaramdam ako na parang may tumusok sa dibdib ko.

Ayaw mo bang kausapin ako? tanong ko

Ikaw may gustong tumawag diba? sabi niya

Bakit parang napipilitan ka na lang na kausapin ako? tanong ko

Rinig ko ang pag buntong hininga niya.

Pagod ako Lily, irita niyang sabi

Naramdaman ko na naiiyak ako sa sinabi siya at hindi ko alam pero naubusan na rin ako ng pasensya dahil sa sinabi niya.

Pagod ka? tanong ko sa kanya

Oo, pagod ako, matipid niyang sabi

Oo alam ko na pagod ka, pero hindi ibig sabihin na dahil pagod ka itatrato mo na ko na parang abala na lang sayo.

Alam mo naman pala bakit hindi mo ko hayaang magpahinga? sagot niya

Mahirap bang magbigay ng sandaling oras sa akin, Ace? tanong ko sa kanya

Pagod nga ko diba? irita niyang sabi

Sandaling oras lang naman ang kailangan ko Ace, malungkot kong sabi

Pagod nga yung tao, sagot niya

Sa tingin mo ba ikaw lang yung pagod? naiiyak kong sabi sa kanya

Sa tingin mo ba ikaw lang yung napapagod dito Ace? pag-uulit ko

Oo, buti nga ikaw nagtuturo lang hindi pa malayo yung pinagtuturuan mo, sabi niya

Nagtuturo lang? Sa tingin mo hindi nakakapagod ang magturo? inis kong sabi sa kanya

Pagod na ko Lily, sagot niya

Hindi na ko sumagot dahil binabaan ko na siya ng telepono, mabilis akong humiga at tinakpan ng unan ang mukha ko dahil hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko, ayokong may makarinig sa akin na umiiyak.

Mas lalong bumigat ang sakit na nararamdaman ko ng mabasa ko ang mensahe ni Ace.

From:Ace
Matutulog na ko

Pagkabasa ko hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, bakit kaya mo na kong balewalain?

Kinuha ko ang telepono ko at binuksan ang isang account ni Ace sa social media

Nakita ko ang mensahe ng ka trabaho niya na nag aayang maglaro at pumayag naman siya.

Hindi ko na alam kung ano pa ba dapat ang maramdaman ko pagkabasa ko doon.

Naiinis dahil sa ka trabaho niya may oras siya at nasasaktan dahil pagdating sa akin pagod at nagagawa niya kong balewalain.

To:Ace
Sabihin mo na lang sa akin kung wala na kong halaga sayo, hindi yung unti-unti mo kong tinatrato na parang hadlang na lang ako at walang halaga sa iyo.

Nag-antay ako ng isang oras, nagbabakasakaling sasagot siya sa mensage ko o hindi naman kaya ay maisipan niyang tumawag, pero kahit isa wala akong natanggap mula sa kanya.

Paano mo nagagawa sa akin na habang nasasaktan ako balewala lang ako sayo?

Itutuloy...

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon