One message received.
From: Ace
Naiintindihan ko kung ayaw mo na talaga.To: Ace
Let's meet, same time sa meeting place natin.After I hit the send button, inayos ko ang aking sarili at pumunta sa lugar kung saan kami magkikita.
--
Malayo pa lang tanaw ko na si Ace.
Tumingin ako sa orasan ko, sakto lang ang dating ko.
Nilapitan ko siya sa kanyang kinatatayuan.
Kanina ka pa ba? tanong ko sa kanya
Hindi, sabay iling niya.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
Ano na? mahina niyang tanong sa akin.
Anong-ano na? balik na tanong ko sa kanya.
Bakit gusto mong makipagkita? tanong niya nang may pag aalinlangan.
Yung sulat mo, sagot ko sa kanya.
Tungkol lang ba sa sulat ko kaya gusto mong makipagkita?
Bakit mo sinulat yun? naguguluhang tanong ko sa kanya.
Hindi ko rin alam, sagot niya.
Ayaw mo ba ng mga nabasa mo sa sulat ko?
Tiningnan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata.
Ayoko, sagot ko sa kanya
Bakit?
Sa tingin mo matutuwa ako sa ginawa mo?
Yumuko lang siya at sinabing
Naiintindihan ko kung ayaw mo na, balewala lang din pala lahat ng sulat ko.Stop making me feel na ako yung masama dito Ace, just because hindi ko nagustuhan yung mga sulat mo.
Hindi pa ba sapat yung mga sulat ko para patawarin mo ko?
You think ganun lang kadali yun? Na sa iilang sulat mo lang mawawala lahat ng pain na binigay at pinaramdam mo sa akin all this time?
Sincere ako sa lahat ng sinabi ko sa sulat ko.
Edi sana noon palang sinabi mo na lahat ng iyon sa harapan ko at hindi mo na pinadaan pa sa sulat.
Ano pa bang gusto mo? Sinabi ko na nga lahat sa sulat diba? Inis na sabi niya.
Kahit kailan hindi mo talaga ko maintindihan.
I was trying to understand you Lily, hindi mo lang makita pero I was really trying to understand you.
Ipakita at iparamdam mo kasi.
All this time Ace, simula nung nag away tayo ni isang beses hindi mo ipinakita at ipinaramdam sa akin na naiintindihan mo ko. Tapos, naiiyak kong sabi sa kanya.Tapos bibigyan mo ko ng ganung mga sulat na matagal ko nang gustong marinig sa bibig mo noon pa lang.
Natatandaan mo pa ba nung nag away tayo? Gustong gusto kong ayusin, pinipilit kong ayusin pero anong ginawa mo? Wala kang kibo tapos ngayon bibigyan mo ko ng sulat mo na andoon lahat ng gusto mong sabihin. For pete's sake Ace, kung gusto mong makipag ayos you should have told me, nakipag-usap ka sana sa aking noong mga panahon na nagmamakaawa ako sayo pansinin mo ko at ayusin kung ano mga problema meron tayo.
And you expect me na matuwa sa mga sulat mo?Honestly, I was really flattered sa sulat mo noong nabasa ko pero- you should have told me this noong mga panahon na gustong gusto kong marinig yan sayo. Tiniis ko lahat ng pag-iwas mo when I was trying to reach out on you, ang tagal kong tiniis at binalewala itong lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin tapos bibigyan mo ko ng sulat mo na ngayon mo lang gustong ayusin lahat?
Nilapit niya ang kanyang kamay sa aking mukha para punasan ang aking luha
Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at pinunasan ang luha sa aking mata.
Kung kailan durog na durog na ko Ace, saka mo lang naisipang sabihin lahat ng iyon.
Kung kailan handa na kong bitawan ka, saka mo ko guguluhin.
Naiintidihan ko Lily, sorry kung wala akong lakas ng loob na sabihin at makipag-ayos sayo noon. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tiningnan ako sa aking mga mata.
Sorry kung naging duwag ako at hinayaan kitang mag-isa na ayusin yung mga mali ko.
Sorry dahil nasasaktan kita.
So-rry Li-ly, so-rry kung puro sakit na lang at sama ng loob ang nabigay ko sayo.Naramdaman ko ang tuloy tuloy na pagpatak ng luha sa aking mga kamay.
I'm sorry Lily, kahit ano gagawin ko mapatawad mo lang ako.
I'm really sorry kung puro sakit lang ang naibigay ko sayo, mahigpit na hawak niya sa kamay ko.
Ace hindi yan totoo masaya ko na nakilala kita, masaya ko sa mga panahon na nakasama kita noong panahon na hindi pa tayo komplikado.
You were a great guy, I really mean it. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mataSabi mo gagawin mo lahat mapatawad lang kita hindi ba? Tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya.
Then- tumingin ako sa mga kamay namin.
Then let me go.
Tumingin ako sa mga mata niya at tiningnan niya ang mga kamay namin na magkahawak.
Is this what you really want? Tanong niya
Tumango naman ako.
I'm sorry- at unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ko.
He looked at me
I look at him and said, sorry and thank you for everything.
I'm sorry for all the pain that I've caused you.
I weakly smiled at him
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo.
Lily, tawag sa akin ni Ace
Tumigil ako sa paglalakad ko pero hindi ko siya nilingon.
Kahit ano mang mangyari sa atin, you're still the one for me.
Then I slowly walked away from him.
-END-
Hello everyone! Thank you for supporting this story.
Don't forget to vote and comment :)
BINABASA MO ANG
You're still the one
Short StoryHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...