Chapter 4

205 2 0
                                        

Noon

Naka ready na ba mga gamit mo para bukas? tanong ko kay Ace

Hmm, wala naman akong dadalhin maliban sa extrang damit bukas ko na ilalagay yun sa bag. Sagot niya sa kabilang linya

Baka makalimutan mo, ilagay mo na kaya?

Hindi yan, hapon pa naman ang alis natin, ikaw ba? Tanong ni Ace habang hinahanda ko ang mga dadalhin ko para bukas.

Nireready ko na.

Teka baka naman madami kang dalhin ah, isang gabi lang tayo mag oovernight dun kina Carl.

Konti lang to wag kang mag alala, natatawa kong sagot sa kanya.

Alam na ba nila Julia na hindi ka sasabay sa kanila papunta doon kina Carl?

Oo sinabi ko na magdidate muna tayo bago pumunta dun. Sagot ko kay Ace at humiga na ko sa kama ko.

Anong sabi nila? Tanong niya

Ok daw sunod na lang daw tayo.  

Baka inaantok ka na, pabulong kong sabi habang katawagan si Ace.

Medyo, ikaw ba? Mahinang sagot niya sa kabilang linya.

Hindi pa ko dinadalaw ng antok, sagot ko kay Ace.

Sige, hindi pa naman ako inaantok medyo pa lang.

Gusto mo ng matulog? Tara na, pag aaya ko sa kanya

Hindi ka pa inaantok diba? Narinig ko ang paghikab niya

Pero inaatok ka na diba? kaya tara na.

Aantayin kita na antukin, pagpipilit niya.

Inaantok na pala ko, pinarinig ko sa kanya yung kunwaring paghikab ko.

Hmm, sigurado? Pagdududa niya tumango ako kahit hindi niya ko nakikita habang sinagot ng oo ang kanyang tanong.

Sige pikit mo na mata mo, pag uutos ni Ace pinikit ko naman ang aking mga mata.

Nakapikit ka na ba?  nakangiti akong sumagot ng oo sa kanya.

Tulog na mahal ko, napangiti ako ng marinig ko ang pagkanta ni Ace

nandito lang akong bahala sa iyo, alam niya na nahihirapan na naman ako sa pagtulog, sa tuwing nahihirapan akong makatulog lagi niya akong kinakantahan.

sige na, tulog na muna, tulog na mahal ko,  narinig ko ang paghikab niya pero patuloy pa rin siya sa pagkanta

at baka bukas ngingiti ka sa wakas, napahikab na rin ako at pahina na ng pahina ang boses na naririnig ko.

At sabay natin harapin ang mundo, narinig ko ang pagbagsak ng cellphone niya, hindi ko mapigilang matawa dahil sa tuwing kinakantahan niya ako lagi din na siya yung unang nakakatulog sa pagkanta.

Minsan nagdududa na din ako kung sino ba talaga yung pinapatulog niya kung ako ba o yung sarili niya, pero hindi ko rin maiwasan na kiligin sa tuwing ginagawa niya iyon.

Binaba ko na ang tawag at tinabi ang aking cellphone at hindi ko na namalayan na nakatulog na din ako.

---

Nakaupo kami sa loob ng isang pizza house habng inaantay ang inorder namin, kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman ko na nagba-vibrate ito.

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon