Ngayon
Makakapasok pa kaya tayo? tanong sa akin ni Ace
Yumuko ako at tiningnan ang oras sa relo ko
Mag aalas tres pa lang naman makakapasok pa tayo niyan, sagot ko kay Ace
Napagdesisyunan namin na pumunta sa National Museum ngayon dahil espesyal ang araw na ito.
Paano kung hindi na tayo makapasok? Tanong niya
Edi sa Luneta Park na lang tayo o kaya naman sa Intramuros magkakalapit lang naman iyon, sagot ko sa kanya
Pagdating namin sa Museum ay nadatnan namin ang mahabang pila kaya pumila agad kami, mabilis naman ang pag usad nito.
Habang nakapila pa kami sa labas kumuha kami ng aming litrato.
Lumipas ang ilang minuto ay nakapasok na rin kami
Sabi ko sayo makaka abot tayo eh, sabi ko sa kanya habang naglalakad papasok sa loob ng museum.
Nakita ko naman ang malaking ngiti sa labi niya
First time mo dito diba? tanong ko sa kanya
Tumango naman siya
Ikaw naka ilang beses ng balik dito diba?
Tinanguhan ko siya
Naka ilang balik ka na dito?
Pangatlo ko na ito, sagot ko sa kanya
Kailan yung una?
Noong nasa private school pa ko nagtuturo diba dinala kami ng prinicipal namin dito noong teachers' day.
Ah edi dapat pala hindi tayo dito pumunta kasi nakapunta ka na, sabi ni Ace
Hindi ah, okay lang sakin iba't-ibang experience naman yung naranasan ko kasi iba't-ibang tao ang nakasama ko at sigurado ako na sa pagpunta ko rito ulit, ito ang magiging pinaka paborito ko kasi ikaw ang kasama ko, naka ngiti kong sagot sa kanya.
Atsaka matagal ko ng gusto na makapunta naman tayo sa ibang lugar kasi diba hanggang mall lang lagi tayo kasi parehas tayong busy sa trabaho, pagdadagdag ko
Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko.
Nagsimula na kaming mag ikot sa loob ng museum
Picture-ran mo ko doon, turo ko sa may mga paintings
Sumunod naman siya at kinuhaan ako ng litrato gamit ang cellphone niya
Habang nag iikot ay parehas kaming namangha sa mga nakikita namin
Teka lang, natatawang sabi ni Ace
bakit parang first time mo lang makapunta dito?, tanong niya sa akin habang tumatawa
Hindi ko din alam, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement, sagot ko sa kanya
Pero naka ilang balik ka na rito, sabi niya
Masaya ko kasi ikaw ang kasama ko kaya pakiramdam ko ngayon pa lang ako nakapunta dito
Baka naman nagkukunwari ka lang na masaya? Pang aasar niya
Bakit naman ako magkukunwari kung totoo yung saya na nararamdaman ko?
Wala lang baka lang naman, sagot niya
Ano ka ba hindi naman porket ilang beses na kong naka balik dito hindi na ko magiging masaya, ikaw kaya kasama ko, naka ngiti kong sagot sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/225639180-288-k710379.jpg)
BINABASA MO ANG
You're still the one
Cerita PendekHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...