Ngayon
Sorry medyo late, kanina ka pa ba? Tanong ko kay Ace.
Medyo. Matipid niyang sagot.
Saan tayo ngayon? Nakangiti kong tanong sa kanya.
Hindi ko alam, ikaw yung may gustong makipagkita diba? Ramdam ko ang pagkairita sa boses niya. Nawala yung ngiti sa labi ko nang marinig ko yung sagot niya.
Ako lang ba? Tahimik lang siyang naglalakad at hindi ako sinagot.
Edi umuwi na lang tayo? Pilit na ngiti kong sinabi sa kanya. Sa loob ng dalawang linggo na hindi kami nagkita walang pananabik sa mga mata niya nang ako ay kanyang makita.
Nararamdaman ko na nangigilid na yung luha sa mata ko pero pinipigilan ko itong tuluyang bumagsak mula sa mata ko.Magkatabi lang kaming naglalakad pero pakiramdam ko ang layo layo na namin sa isa't-isa at parang hindi na magkakilala. Naramdaman ko na tumulo na ang luha sa kaliwa kong mata, mabilis akong tumingin sa ibang direksyon at pinunasan ito. Napansin ni Ace ang ginawa ko at nagkatitigan kami.
Gusto ko siyang tanungin kung mahal niya pa ba ako pero wala akong lakas ng loob para magsalita at natatakot din akong malaman kung ano ang isasagot niya. Ang dami kong gustong itanong at sabihin pero walang lumalabas na salita sa bibig ko maliban sa pagpatak ng luha sa mata ko.
Pinunasan niya ang luha sa mata ko, sabay niyakap ako ng mahigpit at mahinang sinabi ang salitang sorry, hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan na akong napaiyak. Nakakatawang isipin na kung sino pa yung mahal mo siya pa yung makakapagbigay sayo ng sakit at ang may kakayahang makapagpapawi nito. Inalis niya na ang pagkakayakap sa akin at sabay na hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
Ayos na ba pakiramdam mo? Tanong niya
Tinanguhan ko siya sabay ngumiti, pagkatapos ay niyaya niya na ako na ikutin ang mall at hindi na namin pinag-usapan ang nangyari.
May dumi ba sa mukha ko? Tanong ko kay Ace dahil kanina pa siya natingin sakin at ngiting ngiti habang kinain ko ang natitirang pagkain sa plato ko.
Wala ngayon na lang kasi ulit kitang nakitang kumain.
Dati kasi sa tuwing kumakain kami lagi niyang sinasabi na pwede raw ako sa mga commercial ng pagkain kasi sa tuwing kumakain daw ako parang nakakatakam daw lahat ng kinakain ko.
Ah, namiss mo ba? Panloloko ko sa kanya habang nililigpit ko ang pinagkainan namin sa loob ng restaurant.
Sumagot naman siya ng oo at tinulungan ako na ipagpatong ang mga plato. Naging habit ko na to na sa tuwing pagkatapos kumain pinagpapatong ko ang mga plato namin at inaayos ang inupuan namin ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam na makita na nagiging masaya ang mga crew sa tuwing lilinisan na nila yung pinagkainan namin.
Thank you come back again. Nakangiting bati sa amin paglabas namin sa loob ng restaurant.
Pumasok naman kami sa loob ng isang boutique na puro accessories.
Bagay ba sa akin ito? Tanong ko kay Ace habang suot ang isang cute na headband.
Oo bagay mukha kang bata.
Talaga? Bakit baby face pa rin naman ako diba? Napagkakamalan pa nga kong high school sa pinagtuturuan ko eh.
Sige sabi mo eh. Natatawang sagot ni Ace.
Grabe ka parang hindi ka naniniwala na pinagkakamalan akong high school.
Joke lang wag mong seryosohin. Natatawa niyang sinabi.
Ang tagal tagal natin doon hindi ka naman bumili. Pagrereklamo ni Ace paglabas namin ng boutique.
Wala pa kasing bago atsaka wala kong nagustuhan atsaka ang oa sa ang tagal tagal ah, ten minutes nga lang tayo sa loob. Sagot ko at tinawanan lang niya ako.
Wait lang yung sintas mo, yumuko si ace at inayos ng pagkakatali ang sintas ng sapatos ko. Pagkatapos ay tumayo siya at nginitian ako.
---
Pinagmamasdan ko ang mga bituin sa langit habang kami ay nakaupo sa isang bench sa may parke. Napagdesisyonan kasi naming pumunta dito pagkatapos naming mag-ikot sa loob ng mall.
Napakaraming bituin ngayon ang gandang pagmasdan.
Gustong gusto mo talaga ang kalangitan no? Sabi ni Ace
Ewan ko rin pero hindi ko talaga mapigilan na tumingin sa langit, sumagot ako ng hindi inaalis ang tingin sa langit.
Anong iniisip mo tuwing pinagmamasdam mo ang kalangitan. Tanong niya
Wala, wala akong naiisip.
Eh bakit ang hilig mong tumingin sa langit? Inalis ko ang tingin sa kalangitan at tumingin sa kanya.
Kasi sa tuwing tumitingin ako sa kalangitan doon lang nawawala yung mga iniisip ko, saka lang nagiging payapa ang utak ko, kasi kahit isang minuto lang nakakalimutan ko yung mga problema ko, sa loob ng isang minuto na yun nagiging masaya ako. Nakangiti kong sagot sa kanya.
Ah sige. Nakangiti niyang sagot, nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa aming dalawa.
Gusto ko rin nga ganitong upuan kapag mayroon nang sariling bahay para kahit anong oras pwede akong umupo at tumingin sa kalangitan.
Gusto ko din ng ganito para tuwing pagmamasdan mo ang kalangitan sasamahan kita.Napangiti ako sa sinabi ni Ace.
Talaga sasamahan mo ko? Kahit madaling araw?
Oo naman, sagot niya
Sobrang antukin mo kaya, hindi mo nga kayang magpuyat, natatawa kong sabi sa kanya
Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang baba at nag-isip, natawa ako sa ginawa niya dahil sobrang seryoso ng mukha niya.
Edi aayain na kitang matulog pag nakaramdam na ko ng antok.
Sige, natatawa kong sagot.
Tapos sa bahay natin dapat merong garden para magtatayo ako ng half court, suggestion niya
Bakit may half court?
Para sasanayin ko na yung anak nating lalaki na mag basketball para paglaki basketball player, nakangiting sagot niya sabay kindat.
Advance mag-isip, pero sige, nakangiting sagot ko sa kanya at sabay na inakbayan niya ako.
Tapos sa magiging bahay natin may office ako, para doon ako gagawa ng mga trabaho ko, dagdag pa niya.
Pano ako saan ako? Tanong ko.
Sa office ko rin may sarili kang table doon, magiging office na natin, sabi niya
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang parehas naming iniisip ang mga plano namin sa buhay. Akala ko hindi na ko kasama sa mga plano ni Ace sa buhay niya, pero habang pinapakinggan ko siya nawala lahat ng pagdududa na naramdaman ko noong mga nakalipas na araw.
Hinawakan ni ace ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.
Balang araw Lily, matutupad din natin lahat ng pangarap natin pangako yan, ramdam ko ang sensiridad sa bawat salita na sinabi niya.
Lagi mong tatandaan mahal kita Lily pagkatapos niyang sabihin yan ay niyakap niya ako ng mahigpit. Mahal din kita Ace, bulong ko sa kanya.
Sana hindi na ito matapos.
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/225639180-288-k710379.jpg)
BINABASA MO ANG
You're still the one
ContoHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...