Chapter 7

143 2 0
                                    

Ngayon

Posible nga siguro na kasabay ng pagbago ng panahon ay ang pagbago din ng nararamdaman ng isang tao.

Na alala ko tuloy noong isang gabi sa apartment namin may pinakinggan kaming isang segment sa radyo na kung saan binabasa ng DJ ang mga mensaheng tungkol sa pag-ibig.

Ang kwentong binasa niya ay tungkol sa dalawang magkasintahan na nagsama na ng pitong taon pero sila ay naghiwalay hindi dahil may iba ng gusto pero dahil raw nagising na lamang sila na isang araw hindi na nila mahal ang isa't-isa.

Hindi ko alam pero noong narinig ko yun parang may tumusok sa puso ko, ang sakit isipin na isang iglap magigising ka na lang na hindi ka na mahal ng mahal mo, noon hindi ko pa alam na posible pa lang mangyari iyon.

Siguro dahil hindi ko alam yung pinagdadaanan nila kaya kinontra ko pa yung naging desisyon nila.

Sabi ko pa noon kina Julia na hindi ba dapat kung mahal mo talaga yung isang tao kahit anong pagdaanan, kahit anong away ninyo dapat maayos pa rin, kasi kung mahal mo hindi ka dapat magsasawa na mahalin at intindihin siya kasi nga mahal mo.

Sinabi ko pa sa kanila na hindi kami magiging ganun ni Ace.

Pero habang tinitingnan ko ang kanyang mata at ang unti unting pagkawala ng ngiti sa labi niya hindi ko maiwasang isipin na baka nagising na lang din siya na hindi niya na ako mahal at kasabay ng pag-iisip ko sa ideya na iyon ay unti-unti ring nawala ang ngiti sa labi ko.

Kung posible pa lang magbago din ang nararamdaman ng isang tao kasabay ng pagbago ng pahanon, bakit yung pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya ay nanatili pa rin?

Iniwas ko ang tingin ko kay Ace at nagkunwaring may hinahanap sa loob ng bag, nakita ko naman siya na kinuha ang baso na may lamang alak at ito ay kanyang ininom.

Kung noon sobrang komportable namin sa isa't-isa na kahit ano pwedeng mapag-usapan, ngayon pakiramdam ko na may unti-unting harang ang namumuo sa pagitan namin at hindi na alam kung saan pa kukuha ng mga salita na maaaring mapag-usapan.

Hindi ko alam ang dahilan pero pakiramdam ko hindi na siya yung Ace na kilala ko noon, hindi ko alam kung sawa na ba siya o baka may iba na siyang nagugustuhan.

Ang daming naglalaro sa isipan ko at hindi ko na namalayan na tinatawag na pala ako ni Julia kung hindi pa ko tinapik ni Ace hindi ko siya mapapansin.

Sasabay ka ba sa amin pag-uwi? tanong niya habang hinahanda ang sarili sa pag-uwi

Baka may lakad sila ni Ace pagtapos nito, dagdag pa ni Rich na inaantay na lang sila Julia na matapos mag-ayos sa sarili

May lakad ba kayo? tanong ni Julia kay Ace

Tiningnan ako ni Ace na parang inaantay niya ang pagsagot ko sa kanya, tinanguhan ko na lang siya.

Ako na lang maghahatid sa kanya, sabi ni Ace

Kinuha ko ang bag ko at tumayo na sa aking inupuan.

Pagkatapos naming makita sila na maka alis, naglakad naman kami ni Ace.

Hmm? Saan tayo? tanong ko sa kanya

Lakad lakad lang, sagot niya

Kamusta ka? tanong niya

Okay lang, ikaw?

Okay lang din, sagot niya

Kamusta naman work mo? tanong ko sa kanya

Ganun pa rin wala namang nagbabago, tipid niyang sagot na parang hindi siya interesado na ikwento sakin ang mga nangyari o kaya naman mga pinagdaaanan niya.

Ikaw kamusta pagtuturo?

Ayun mas dumami ang trabaho kasi malapit nang matapos ang school year, gumawa ng iba't-ibang forms simula form1 hanggang form 10, sagot ko sa kanya

Natapos mo naman? tanong niya

Hindi pa pero malapit na

Kaya mo yan ikaw pa ba, sabi niya pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko hindi ko alam pero imbis na ma encourage ako mas lalo akong na down, bakit kailangan kong maging malakas sa harap mo, bakit kailangan kong magpanggap na kaya ko ang lahat kahit na hinang hina na ako.

Hindi ko alam pero pagkasama ko na siya hindi ko na magawang maging ako dahil alam kong nag-iba na siya.

Sumagot ako ng oo kaya ko iyon at nginitian siya.

Sumulyap ako ng tingin kay Ace, nakita ko na pagod at inaantok na siya.

Uwi na tayo? Pag-aaya ko sa kanya

Gusto mo na ba? tanong niya

May pasok ka pa bukas, sagot ko sa kanya

Gusto mo na ba? Pag uulit niya ng tanong

Kulang ka pa sa pahinga, sagot ko

Kung gusto mo na nga? ramdam ko na medyo naiirita na siya

Ayoko pang umuwi dahil ngayon na lang kami nagkita madami pa akong gustong ikwento sa kanya, nag-aabang pa ako ng ikukwento niya gusto kong sabihin sa kanya na ayoko pa pero tiningnan ko ulit siya at parang inaabangan na lang niya na sabihin ko ang salitang oo.

Ikaw gusto mo nang umuwi? tanong ko sa kanya

Medyo pagod na ko eh, sagot naman niya

Nginitian ko siya

Tara uwi na tayo, pag-aaya ko sa kanya.

Hinatid niya ulit ako hanggang sa may terminal

Niyakap ko siya.

5minutes lang, bulong ko sa kanya

Lily gabi na, sabi niya wala pang isang minuto hiniwalay niya na ako sa pagkakayakap

Nakayuko akong humiwalay sa kanya at dumiretsong sumakay sa cab.

Hindi niya inantay na maka alis ang sinakyan ko nakita ko na tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Nakaramdam ako ng pagsikip ng aking dibdib at pinigilan kong bumagsak ang luha sa mata ko.

Siya lang yung pahinga ko.

Habang tinitingnan ko siyang maglakad papalayo sa akin hindi ko maiwasang masaktan at isipin na Yung pahinga ko napagod na sa akin.

Itutuloy...

P.S: Feel free to vote and comment :)

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon