Chapter 13

77 3 2
                                        

Ngayon

Maghiwalay na tayo

Mas doble ang sakit na naramdaman ko ng makita ko na walang emosyon sa mukha ni Ace ng sabihin ko ang mga salitang  iyan na tila ba alam na niya na ito ang kahahantungan ng matagal naming pagsasama bilang magkasintahan.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa

Sige, mahinang sagot niya

I felt betrayed by his answer.

Sige? Pumapayag ka na maghiwalay tayo?, dismayadong tanong ko.

Nakatingin ako sa kanya habang inaantay ang isasagot niya at inaasahan na babaguhin niya ang naging desisyon niya.

Lily maghiwalay na tayo.

Ganun ba kadali para sayo na bitawan agad ang relasyon natin Ace?, sa bawat bigkas ng mga salita ko sa kanya hindi ko maiwasan na mapaluha

Parehas na tayong pagod sa relasyon natin Lily.

At sa bawat bitaw niya ng kanyang mga salita mas lalo akong nasasaktan.

Huminga ako ng malalim.

Tama ka parehas tayong napagod, ngiting pilit na sabi ko sa kanya

Alam mo kung ano yung masakit para sa akin? Matagal na kong napapagod sa paulit-ulit na sakit na ipinaparamdam mo sa akin dahil sa mga pinag gagawa mong pag papaantay at pangbabalewala sa akin, naiiyak kong sabi sa kanya

Pero alam mo kung ano yung nakakatawa? binigyan ko siya ng malungkot na ngiti

Hindi kita sinukuan dahil lang sa napagod ako, kasabay ng pagbitaw ko ng mga salitang iyan ay ang pagbagsak din ng aking mga luha.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking mga luha

Ang daya mo naman Ace, ngayon ka lang napagod pero imbis na labanan mo yung pagod mo mas pinili mo na sukuan at bitiwan ako.

Naglakad ako papalayo sa kanya dahil hindi ko na kaya ang sakit na dumadagdag pa sa nararamdaman ko.

Natigilan ko ng pigilan ako ni Ace.

Saan ka pupunta? tanong niya

Uuwi na ako, inalis ko ang kamay ko na hawak niya

Ihahatid kita, mahinang sagot niya

Kaya kong umuwi mag-isa.

Tumakbo ako palayo sa kanya at pinara ang sasakyan na paparating.

Mabilis naman na umandar ang sasakyan kaya hindi na ko napigilan ni Ace.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatayo sa lugar kung saan ko siya iniwan.

---

Nagising akong masakit ang aking ulo, kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na, mag aalasais pa lang pala ng umaga.

Pinilit kong matulog ulit ngunit naalala ko na naman ang nangyari sa amin kahapon ni Ace.

Hinagis ko ang aking unan dahil sa inis, tatlong oras pa lang ang tulog ko.

Kinuha ko ulit ang aking cellphone at tinanggal ang "do not disturb", pagkatanggal ko ay sunod-sunod na dumating ang messages ni Ace.

Binuksan ko ang mga ito

From: Ace

Nasaan ka na?
sent 6:09pm

Nasaan ka na, Lily?
sent 6:11pm

Tinatawagan kita bakit hindi ka sumasagot?
sent 6:15pm

Sorry
sent 6:20pm

Lily, I'm sorry mag reply ka na please
sent 6:50pm

Binuksan ko pa ang ibang messages niya

From: Ace

Nakauwi ka na ba?
sent 8:10pm

Binaba ko ang cellphone ko.

Huminga ako ng malalim

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, naghiwalay na kami kahapon, bakit pa siya nag aabala na mag message sa akin.

Hindi mo na ko mahal diba, mahinang sabi ko habang nakatingin sa mga messages niya.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko

Ace is calling you

Tiningnan ko lang ito hanggang sa mawala

From: Ace
Lily, sagutin mo please
sent 6:10am

Ace is calling you

Sinagot ko ang tawag niya

Hello, Lily? Sabi niya sa kabilang linya

Hindi ako nagsalita

Lily? Tawag niya ulit sa pangalan ko ng may pag aalala.

Bumuntong hininga ako

Bakit? sagot ko

Wa-la kinakamusta lang kita

Bakit?  tanong ko sa kanya

Gusto ko lang, sagot niya

Bakit?

Ayaw mo ba? tanong niya sa akin

Sa pagkaka alam ko sinukuan at binitawan mo na ko kahapon, diba? Inis kong sabi sa kanya.

Sorry, mahinang sabi niya

Natahimik ako hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad, dahil ba sa gusto niyang makipag ayos o dahil sa naghiwalay kami.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya binabaan ko na lang siya ng tawag.

Bumalik ako sa paghiga at tiningnan ang mga larawan naming dalawa na nakadikit sa pader ng aking kwarto.

Habang tinitingnan ko ang mga ito bumalik lahat ng masasayang alala namin at naramdaman ko ang unti-unting pangigilid ng luha ko.

Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko, kaya umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa maubos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Makalipas ang dalawang oras na pag-iyak nakita ko ang box na binigay sa akin ni Ace.

Tinitigan ko lang ito habang iniisip kung bubuksan ko ba ito o hindi, hanggang sa mapagdesisyonan ko ng buksan.

Tumayo ako at inabot ko ang box.

Binuksan ko ito at nagulat ako sa laman nito.

Halong emosyon ang naramdaman ko ng makita ang mga sulat na regalo sa akin ni Ace.

Hinawakan ko ang mga sulat at hindi ko maiwasang mapangiti na may kasamang pag iyak.

Akala ko ba ayaw na ayaw mong bigyan ako ng sulat pero ang dami dami mong binigay sa akin ngayon, sabi ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang isang sulat at binuksan ito

To Lily,

Itutuloy...

You're still the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon