Ngayon
Okay lang ba itong suot ko? tanong ko kay Rich
Alam mo girl hihilain ko na yang buhok mo paulit-ulit yang tanong mo, iritang sabi ni Rich
Kasi baka hindi bagay sakin, sagot ko sa kanya
Naiimbyerna na ko sayo girl, bumuntong hininga siya ng malalim
Lily maganda yung damit, bagay na bagay sayo atsaka kahit ano namang suotin mo maganda ka pa rin sa mata ni Ace.
Yung damit lang yung maganda? tanong ko ulit sa kanya
Mas maganda ka sakin ayan okay na? Pinagkaitan na nga ko na maging anyong babae gusto mo pa na mas maganda ka sakin, sabi niya sabay umarte na naiiyak at nilagay ang kamay niya sa may bibig
Nagtawanan naman kami sa ginawa niya
Kayo na nga kumausap dito kay Lily, panlolonkong sabi ni Rich
Okay ka lang ba? tanong sakin ni Julia
Oo juls, ngiting sagot ko sa kanya
Pansin ko kasi parang kanina ka pa hindi mapakali, may problema ba? pag-aalalang tanong niya.
Kanina mo pa sinasabi na baka hindi magustuhan ni Ace yang suot mo, dagdag pa niya.
May problema ba kayo? Tanong ni Julia
Napaisip ako gusto kong mag kwento kay Julia, gusto kong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko at yung madalas na hindi namin pagkakaintindihan ni Ace.
Wala, natatawa kong sagot
Sure ba yan? Paninigurado niya
Oo naman, naka ngiti kong sagot sa kanya at nakita ko naman na naniwala siya
Malapit na ba tayo? pag-iiba ko ng usapan
Sakto yung tanong mo andito na tayo, natatawang sagot ni Jane
Bumaba kami sa sasakyan at nakita namin na inaantay kami ng aming mga kaibigan sa labas ng simbahan.
Oh my god, sigaw ni Rich sabay yakap kay Jil parehas naman silang nagtilian
Natawa kaming lahat sa ginawa nila, simula kasi ng makapag tapos sila ng kolehiyo ngayon na lang ulit kami nagkita kita.
Lily, nakangiting tawag ni Paul sa akin
Kamusta ka na? Lalo kang gumaganda ah, natatawa niyang sabi at nakipag apir pa
Masaya naman ako kasi wala ng ikaw na nang-aasar sakin, natatawa kong sagot sa kanya
Nasan na nga pala si Ace? tanong niya sakin
Malapit na daw siya kanina maya maya darating na din yun, sagot ko sa kanya
Bakit hindi kayo sabay? Pagsisingit ni Carl
Kasi maaga kaming umalis atsaka bumawi pa yun ng tulog pagod galing work, pagpapaliwanag ko sa kanila
Speaking of, Andyan na si Ace, turo ni Paul tumingin naman ako sa direksyon ni Ace na papalapit sa amin.
Kamusta Ace? tanong niya kay Ace
Ayos naman, kayo ba? masaya niyang sagot sa kanila, napatingin ako kay Ace ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti ng ganyan.
Pasok na tayo guys, malapit ng magsimula, pagsisingit ni Julia
![](https://img.wattpad.com/cover/225639180-288-k710379.jpg)
BINABASA MO ANG
You're still the one
Storie breviHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...