Noon
Dali-dali kong tinawagan si Ace dahil hindi mahanap ng staff yung application form ko para sa darating na LET exam, ito yung pangatlong araw ko na pabalik balik sa isang mall sa Manila para lang makuha yung registration form ko pero sa loob ng tatlong araw nang pagod at pag-aantay ang bumungad sa akin ay wala raw akong pinasa.
Nagsimula na ang pasukan nila Ace at kasalukuyang nag oojt na siya kasama si Paul.
Hello Ace, natataranta kong bungad sa kanya
Lily bakit? tanong niya
Hi Lily, rinig kong sabi ni Paul
Check mo nga yung online ko, sabi ko sa kanya
Bakit? tanong ulit niya
Kasi hindi nila mahanap yung form ko, sabi ko sa kanya hindi ko alam pero nakaramdam ako na naiiyak ako
Bakit diba nag online ka naman, sabi niya
Nag online naman ako pero hindi ko alam kung bakit wala yung sa akin, natataranta kong sabi sa kanya at tuluyan na akong naiyak.
Huwag kang umiyak titingnan ko na, anong site ba? tanong niya
Naiyak si Lily? rinig kong tanong ni Paul
Sinabi ko yung website at yung account ko para ma tingnan nila kung na process yung online form ko.
Bakit ka naiyak? tanong ni Ace
Ka-si wala yung form ko, sabi ko
May bukas pa naman para ma process yan, dagdag niya
Hindi na pwede naka dalawang absent na ko hindi na ko ulit papayagan na umabsent ng principal namin, nakipagsapalaran na nga lang ako na pumunta dito kahit may bagyo, naiiyak kong sabi sa kanya
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak pero na alala ko lahat ng mga pinagdaanan kong paghihirap para lang makapag apply sa exam na ito nandyan yung pahirapan mag paalaam sa pag absent, mga masasakit na salita na maririnig mula sa mga magulang ng estudyante mo, at ang pressure na binibigay sakin ng mga nakapaligid sa akin.
Na kaya ko namang maging malakas sa loob ng ilang buwan pero dahil sa iisang form napasuko ako.
Edi pag hindi ka nakapag take ngayong September, sa March ka na lang mag exam, dagdag pa ni Ace
Alam mo naman kung gaano ko ka gustong makapag take na ng exam diba? Naiiyak kong sabi
Ewan ko pero may ganito akong pag iisip na baka mawala lahat ng na review ko pag pina abot ko pa ng March at gusto ko na ring mabawasan yung pressure na nararamdaman ko.
Nakapag pasa si Lily online, rinig kong sabi ni Paul.
Huwag ka ng umiyak ganito gawin mo bumalik ka doon at ipakita mo yung isesend ko sayo, sabi ni Ace unti unti ko namang kinalma yung sarili ko.
Sige salamat Ace paki sabi din kay Paul, sorry naistorbo ko kayo sa kalagitnaan ng ojt niyo
Okay lang yun huwag mag panic agad, tawagan mo lang ulit ako, pagkakalma sa akin ni Ace
Binaba ko na ang tawag, naglakad ako pabalik sa office nila at pinakita ang sinend sa akin ni Ace, pagkatapos noon ay binigay rin nila sa akin ang form ko.
Pagtapos kong makuha ang form ko napagdesisyonan naming magkita ni Ace.
Niyakap ko siya
Thank you, bulong ko kay Ace
Makakapag exam ka na? tanong niya
Tumango naman ako at nginitian siya
Hindi ko maiwasang tingnan si Ace at isipin na ma swerte ako dahil lagi siyang nandyan sa tuwing kailangan ko ng tulong o kaya naman sa tuwing may problema ako lagi siyang handang makinig sa mga ito.
Minsan pa nga pag may na kwento ako sa kanya na sinisiraan ako ng ibang magulang siya pa yung mas nagagalit kaysa sa akin kaya ang ginagawa ko sinasabihan ko siya na huwag na lang pansinin, pero nakakatuwang isipin na kahit anong hirap o struggles pa yung pinagdadaanan ko hindi siya nag fail na iparamdam sa akin na lagi lang siyang nandyan sa tabi ko.
--
Mabilis ang tibok ng puso ko habang hinahanap ni Ace ang pangalan ko sa listahan ng pumasa sa exam
Pumasa ka Lily, sabi niya
Talaga? Hindi yan joke? kinakabahan kong tanong sa kanya
Hindi ito joke pumasa ka talaga tanggalin mo na yang takip sa mata mo.
Mabilis ko namang tinanggal ang kamay ko sa mata ko at kinuha ang cellphone niya
Pumasa nga ako, nakayuko kong sabi naramdaman ko na nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko
Naiyak ka ba? Tanong niya at inangat ang mukha ko
Hindi ka ba masaya na pumasa ka? tanong niya at pinunasan ang luha sa mata ko
Masaya ako sobrang saya ko Ace, sabi ko at lalo pa akong napaiyak
Bakit ka naiyak kung masaya ka?
Tears of joy ito, natatawa niya akong niyakap
Lahat ng paghihirap na dinanas mo bago at pagkatapos mong kumuha ng exam ay bayad na, ito na yung resulta Lily, lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin
Sobrang proud at masaya ako para sayo, hiniwalay niya ako sa pagkakayap at nginitian
Sabi ko naman sayo lahat yan kakayanin mo
Kahit ano pang sabihin nila sayo magpatuloy ka lang dahil nandito lang ako, naniniwala ako sayo, dagdag pa niya
Nginitian ko siya
Kinaya ko dahil, pinutol ko ang sasabihin ko
Dahil malakas ka, pagdudugtong niya
Umiling naman ako
Kinaya mo dahil palaban ka? sagot niya uli
Umiling ulit ako
Dahil saan? pagtatanong niya bakas sa mukha niya na gusto niya ng malaman ang isasagot ko sa kanya
Nginitian niya ako sabay kamot sa ulo
Nginitian ko din siya at sumagot
Kinaya ko dahil sayo.
Kinaya ko dahil naniniwala ka sa akin.Itutuloy...
P.S: Feel free to vote and comment

BINABASA MO ANG
You're still the one
Kort verhaalHanggang kailan mo kayang ipaglaban ang isang tao upang mapanatili lang siya sa piling mo at maisalba ang relasyon ninyo? Mananatili ka pa rin ba kahit nasasaktan ka na? They say letting go is better than holding on but sometimes holding on is b...