Chapter 2

2.1K 84 0
                                    

"Hay! Hanggang kailan ko kayang tiisin ang ganitong treatment mo, Dee?"

Napabuntong-hininga na lamang ako. Naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan n'ya eh. She lost the love of her life at alam kong masakit 'yon. Ayoko lang 'yong tinutulak n'ya palayo ang mga taong nagmamahal sa kanya na gusto lang din s'yang tulungang makabangon ulit.

"Hay! I have plans to cancel work today and be with her the whole day. Sayang! Plans never work with her talaga." Napailing nalang ako.

I drove off to work... alone.

"Sa wakas andito ka na rin. Bruha ka, kanina ka pa hinihintay dito. Saan ka ba nanggaling ha?" Patiling bungad ni Cholo, ang handler kong bakla.

"I had to run some errands." Maikling sagot ko saka dumiretso na sa dressing room para magpalit ng damit.

"Wow! So ano palagay mo sa aking bruha ka ha? Hangin? Ni hindi mo magawang magpaalam? Ni hindi mo manlang magawang sagutin ang tawag ko."

"Pwede ba, Cholo? Kung maninermon ka lang din naman, pwedeng 'wag ngayon? I'm not in the mood to talk. Late na ako, 'diba? Mas lalo lang akong malilate sa shoot ng dahil sa'yo."

Tumahimik nalang ito pero iniirapan ako sa gilid.

Bumalik ako sa set ng nakabikini nalang lamang... A set of red string bikini.

Nadatnan ko sa set ang mangilan-ngilang "unwanted personel" which includes our maniac producer and newspaper editor.

I rolled my eyes. Lagi nalang ganito. Hindi na nagsawa ang mga kalalakihang 'to sa panonood sa halos hubad ko nang katawan sa mga photoshoots na 'to.

"Ms. Russell, bakit late ka?" Puna ni Harvey, ang director namin.

"Sorry, Harvey, something came up kaya nalate ako." Medyo napatiklop ako kasi masyadong prangka at palaaway itong baklang director namin.

"And what could that be? Kung nagpasabi ka agad eh 'di kinancel nalang sana natin itong shoot or better yet nagsabi ka nalang na ayaw mo para makapaghanap ako ng ibang model. 'Yong may sense of professionalism na hindi pagmumukhaing tanga ang lahat ng naghihintay dito sa kanya." nakapameywang pa nitong sabi sa akin.

"It's all my fault. Ako nalang po ang pagalitan n'yo."

Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Nagulat ako sa pagsabad si Diana sa usapan.

"And who are you, Miss? Am I talking to you?"

Ang taray talaga ng baklang 'to.

"I'm Diana Mackey, her bodyguard. I'm the reason for her delays so I think it's right that I apologize for her. Dumaan pa s'ya sa office para kumbinsihin akong maging pansamantalang tagabantay n'ya since she's been threatened by a stalker. It took me some time to agree. Sorry."

"Is it true, Franki?" Nilingon ako nito ng may pagdududa.

Napatango na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan. "Kailan pa ba ako nagsinungaling sa'yo, Harv, and when did I came here late?"

"Sabagay."

Napaniwala naman n'ya agad itong baklang 'to. Buti at nandito si Dee to save me kundi hanggang matapos ang photoshoot na ito ay sige pa rin sa pagbubunganga ang baklang Harvey na 'to.

"Naniniwala na ako. Kung hindi ka lang cute 'di ko kayo pagbibigyan." Kinurot pa nito ang cheek ni Dee.

Natypan pa yata ng baklang 'to si Dee. Tss! Ano'ng akala n'ya kay Dee, barbie doll? Gago!

"Well then! Let's continue with the photoshoot. Kailangan na natin madaliin 'to since we're an hour behind." Inirapan pa ako nito.

"We will talk later, Miss Mackey." Bulong ko sa kanya. Sinadya kong masagi ng tip ng ilong ko ang punong-tenga n'ya.

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon