"Hmmm..." I heard a knock on the door kaya napabalikwas ako ng bangon. Ang aga aga pero umiinit na ang ulo ko sa inis. Alam na alam ko kung sino 'tong kung makakatok ay parang gigibain ang pinto ng kwarto.
"Sandali! And'yan na!" Nagsuot ng t-shirt at tsinelas saka may pagmamadaling binuksan ang pinto. Alam na alam ko na kapag pinatagal ko pa ang pagbubukas ay baka magsisigaw na naman ito sa labas.
"Ang aga aga mo namang nambubulabog, F. It's only 5 in the morning." Naghihikab kong bungad sa kanya.
"Good morning." Sabi nito sabay halik sa pisngi ko.
"Wala ba akong good morning kiss d'yan?" Nagpout pa talaga s'ya saka dumukwang para halikan ako sa labi. Smack lang.
Napakamot nalang ako ng batok. I feel awkward whenever she's doing this. Hindi kasi kagaya noon, wala pang malisya. Ngayon ewan ko ba, parang gusto kong gantihan din ang mga halik n'ya. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.
"Bakit ba ang aga mo ngayon ha? Nauna ka pa yatang gumising sa mga manok." Pang-aasar ko pa.
She chuckled.
Nabigla nalang ako ng bigla s'yang yumakap.
"Best, ano ba?! Maliligo na ako."
"Hmmm. Hayaan mo na muna ako." Nagsumiksik pa talaga s'ya sa kilikili ko.
Napayakap nalang din ako sa kanya. Hay! How i've missed my bestfriend. Pero... hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. Ang soft ng katawan n'ya. Ang bango n'ya. Halatang bagong paligo.
Kumalas na ako bago pa may pumasok na kung anong kademonyohan sa utak ko.
"Best, saglit lang. Maliligo muna ako. Alam kong may pupuntahan tayo kaya mo ako ginising ng maaga kaya hayaan mo muna akong mag-ayos ng sarili."
Tumawa lang s'ya saka naupo sa kama ko. "Iniiwasan mo ba ako?"
"Hindi no! Nakakahiya lang kasi sa'yo. Ikaw nakaligo na, ako amoy laway pa." Lumayo na ako sa kanya. Natetempt na naman kasi ako.
Naghanap ako ng t-shirt at pants sa bag na dala ko at akmang papasok na sa banyo.
"Huwag na 'yang t-shirt mo, Dee. Ito nalang ang isuot mo." She handed me a black t-shirt.
Nang tingnan ko ang nadrawing ay nagtaka ako. "Korting kalahating puso" ang nakaprint. When I looked at her ay napailing nalang ako. She's wearing a black t-shirt printed with the same drawing too.
Napabuntong hininga na lamang ako. "F, bakit ganito? Ayokong isuot 'to."
Ibinalik ko sa kanya ang t-shirt.
"Pumayag ka na kasi sa alok ko na subukan natin kahit ngayong magkasama lang tayo. Hayaan mo naman ang sarili mong mahalin ko kahit dito lang, kahit ilang araw lang. Kahit hanggang mahuli lang ang stalker ko. Please say yes?"
"Hindi ba sinabi ko sa'yong pag-iisipan ko? Sa'yo na 'yang shirt mo, ayoko isuot 'yan. Kung gusto mo talagang parehas tayo, magsusuot nalang ako ng black shirt. Okay na ba 'yon?" Pumasok na ako sa banyo.
Ngiting-ngiti naman s'ya ng iniwan kong nakaupo sa kama ko.
"Bakit nga ba hindi? Ano kaya kong pagbigyan ko nalang s'ya no? Total nangako naman s'yang lulubayan na ako pagkatapos ng misyon kong 'to sa kanya. I hope totohanin n'ya."
Ayoko sana s'yang bigyan ng pag-asa na hahantong pa kami lampas sa pagiging magkaibigan namin. Pero naisip ko ang lahat ng kabutihang ginawa n'ya para sa akin, sa pagdamay noong down na down ako dahil sa pagkamatay ni Trish, sa mga panahong gulong-gulo ang utak ko, s'ya lang ang naging karamay ko. Kaya marapat lang naman siguro na suklian ko 'yon ng pag-aalaga at pagmamahal. I'll just make sure na kokontrolin ko ang sarili ko na hindi mafall sa kanya at 'di bibigay sa temptation na hatid n'ya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING DIANA
RomanceDiana has a dark past which haunts her until now. She prevents herself to love again. Para sa kanya hindi na s'ya dapat magmahal at mahalin. Franki who's madly inlove with her bestfriend... her broken-hearted bestfriend. And she'll do everything to...