"What gotten into you, Dee? Bakit sinasaktan mo ako ng ganito?" Kuyom ang kamaong tanong ko habang nakatingin sa labas ng pinasukan nilang hotel.
Hindi ko rin natiis kaya sinundan ko pa sila hanggang sa makapasok 'yong sinasakyan nila sa hotel malapit lang din sa restaurant na kinainan nila.
"Hindi ka nga nagbibiro. Totoo nga yatang hindi mo talaga ako mahal." Halos madurog ang puso ko sa katotohanang may mangyayari nga talaga sa kanila sa loob mismo ng hotel na 'yon.
Nandiri ako bigla kay Dee. Ang gago n'ya! Andito naman ako na willing makipagmake love sa kanya pero inaayawan n'ya. Kesyo may respeto daw s'ya sa akin. Kesyo ayaw n'ya akong masaktan at 'di s'ya ang taong nararapat para sa akin. Tss! Kalokohan!
Pero sa ibang babae okay lang na makipaglandian at makipagsex s'ya. Pinababa ko na nga ang sarili kong pagkatao para sa kanya... ganito pa ang igaganti n'ya sa akin!
"The hell! Ano bang meron kay Jen na wala sa akin?"
Sa katangiang pisikal ay alam kong nakakalamang ako sa kanya. Pero aminado na ako ngayon na talo ako pagdating sa puso ni Dee at 'yon ang masakit na katotohanan.
Wala sa sariling naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada. Walang direksyong pupuntahan... ni ayokong umuwi kina lola. Ang sarap nalang yatang magpasagasa sa mga nagdaraang sasakyan sa kalye na 'to.
"Ano ba ang naging kasalanan ko at ginaganito mo ako, Dee!?"
Napadako ako sa isang bar habang naglalakad. Naisip ko nalang na lunurin ang sarili ko sa alak. Baka sakaling mapamanhid nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Ang tanga mo kasi, Franki! Bakit ang Diana na iyon pa ang inalayan mo ng pagmamahal mo? Ibinigay mo pa ang lahat at walang itinira sa sarili mo! May napala ka ba? Hindi ba wala? Tanga ka kasi!" paninisi ko sa sarili.
Nakailang shot na ako ng tequilla pero sa malas ay hindi yata nababawasan ang nararamdaman kong sakit. Ni hindi yata umeepekto pati alcohol sa katawan ko. Ang linaw-linaw pa rin sa isip ko ng nakita at narinig ko kanina. Ang sakit pa rin nito sa puso.
I tried to call mom or dad pero nakapatay ang mga phones nila. Halos ibato ko na ang cellphone na hawak ko dahil sa inis.
"Busy na naman! No time for Franki again. As usual. Lahat kinakaya n'yong bilhin at ibigay para sa akin. Kahit nga yata ang buong Pilipinas pa, pero ang oras at panahon n'yo na mas mahalaga 'yon pa talaga ang hindi n'yo kayang ibigay sa akin. Tss! Kawawang Franki. Mag-isa nalang palagi. Ikaw nalang sana ang makakasama ko sa buhay na 'to, Dee, pero gago ka! Pareho ka rin nila! Iniwan mo lang din akong mag-isa. 1 more shot please."
"Miss, lasing ka na. Tama na po." Hindi na ako nito binigyan ng inumin.
Sinamaan ko s'ya ng tingin saka pinalapit sa akin. Hinawakan ko ang damit na suot n'ya ng makalapit na s'ya. "Do you know me?"
"Hindi, miss." Sagot naman nito.
"But of course! No one knows me! Not a single soul! I don't even know myself! Not when I started to fall inlove with Diana! Diana who's having the best time of her life with Jen right now."
"Ma'am, tama na po. Iuuwi na kita." Sabad ng waiter na nakita ang ginawa ko sa bartender.
"I'm not drunk! Kaya ko pa! Give me some more tequilla!"
"Ma'am tara na po. Itatawag ko kayo ng taxi. Sabihin n'yo nalang po kung saan kayo umuuwi."
"I'm not going home! Damn it!" Singhal ko sa kanila.
Pero hindi sila nagpasindak sa akin. Nagmatigas ang mga ito at sa awa ay pinasakay nalang ako ng taxi pauwi.
"I don't wanna see you again, Dee! Never again!" Ang hapdi at sakit ng puso na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay 'di ko mawari kung paano pahihilumin dahil kakasimula pa lamang nitong dumugo.
BINABASA MO ANG
SEDUCING DIANA
RomansaDiana has a dark past which haunts her until now. She prevents herself to love again. Para sa kanya hindi na s'ya dapat magmahal at mahalin. Franki who's madly inlove with her bestfriend... her broken-hearted bestfriend. And she'll do everything to...