"Ang cute pala talaga namin together."
Napangiti ako habang nakatitig sa mga selfie namin ni Dee.
Ang papi talaga n'ya! Kaso hindi ko s'ya makukulit ngayon. Pinatawag kasi s'ya ng lolo n'ya kaya mag-isa lang akong pumunta sa pictorial ngayon.
"Hey!" Someone tapped my shoulder.
"Terrence? Hello!"
"Parang sad ka yata? Nasaan ang bantay mo?"
Ngumiti s'ya.
Gwapo din talaga s'ya. Matangkad, nasa 6'1 siguro. Medyo malaki ang katawan niya. Maganda ang mga ngiti n'ya, parang sa toothpaste commercial pero mas cute 'yong smile ng Diana ko kasi abot hanggang mata kapag ngumingiti 'yon. Mabango s'ya pero iyong Diana ko kahit 'di pa naliligo natural na mabango na talaga 'yon.
"Napatulala ka na d'yan ah. Ang gwapo ko ba talaga?" He grinned.
"Ha? Ah wala. May iniisip lang ako." Ang presko naman n'ya.
"Can I invite you for lunch after this shoot?"
"Sorry, Terrence, susunduin kasi ako ni Dee eh."
Mahirap ng magkasala ako. Crush ko nga s'ya pero ayokong magkasala kay Diana. Ayaw ko na masaktan pa s'ya. Tsaka mahirap bumawi kasi mahirap magluto. Hotdog pa nga lang hirap na hirap na ako, ano pa kaya kung talagang iyong totoong ulam na.
"Tsk! Pinagbawalan ka n'ya no?" Napailing ito. Nadisappoint siguro kasi akala n'ya sasama ulit ako sa kanyang lumabas ng ganoon ganoon nalang.
"Hindi naman, Terrence. Talagang may pupuntahan lang kami after this."
He shrugged his shoulders. "Okay. Wala naman akong magagawa sa bagay na 'yan. Next time then?"
Tumango na lang ako para matapos na ang usapang 'to.
***
Nagsimula ang shoot na solo shots lang ang kinukuha sa amin.It was fun. Kasi summer dress lang ang suot. Not too much skin exposed kaya safe ako ngayon sa mga mata ng mga kalalakihang nandito sa set.
"Now, magkasama na kayo sa next shots." Sabi ng director namin.
"Huh?" Did I just saw Terrence grin? Ano naman kaya ang iniisip ng isang iyon?
When I looked at him again nagtama ang paningin namin and he winked at me.
Hay! Naku naman oh! Kung kailan wala si Dee doon pa umeksina itong Terrence na 'to.
[Terrence Angelo's POV]
Ang tapang ng gonggong na 'yon para kalabanin ako. Hindi n'ya alam kung sino ang binabangga n'ya. Lahat nakukuha ko dahil ako si Terrence Angelo Zamaniego.
"Mapapasaakin ka rin, Franki Russell."
Napangisi ako ng sabihin ni direk na magkakasama na kami sa pictorial after ng individual shots namin.
"Walang makakatanggi sa akin kahit na sino, Franki."
I wink when I saw her look my way. Agad naman itong nagbawi ng tingin.
"Cute talaga." Mas lalo tuloy akong napangisi.
"Ready guys." Pumalakpak na si direk kaya kailangan na naming pumunta sa set.
"Okay. Let's start. Ready? Now pose as a sweet couple."
Nice! Maidadantay na rin ang mga kamay ko sa katawan n'ya.
Inakbayan ko s'ya at hinila pasandal sa katawan ko.
Parang napapasong umatras sya mula sa akin. Siguradong naramdaman niya ang init ng katawan ko na kanina pa nag-iinit sa kanya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING DIANA
RomanceDiana has a dark past which haunts her until now. She prevents herself to love again. Para sa kanya hindi na s'ya dapat magmahal at mahalin. Franki who's madly inlove with her bestfriend... her broken-hearted bestfriend. And she'll do everything to...