Chapter 12

1.3K 29 0
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas simula ng may natanggap na regalo at mga sulat si Franki. Hindi ko na ipinaalam pa sa kanya ang tungkol sa mga sulat sa condo niya. Ayaw kong mag-alala pa s'ya lalo.

Araw-araw ko ring tinawagan si Thadz para alamin kung may mga bagong updates sila patungkol sa kasong 'to. Pero bigo pa rin silang makahanap ng bagong lead kasi 'di na nagpadala pa ng sulat o regalo ang stalker ni F.

"Wish it will always be like this. 'Yong lagi ka lang nakangiti, F. 'Yong lagi ka lang masaya. Hay! Matapos na sana 'tong problemang 'to." Nakatanaw ako kay Franki at kay lola na nag-aayos ng mga halaman sa may garden. Tinuturuan ito ni lola na magtanim ng orkedyas.

Nakakatuwa talagang pagmasdan na ang mga mahal mo sa buhay ay nagkakasundo.

Nagring ang cellphone ko pero ng makita kong unknown number ang tumatawag ay ipinagwalang bahala ko na lamang ito at ibinalik sa bulsa ko ang phone.

Makailang beses pa itong tumawag hanggang sinagot ko nalang ito.

"Hello? Who's this?"

Narinig ko lamang itong tumawa ng pagkalakas lakas sa kabilang linya.

Biglang uminit ang ulo ko dahil doon. "Sino ka ba? Bakit ka ba tawag ng tawag ha? Tapos tatawa ka lang? Nang-aasar ka ba? Kung wala kang sasabihin ibababa ko na 'to. Bwisit!"

"Did you miss me, my girl?"

Natigilan ako. Ang boses na 'yon.

Syempre naman. Tandang-tanda ko kung sino s'ya. Hindi ko makakalimutan ang tinig ng gagong ito. Makailang beses na namin s'yang nahuli sa mga buy bust operations namin. Isang tanyag na drug dealer ang taong ito... si Leandro Labrador.

"Ano'ng kailangan mo, Labrador?"

Hindi na ako magtataka kung paanong nakalabas na naman ng kulungan ang gagong ito. Bukod sa mapera ay maimpluwensya at maraming koneksyon ang animal. Kaya kahit ilang beses na naming nahuhuli ay madali lamang itong nakakalabas ng kulungan.

"Baka ikaw ang may kailangan sa akin, Agent Diana Mackey."

"Wala akong kakailanganin sa'yo kailanman, Labrador. 'Di ko kailanganin ang trapong katulad mo!" May diin kong sabi sa kanya.

"Hmmm! Talaga lang ha? Tingnan natin. Bweno, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Mackey. Sampu sa mga bata ko ang napatay mo 3 years ago. Sa kasamaang palad kabilang sa mga napatay mong animal ka ay ang mga anak ko."

Tama s'ya. Huli na ng malaman kong ang dalawa sa sampung napatay sa drug bust 3 years ago ay mga anak ni Leandro Labrador.

"Ikaw ang pumatay sa sarili mong mga anak, Labrador. Ikaw ang nagpahamak sa kanila."

"Hindi, Mackey. Ikaw ang bumaril sa mga anak ko!Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko."

"Ikaw ang nagpasok sa kanila sa mundo mo, Labrador! Ikaw ang nagturo sa kanilang magbenta ng bawal na gamot, kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit ko sila binaril. Ginawa ko lang ang nararapat. Ginawa ko lang naman ang trabaho ko!"

"Gagawin ko rin ang nararapat, Mackey. Papasakitan din kita gaya ng ginawa mo sa akin noon. Hindi pa sapat na nagdusa ka sa pagkamatay ng isa. Gagawin kong dalawa ang ipagluluksa mo!" Galit na sigaw nito sa kabilang linya.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Hayop ka! Ikaw ang pumatay kay Trisha?"

Tumawa lang s'ya kabilang linya.

Napatiim bagang ako kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko. Hindi ko naisip na may malaking tao pala na nasa likod ng pagkamatay ng girlfriend ko. Akala ko mga hayok sa laman lamang at nakatira ng shabu ang gumahasa kay Trisha.

Kampante na akong naipakulong ko sila. Pero heto't sumabog na parang bulkan sa pandinig ko ang katotohanan.

"Hayop ka, Labrador! Hinding hindi kita mapapatawad! Hahanapin kita saan ka mang parte ng daigdig naroroon!"

"Go! Go on and find me! Papaalalahanan lang kita, Mackey. Bantayan mong mabuti 'yang girlfriend mo. Kung hindi? Alam mo na ang mangyayari. Ako ang yayari d'yan!" Tumawa itong parang demonyo.

"Hayop ka! Ako nalang ang patayin mo! 'Wag na si Franki. Tayo ang magtuos, Labrador, 'wag ang mga mahal ko sa buhay na walang kalaban-laban at walang kasalanan ang gagantihan mo."

"Marapat lang sa'yo 'yan, Mackey. Para maramdaman mo rin ang sakit na idinulot mo sa akin noon!"

"Hayop ka! 'Wag si Franki!"

"See you so soon, Agent Mackey." Natatawang pinatay na nito ang cellphone.

"Hello? Hello!" Pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.

Unattended na ang number ng tawagan ko ulit. Kuyom ang kamaong napatitig nalang ako sa kawalan.

"Hayo ka, Labrador! Hayop ka! Masahol ka pa sa aso!"

Napaupo ako sa may hagdan. "Ano ang dapat kong gawin?" Ako pala ang dahilan kung kaya't may nagtatangka sa buhay ni Franki. Hindi pala ang trabaho n'ya, kundi ang trabaho ko, ang magpapahamak sa kanya.

Ayaw yata talaga ng pagkakataon at tadhana na magmahal pa ako ulit.

"Tulungan mo naman ako, Trish. Ano ba dapat ang gagawin ko? Dapat ko na bang sukuan si Franki para lubayan na s'ya ni Labrador? O hahayaan ko s'yang andito lang sa tabi ko para mabantayan ko s'ya ng hindi s'ya mapahamak sa mga kamay ng hayop na 'yon?" Gulong gulo na ang isip ko. 'Di ko na alam kung ano ang iisipin at gagawin ko.

Biglang ulit nagring ang cellphone ko. Si Thadz.

"Hello."

"Partner, kamusta d'yan? May umaali-aligid pa ba?"

"Wala na akong nakikitang nagmamanman, Thadz. Pero may tumawag sa akin. Si Leandro Labrador."

"Shit! Bakit daw? Delikado ang taong yan, Dee! 'Wag kang makipag-usap d'yan."

"Thadz, s'ya ang nag-utos na patayin si Trisha."

Matagal bago nakasagot si Thadz.

"H-hindi nga? Totoo ba, bru?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.

"Oo, Thadz, at si Franki ang next target n'ya ngayon."

"Fuck! Anong gagawin mo ngayon, Dee?"

"Babantayan lang muna si Franki. Pero hindi na sapat ito ngayon lalo at nagpakilala na si Labrador. Kilala mo 'yon. Gagawa na s'ya ng marahas na hakbang ngayon."

"Magpapadala ako ng marami pang back up, bru. Hindi namin kayo pababayaan."

"Salamat, Thadz. Malaking bagay na andyan kayo para sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Naguguluhan na ako."

"Hmmm... sa ngayon hanggang pagbabantay palang ang magagawa namin para sa inyo. Hindi namin pwedeng sugurin si Labrador ng walang warrant. Ni wala pa tayong sapat na ebidensya para idiin s'ya sa kasong 'to. Pero maaasahan mong pabubuksan ko ulit ang kaso ni Trisha. Paaaminin namin 'yong mga nahuli natin para ituro ang mastermind nilang walang iba kundi si Labrador."

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon