Chapter 43

932 39 7
                                    

[Franki's POV]

I know she is lost. I need to understand her. I have to be patient. Pero ang sakit na.

I can feel her love even if she haven't realized she have done it.

She said she's trying to protect me kasi ayaw n'yang mapunta ako sa ibang lalaki at may maghihintay na Franki sa pagbabalik ng ama ng anak ko.

You know what that means for me? Pag-asa.

That feeling that you don't know where to get that strength para ipaglaban ang pag-ibig mong sinusubok ng panahon at pagkakataon? Yet she's there. Unconsciously letting me feel i'm still loved by her.

Tumalikod ako sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko.

I was torn between telling her the truth and not saying anything at all.

They say the truth will set you free pero paano kung ito rin ang maglalayo sa kanya from me? Paano kung hindi n'ya matanggap ang katotohanan?

Ang tagal ko ng sinasaktan ang sarili ko. Hindi ko naman ginusto na maging ganito kami 'di ba?
Hindi ko naman kasalanang makalimutan n'ya ang tungkol sa nakaraan namin.

Paano ko aayusin ang isang bagay kung takot ako?

I need to do this now. Pagod na akong magtago sa kanya.

***
I get dressed at pumasok ulit ako sa kwarto n'ya.

"Dee, may kailangan tayong puntahan." She looked up habang nakakunot ang noo.

"Hapon na, F. Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang natin 'to?"

Umiling ako. I need to tell her everything now, kung hindi, baka maduwag na naman ako.

"Ngayon na, Dee. This can't wait." Tinalikuran ko na s'ya.

I waited for her sa parking lot.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Takang tanong n'ya habang kinakabit ang sariling seatbelt.

"Golden Havens." Sabi ko lang at tahimik na akong nagdrive.

Nakatingin lang s'ya sa akin na wari'y maraming gustong itanong pero tahimik lang na naupo sa tabi ko at tumingin sa malayo.

[Diana's POV]

Ano ba ang iniisip ng babaeng ito? Hapon na at umaambon pa pero heto kami at bumabyahe patungong Golden Havens daw.

Nakakapagtaka. Golden Havens? Pamilyar.

Nag isip ako saglit at kunot-noong napatitig kay Franki. Seryoso itong nagmamaneho. Halatang ilag dahil hindi manlang ako nito sinulyapan kahit saglit.

Anong gagawin namin sa Golden Havens? Na sa pagkakaalam ko at pagkakatanda ko ay isang sementeryo sa may dakong Las Pinas.

"Franki?" Untag ko sa kanya.

I'm curious as a cat. Malayo pa kami sa Las Pinas pero ang utak ko punong-puno na ng katanungang hindi ko mawari kung saan huhugutin ang kasagutan.

"Hmmm?" Sagot lang nito sa akin habang nananatiling nakapako ang paningin sa daanan.

"Anong gagawin natin sa isang sementeryo? Bakit sa Las Pinas pa? At bakit sa ganitong oras at panahon pa? Anong meron doon?"

"I can't answer you at this moment, Dee. Maski ako ay napipilitan lang pumunta sa lugar na 'yon. Its now or never. Pagod na ako."

Lalong nangunot ang noo ko sa sagot n'ya. Hindi ko talaga maintindihan. Nanahimik nalang ako pero pilit kong hinahalukay sa isip ko kung sino ang pupuntahan namin doon.

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon