Chapter 37

952 33 9
                                    

[Dino's POV]

I fitch Franki... a usual routine this past months.

Nakita ko na s'yang bumababa sa hagdan papunta sa akin after some minutes of waiting. Sobrang payat na n'ya. Parang hindi na yata ito kumakain ah.

Her pretty face was written with sadness all over it. Nakakaawa. Pero wala akong magagawa. Hindi ako ang minahal n'ya eh. I offered her a wedding pero as usual she said no again.

Ano bang meron sa Diana na iyon at hindi n'ya magawang kalimutan?

"Ready?" I asked her.

Tumango naman s'ya. Tumayo na ako at inalalayan s'ya palabas ng bahay nila.

I handed her a dozen white roses.

"Thank you for being such a nice friend, Dino."

I smiled. "I'm glad you appreciated." Pinagbuksan ko s'ya ng pinto ng kotse saka lumigid sa driver's side.

She smiled back and looked out the window as we travelled to our destination.

***
She sat down on a chair as I put the white roses on the vase.

"Hi, love. I miss you so much. I longed for you, Dee." She said as she began to sob.

"You know what, love? That potted plant you gave me already flowered. Ang ganda na n'ya. If flowers were female I would say na ang ganda nila just like you are."

"Hay! Kahit kailan nakakasuka talaga ang pag-ibig. 'Di na nga sumasagot kinakausap pa rin." Napailing na lang ako sa isiping 'yon.

"That's right, miss. Dapat kinakausap lagi ang pasyente ng ganyan." Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Ang doktor pala ni Diana.

"Doc, kamusta na s'ya?" Tanong ni Franki while holding Diana's hand.

"Okay naman ang vital signs n'ya. Her body is responding well to her medicines. Naghilum na rin ang mga sugat n'ya sa iba't ibang parte ng katawan n'ya."

"Pero bakit magpahanggang ngayon hindi pa s'ya gising, Doc?" I asked.

Halos dalawang buwan na kaming pabalik-balik ni Franki sa hospital na ito at ganoon na rin katagal na commatose si Diana.

"We are doing what we can, sir. Lahat ng technologies at medicines na makakatulong sa paggising at paggaling n'ya ay binibigay namin. All you need to do is pray. At kausapin mo s'ya araw araw just like what you're doing, hija."

Franki nod and kissed Diana's hand. She really love her that much.

"Kahit kailan wala talaga akong panama sa'yo, Diana. Gising o comatose hindi ko talaga maagaw si Franki sa'yo."

[Franki's POV]

"Love, gumising ka na naman na oh. Miss na miss na kita."

Nakahawak lang ako sa mga kamay n'ya habang tinititigan s'ya. Wala pa rin s'yang malay hanggang ngayon.

Ginagawa naman ng mga doctor ang lahat pero wala pa rin. Nananatili lang s'yang mahimbing sa mahabang pagkakatulog.

"Love, please naman oh. Alam kong matapang ka. Sobrang tapang mo na alam kong malalampasan mo rin ang bangungunot kung saan ka man naroroon sa ngayon."

Sobrang mahal ko si Dee na magsistay ako kahit abutin pa ng habambuhay na ganito lang kami. Kahit manatili pa s'yang tulog ng matagal na panahon, aalagaan ko s'ya hanggang magising s'ya.

Marami akong sinayang na pagkakataon. Mga araw na inaaway ko s'ya kahit wala naman talaga s'yang kasalanan. Mga tampuhang araw pa ang aabutin bago maayos. Aminado naman akong naging pasaway. Nagkaroon ng pangamba. Naisuong ko pa s'ya sa panganib pero heto't s'ya at walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang ako ng lubusan.

She is one of a kind. A caring and loving bestfriend/girlfriend. Tama nga sila. Wala ng iba pang gaya n'ya sa mundo. Nag-iisa lang s'ya.

"Love, naman eh. Gumising ka na naman oh. Sige ka hindi mo na ako matitikman pa." Napailing na nangingiti na lang ako sa sinabi ko. Bribing a comatose person with this kind of joke.

Pero nagulat ako ng pagtingin ko sa kanya ay nakadilat na ang mga mata n'ya.

"Love? Dee? Gising ka na? Totoo ba'to? Nurse! Doc! Gising na s'ya." Halos lumundag sa tuwa ang puso ko.

I pinch myself. Totoo nga. Nakadilat na s'ya. Totoong gising na nga s'ya. Nakangiti habang sinasagot ang mga tanong ng sumusuring doctor sa kanya.

"Hija, totoong gising na nga s'ya. But we still have to conduct a series of test para masigurado na okay na talaga s'ya. Please excuse me. I will inform Don Eduardo that his granddaughter has waken up." Nakangiting sabi ng doctor at lumabas na ng kwarto.

Nilapitan ko s'ya. Nakangiti s'yang nakatingin sa akin. 'Yong ngiting masayang-masaya.

"Hi, bestfriend. Bakit ikaw ang nandito?" Nakangiti s'ya pero maya-maya ay napakunot ang noo n'ya. Nagpalinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.

Did she just call me bestfriend? BESTFRIEND? Naguluhan ako. Bakit? Ano'ng nangyari sa kanya?

"Nasaan si Trisha? 'Di ba s'ya dapat ang nandito? Hmmm... Nagpapamiss na naman siguro 'yon." Nakangiti nitong sabi. "Anyway, thank you for being here with me, best."

Ako itong nauupos na napaupo sa katabing silya.

"Best? Bakit? 'Di ka ba masaya na okay na ako?" Nakangiti nitong tanong sa akin.

"Masaya ako, Dee. Masayang-masaya ako."

Masaya ako na gising na s'ya pero hindi yata magiging madali ang muli n'yang paggising.

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon