"Good morning, love. Breakfast in bed."
Ang mabangong amoy ng favorite kong chicken adobo ang gumising sa akin plus mga halik sa pisngi, sa noo at sa labi.
"Hmmm. Antok pa ako, Dee. Just put it on the bedside table."
She didnt answer. Disappointed siguro s'ya dahil lagi nalang akong ganito.
Ayoko kasing masanay na pinagsisilbihan n'ya. Mahirap na at baka hanap-hanapin ko sakaling makahanap s'ya ng taong willing magpakasal sa kanya. I mean Dee is good looking. Mapababae o mapalalaki naaattract sa kanya. Hindi mahirap para sa kanya ang maghanap ng iba.
"Love, bakit ka ba laging ganyan? Hindi mo ba gustong pinagsisilbihan kita?"
Bumuntong-hininga s'ya saka umupo sa gilid ng kama.
Napamulat ako ng mata saka umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama malapit sa kanya.
"Okay lang naman, love, pero ayokong masanay at baka balang-araw kapag iniwan mo na ako dahil sa kaartehan ko at sa pagtanggi sa inaalok mong kasal ay hanap-hanapin ko ang pag-aalaga mo na magiging dahilan na naman ng pagkadepress ko ulit. Ayoko nang mangyari ulit 'yon, Dee."
"Love, as i've said, i'm willing to wait. Hindi naman kita kinukulit 'di ba? I'm not even asking you to marry me, now. Napag-usapan lang natin 'yan dati. Alam mong ready na akong magpakasal sa'yo pero dahil hindi ka pa ready, maghihintay ako kahit gaano pa katagal."
Nakayuko s'ya at napakuyom ng kamao.
"Dee, aminin man natin at hindi, napapagod talaga ang tao. Mapapagod at mapapagod ka rin. Hindi ko binabaliwala ang idea na kapag napagod ka na ay kusa ka na lang lalayo at iiwan mo rin ako."
"That's nonsense thinking, F! Is my assurance not enough para paniwalaan mo ako? Mahal mo ba talaga ako, Franki?"
"Of course, love. I love you. Alam mo naman 'yon 'di ba? Ayaw kitang mawala sa buhay ko, Dee."
"'Yon naman pala eh. Bakit parang pakiramdam ko, you are pushing me away?"
"No, Dee. Please understand. I'm choosing my career over anything else. And i've already open up about that to you. Ayokong umasa ka sa akin, Dee. Mahal kita and I want you to be happy. If getting married is what will make you happy, pasensya na pero hindi ko pa talaga kayang ibigay. Kaya if may makita kang tao na magpapatibok ng puso mo at willing magpakasal sa'yo then I will set you free. Mahal kita kaya papakawalan kita para lumigaya ka."
"That's bullshit, Franki! D'yan ka na nga!"
Tinalikuran na ako nito at pabalibag na isinarado ang pinto.
"Sorry, Dee. Sorry." Sobrang takot na kasi akong masaktan. Takot na rin akong magtiwala ng buong puso.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatanaw sa nakasaradong pintuan.
My phone rang.
"Hello, Cholo? What's up? Ang aga mo naman yatang tumawag? May problema ba? I ask my handler.
Alam kong importante ang sasabihin n'ya para tumawag ng ganito kaaga.
"Guess what? You'll have another project coming so soon, Franki. It's with Terrence Angelo Zamaniego."
"The who?" Nanlaki ang mga mata ko.
Did I hear it right? Si Terrence ang magiging partner ko for my next shoot? 'Yong crush kong model/actor. Hindi lang s'ya gwapo at macho. Isa din s'yang fast-rising star.
Ang gwapo n'ya lalo na kapag nakangiti. Terrence Angelo is a Tazmanian devil.. A badboy in the modelling world.
Maraming model kagaya ko ang nag-aaspire na makasama s'ya sa isang project.
I grinned. Maybe luck is on me. I'm working with my crush in a project. I'm excited... super excited.
[Diana's POV]
Rinig ko ang tawa ni Franki habang kausap n'ya sa phone si Cholo, ang handler n'ya.
Mabuti pa kay Cholo, tumatawa s'ya. This past few days parang sobrang nag iba na si Franki. Hindi na s'ya ang Franki na nakilala ko noon. 'Yong tatawa lang with me. 'Yong Franki na makikipagkulitan at makikipag-asaran sa akin. Ngayon parang baliwala na ako sa kanya.
Nasasakal ko na ba s'ya? Naiinis na ba s'ya sa presence ko? Or have I been too vocal about me wanting to marry her?
Napagod na yata s'yang mahalin ako. I mean I can still feel that she love me pero may hesitation na. Parang laging may takot.
I don't know what to do now. Kung ako ang tatanungin hinding-hindi ako mapapagod na mahalin, alagaan at pagsilbihan s'ya. She's my baby. Kahit walang kasal sigurong maganap okay na sa akin. Okay lang sa akin, makasama ko lang s'ya.
"Hay!" Mapabuntong hininga nalang ako.
The thing is... dati konting tampuhan lang inaayos na namin agad. Kung ako ang may kasalanan ako ang unang naglalambing. Kapag s'ya naman ay s'ya rin ang aayos ng gusot namin. Pero ngayon... parang wala lang. Masaya pa s'yang nakikipag-usap kay Cholo.
I've heard na may bago s'yang project with guy named Terrence kung tama nga ang dinig ko.
Parang kinurot ang puso ko when she giggled. May mali yata. Is she really inlove with me or nachallenge lang s'ya because i'm sad and she wanted me to be happy? Tapos inisip na n'ya na love na iyon pero hindi pala. Awa lang talaga siguro ang naramdaman n'ya para sa akin.
Ang sarap ng tawa n'ya at halatang kinikilig pa sa lalaking 'yon. May karapatan naman akong magselos 'di ba? Kinikilig kasi ang girlfriend ko. Okay lang sana kahit kinikilig s'ya pero kinikilig s'ya hindi sa akin kundi sa ibang lalaki.
Parang ang sarap manapak ngayon. Nasasaktan ako. Ang sarap magwala.
I did everything for her. Iyon bang halos ibuwis ko na ang buhay ko just to make her safe.
'Yong tiisin ko ang lahat ng hirap para lamang manatiling maayos s'ya at makasama sa tamang panahon.Nagawa ko nga'ng saktan s'ya, aaminin ko pero para lang din naman 'yon sa kaligtasan n'ya.
Tama lang naman 'yon 'di ba?Nawala iyong tiwala n'ya sa akin. But that was because I need to do that sacrifice. Hindi ko s'ya sinaktan dahil gusto ko lang. Kinailangan kong gawin iyon. Minarapat kong gawin lahat 'yon...para sa kanya. Para maprotektahan s'ya.
Wala akong mapagbalingan ng galit ko kundi itong pader na nasa harap ko.
Pinagsusuntok ko ito hanggang sa makaramdam ako ng konting ginhawa sa nararamdaman kong galit at pagkainis. Pero hindi yata't tinutupok na ng galit ang buo kong pagkatao.
***
"I need to go to the Label. I'm signing a contract with Mr. Zamaniego." Lumabas s'ya ng kwarto n'yang nakabihis na.Ako itong nauupos na sa galit at nakaupo lang, nakasandal sa gilid sa pader ng kwarto n'ya.
She just looked at me and saw my bleeding hand.
"Dito ka nalang muna. I will go on my own."
Tapos tinalikuran na n'ya ako na parang wala bang walang nakita. Wala manlang pag-aalala kahit konti sa kalagayan ko.
She wasn't the same Franki anymore, that Franki that I know would come rushing to me. Hold my hand and ask what's wrong. That Franki that will clean my wound and put some medicine into it.
Pero itong Franki na 'to parang tood.
Tumayo ako at sumunod sa may pinto. Tinitigan ko lang s'ya mula sa loob. I saw her enter her car, smiling.
And me? Halos magwala na sa inis at galit.
BINABASA MO ANG
SEDUCING DIANA
RomanceDiana has a dark past which haunts her until now. She prevents herself to love again. Para sa kanya hindi na s'ya dapat magmahal at mahalin. Franki who's madly inlove with her bestfriend... her broken-hearted bestfriend. And she'll do everything to...