Chapter 39

825 27 0
                                    

Tatlong magkakaibang pregnancy test kit ang nasa harap ko. Tatlo din ang nagsabing positive. Confirmed, buntis nga ako.

Napaupo na lang ako sa kama habang tinititigan ang mga ito.

Parang ang wrong timing lang. I mean we wished for it. Diana and I. We made this together. We decided on this IVF together. Ginusto namin ito pareho pero heto't hindi ko masabi-sabing sa aming dalawa itong dinadala ko.

Iyong feeling kasi na katabi ko lang ang partner ko sa pagbuo ng batang 'to... na nasa harap ko lang s'ya pero hindi ko masabing "Baby, i'm pregnant. We are having a baby" 'yong ganoon. Excitement and happiness, ang dapat sanang nararamdaman ko ngayon.

Iyong moment na dapat ang saya-saya ko at dapat na luha ng kaligayahan ang papatak sa mga mata ko, pero hindi, kundi luha ng kalungkutan at kahungkagan. Frustration and sadness ang nararamdaman ko sa ngayon.

"Best, hindi makakatulong ang pag-iyak mong 'yan. Makakasama 'yan sa dinadala mo." She hugged me.

She stroke my hair and then my back. Wala man s'yang maalala, hindi man n'ya maalala na naging kami pero ang pagiging maalaga n'ya at pagmamahal sa akin ay hindi nagbago. Hindi nawala. Alam kong nararamdaman din n'yang mahal n'ya ako pero akala n'ya pagmamahal pangkaibigan lang ito.

I hugged her even tighter.

"Love, kung alam mo lang. Sa atin ang batang dinadala kong ito. Ikaw ang partner ko dito, Dee. Ikaw." naisaisip ko na lang habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Dee, ano'ng problema?"

Napabitaw kaming bigla ng may magsalita mula sa may pintuan. Si Thadz pala. Bakit kaya s'ya nandito?

"Thadz, i'm glad you're here. I need to go to the office. Mapilit kasi si Lolo. He told me that before the accident happen I am already on training. Itrinansfer na pala n'ya sa akin ang company?"

Tumango-tango na lang kami. That's what her lolo requested. Na sabihin namin na talagang tinanggap na n'ya ang pagiging presidente ng kompanya nito. Iyon naman kasi talaga ang napag-usapan namin bago ang aksidente.

"Franki, I need to go na muna ha? May gusto ka bang kainin? Ibibili kita pagbalik ko." She touched my cheek and dry my tears using her hands.

"Wala akong ibang gusto, Dee, kundi ang bumalik ka na sa akin. 'Yon lang." Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero alam kong magiging komplekado lang ang lahat kaya umiling-iling na lang ako.

"Just be safe, Dee." She smiled and kiss my forehead.

"I'm going. Hindi rin ako magtatagal. Thadz, ikaw na muna ang bahala sa kanya ha? Alagaan mo muna 'yang bestfriend ko."

Tumango naman si Thadz habang nakasandal sa pader ng kwarto ko.

"Buntis 'yan, kaya doble alaga. And by the way hanapin natin pagbalik ko ang ama n'yang dinadala n'ya. Ayaw n'ya kasing sabihin kung sino."

Halatang nagulat si Thadz at napatingin sa akin na wari'y ang daming gustong itanong.

Tinapik nito si Thadz sa balikat at lumabas na ng kwarto.

Narinig nalang namin ang tunog ng kotse n'yang papalayo.

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo, ma'am?"

Naupo ito sa silyang katabi ng kama ko.

"Thadz, iniisip ko lang ang pwedeng maging epekto nito sa kanya. Kapag sinabi ko ang katotohanan tungkol sa aming dalawa gugulo lang ang lahat. Magtatanong s'ya kung ano ang nangyari kay Trisha. Kapag nalaman n'yang namatay ito, I think we'll see the same Diana noon. 'Yon bang halos tulala nalang sa araw-araw. Laging aburido at mainit ang ulo. Ayokong mangyari 'yon."

Napabuntong hininga na lang ito.

"Kung bakit kasi ngayon pa 'to nangyari. Kung kailan masaya na sana kayo. Ano na ang plano mo ngayon, ma'am?"

Nagkibit-balikat lang ako. "Ewan ko, Thadz. Siguro hihintayin ko nalang na bumalik ang memorya n'ya."

"Gano'n nalang ba 'yon, ma'am? Wala manlang ba kayong gagawin?"

Napaisip ako. Dapat ba talagang magmukmok nalang ako sa isang sulok at umiyak? O gagawin ko lahat para bumalik si Diana sa akin? Dapat kong ipaglaban ang pag ibig ko. Ako nalang ang maaasahan ng baby namin ni Dee para maibalik s'ya sa amin.

Dalawa lang naman ang option ko. Ang maging malungkot o ang sumaya sa piling ni Dee. And i'm choosing what will make me happy.

"I will make her fall for me over again, Thadz." He smiled.

"That's the spirit, ma'am. Goodluck." Hinampas ko nga ng unan. "Aray bakit na naman?"

"Kanina ka pa ma'am ng ma'am eh. Thadz naman. Franki kaya itawag mo sa akin. May pangalan naman ako ah."

Napakamot nalang ito ng ulo sabay tawa. Hay! Mabuti nalang may isang Tadeo na handang umalalay sa amin ni Diana. He is really a friend.

[Diana's POV]

Nababaghan na talaga ako nararamdaman kong ito.
Bakit parang hindi lang awa ang nararamdaman ko towards Franki? Parang I have this guilt feeling towards her pregnancy. Bakit kaya?

Ipinilig ko nalang ang ulo sa isiping 'yon. Maybe it's just because I care for her that much. Bestfriend ko kasi s'ya.

I stopped at a nearby gasoline station para magpakarga.

"Good morning, ma'am Diana." Bati ng pump boy sa akin.

Huh? Kilala n'ya ako? Parang hindi ko naman s'ya natatandaan. Hmmm...

"Good morning. Pafull tank ako, boy." Tinanguan na lang ako nito matapos kong iabot ang susi ng tanke. Nagsign na okay na after mafulltank at inabot ko na ang bayad.

"Thank you, ma'am. Sa uulitin po. Himala po na hindi n'yo kasama si ma'am Franki ngayon?"

Napakunot ang noo ko. Dapat ba kasama ko si Franki lagi? Bakit naman kami magkasama lagi kung gano'n? Hay! Napapakamot nalang ako sa ulo.

"Masama ang pakiramdam eh. Sige, boy. Salamat ah."

Saglit akong nagpark sa may gilid at chineck ko ang phone ko. Nalimutan ko na ang lahat pero same pa rin ang pinagtataguan ko ng private phone ko magpahanggang ngayon. Ngayon ko lang ulit to bubuksan after ng aksidente.

Nagulat ako ng pagbukas ko ng phone, picture namin ni Franki ang tumambad. Dati naman picture namin ni Trisha ang nandito.

Tapos 'yong mga incoming and outgoing calls kay Franki na rin na number. Ganito na ba talaga kami ka close ngayon? Tsk! Hayaan na nga.

I drive to lolo's office. Baka mapagalitan pa ako ng matandang 'yon at baka kanina pa naghihintay.

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon