Chapter 15

1.2K 50 10
                                    

"Bye, Dee."

Tumalikod ako kay Diana. Sa pagtalikod kong 'to ay sinigurado kong hindi na ako babalik pa.

Hindi naman ako martir kagaya ng iba. Tama ng sinubukan kong ayusin ang kung ano mang meron kami. Tama na ang pagpapakatanga ko dahil sa pag-ibig kong ito sa kanya.

Paano ako lalaban kung 'yong mismong taong ipinaglalaban ko ang s'ya na mismong tataboy at tatalikod sa akin?

Naisip ko ang stalker ko. Ang taong sabi ni Dee na gustong pumatay sa akin. Funny pero gusto kong hanapin s'ya ngayon. Magpakita mismo sa harapan n'ya at hahayaan ko s'yang patayin n'ya ako ng hindi lumalaban. Kahit magmakaawa pa ako sigurong patayin n'ya ako ay gagawin ko. Mas gusto ko nalang yatang mamatay ngayon.

My phone rang.

Sana si Diana ang tumatawag. Kapag siya ang tumatawag at pinababalik n'ya ako meaning n'on ay biro lang ang lahat ng nangyari ngayong araw.
Gusto parin siguro n'yang makipagbalikan sa akin at kalimutan ang lahat.

But when I looked at the screen it's my mom who's calling me.

"Fuck! Pinapaasa ko nalang talaga ang sarili ko." Tumawa ako. "I can't believe it! Nababaliw na talaga ako dahil sa Diana na 'yon."

"Hey mom! Wachup?" I answered her call.

"Baby, are you drunk?"

"Nah! Of course not, mom. I was just having fun."

"What gotten into you, hija? Diana called me. Did you really left her lola's house?"

She called my mommy and not me. "Pathetic!"

Shit lang! Why does she has to care? S'ya ang dapat umayos nito dahil s'ya naman ang nananakit sa akin.

"Yes, mom. I think that's the right thing to do. I'm staying away from pain."

"Are you driving now? Please stop the car. You're drunk! Hindi ka dapat nagmamaneho. Stop drinking too, please. Let's talk okay. Ano ba ang problema, baby?"

"Problema? Wala mom! Wala. I'm totally fine! You heard me? I'm fine!"

"Franki, mommy mo ako. You can lie to anybody else but not to me."

I started sobbing. "Mom, I wanna die! I wanna go to hell!"

"No. No! Please don't do that baby. Hintayin mo ako please. Susunduin kita. Don't do anything stupid. Please."

"Can't promise!"

"Calm down, Franki. Please! I'm here, baby. Andito si mommy para sa'yo ha? Hintayin mo ako. Pupuntahan kita d'yan ngayon din. Baby, please listen to me. Stop the car. Magpahinga ka saglit. Pag-usapan natin 'to lahat pagdating ko d'yan mamaya. Please."

I stopped by the road coz my sight became blurry with tears mixed with dizziness and too much emotions. "I was calling you earlier. You and dad! But you were out of reach. Always out of reach!" Singhal ko sa kanya.

"Franki, anak, alam mo namang kailangan lang naming magtrabaho ng daddy mo para sa future mo."

Tumawa ako ng mapakla. "The hell with that fucking future! Future what? I'm not going to the future! You know what, mom? I'll stop by here. I'll end this life now and i'm not getting into that damn future you are talking about!"

"Anak, please calm down. You're just drunk. Aayusin natin 'to, anak. Calm down. I'll bring you home. Please wait for me."

"Now you're begging me. And you expect me to give in? But what about me? I begged for Diana's love. I begged for her to stay and patch things up but she said no. I would have to say no, too, mom!"

"Anak, please. Stay where you are. I'm going to get you. Please. Wag mo naman akong pag-alalahanin ng sobra. Wag mo akong takutin ng ganito, Franki."

Napabuntong-hininga ako. "Why not? After all i'm not hard-headed and cold-hearted like Diana. I'm gonna stay in a bar here in Batangas. I am giving you until 5 am. If you're not going to be here. No Franki is going home alive."

I ended the call.

Pinaharurot ko na ulit ang kotse and headed to the bar where I came from earlier. I'm gonna wait in there until 5. I've decided.

***
This might be one of the longest days of my life. Ito na rin yata ang pinakamaraming nainom ko. I feel so dizzy. Hinihila na ako ng antok at hilong-hilo na ako pero heto't naiisip ko pa rin s'ya at ang sakit na dinulot n'ya sa akin.

Bakit ganito? I can't even forget what happened yesterday. It pained me so much.

"Franki..." Someone called me from behind.

Nilingon ko kung sinuman ang tumatawag sa akin. Medyo malabo s'ya sa paningin ko. Marahil dahil sa pag-iyak at sa antok na rin. What's familiar with me is her voice.

"Hey, Dee! Sinusundo mo na ba ako?" Tumawa ako ng pagak. As if naman.

"Sasamahan kita dito hangga't hindi pa dumadating ang mommy mo para sunduin ka."

"Tss! I don't need you here, Dee. Just go! Umuwi ka na sa inyo!"

"Huwag ng matigas ang ulo mo, F."

"Mabuti ang ulo ko lang ang matigas sa akin, Dee. Eh ikaw? Puso mo ang matigas sa'yo, Diana!"

Dinuro ko ang tapat ng dibdib n'ya. Pinagsusuntok ko pa.

"Stop it, Franki! Ginawa ko naman ang lahat. Binigyan naman kita ng chance. Binigyan ko tayo ng chance. Pero wala talaga. Hindi natuturuan ang puso."

"Tama ka, Dee. Hindi nga natuturuan ang puso. Kung kaya ko lang ba, hindi na sana kita minahal ng ganito. Hindi ko na sana nararamdaman itong sakit na 'to ngayon." Tinuro ko pa ang harapan ng dibdib ko.

"Franki..."

"What, Dee? What?!"

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay nabasag ang basong hawak ko ng ibagsak ko sa table pagkatapos kong masaid ang laman nito.

Nagdudugo na naman ang kamay ko but I don't even care. Ni hindi ko nga maramdaman ang sakit sa mga kamay ko. Pero ang sakit sa puso ko? Oo! At sobrang sakit na nito.

"Shit! You're bleeding." Narinig kong mura n'ya. Humingi s'ya ng first aid kit sa bartender.

"Akin na 'yang kamay mo. Be reasonable, F. Hindi tamang saktan mo ang sarili mo ng ganito."

"Tss! Ikaw lang pala ang pwedeng manakit sa akin kung ganoon? Hayaan mo na 'yan. Buti nga kung ikamatay ko 'yang pagkaubos ng dugo ko."

Binawi ko ang kamay kong ginagamot n'ya. Pero talagang malakas s'ya at nagawa n'yang tapusin ang pagbebenda sa kamay ko.

"Tss! Don't act as if you care, Diana."

"Maiintindihan mo rin ako, F. Dapat si Jen ang mahalin ko dahil 'yon ang mas tamang gawin."

"Wag mo nang ipamukha sa akin, Diana! Kung nagpunta ka dito para saktan pa ako lalo pwede ka ng umuwi dahil nagawa mo na ang dapat mong gawin. Nasasaktan na ako ng sobra."

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. Sobrang sakit na kasi na kung hindi pa 'to mailalabas ay baka sumabog na lang ako bigla.

"I'm sorry, Franki."

"Sorry?" Tumawa ako. "Yes! You have to be sorry. Pero alam mo rin namang wala ng magagawa pa 'yang sorry mo, Dee."

Buntong-hininga lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Get out, Dee. I don't need you here. I don't even need your fucking fake sorry! Huwag kang mag-alala. Hindi ako magpapakamatay. Gagawin ko ang nararapat para makalimutan ka. Hope this will be the last time that we will be seeing each other." I said before I passed out.

SEDUCING DIANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon